AURORA BLANCO
"Magandang gabi sa inyong lahat!" bati ng isa naming senior na mamumuno ng retreat. Isa siyang lalaki na medyo may katangkaran, kulay itim ang buhok at may kulay kapeng mga mata. Moreno ito at maganda ang pangangatawan. Bumati naman ang mga kasamahan ko pabalik sa kaniya.
"Nagagalak akong naririto kayong lahat para sa retreat. Layunin ng programang ito na mamahinga ang mga..."
Tinitigan ko si Carwyn gamit ang gilid ng aking mga mata. Nakatingin lang ito sa ibaba at mugto pa rin ang mga mata niyang kulay rosas. Hindi ko gusto ang pinta ng mukha niya. Pakiramdam ko ay umaabot sa akin ang kaniyang kalungkutan.
Bumigat na naman ang pakiramdam ko. Bakit ba hindi ako mapakali sa naging desisyon ko? Tapos na ang lahat. 'Yon naman talaga ang nararapat. Isa pa, sa isip ko lamang 'yon nangyari. Posible bang nakita rin ni Carwyn ang laman ng isip ko?
Napakurap ako. Sandali. Kung totoo nga ang hinala ko na si Sir Philo ay hindi ordinaryong tao, maari ngang nakita ni Carwyn ang nasa isip ko pati na rin ang desisyon ko.
Tinitigan ko si ulit si Carwyn. Naglaro muli sa isip ko ang isang malaking katanungan na mayroon ako para sa lalaking katabi ko.
Sino ka ba talaga?
"...Ngayon, kumuha kayo ng papel at isulat sa gitna ang salitang ako. Punitin niyo ito at itago muna sa inyong wallet o inyong mga bulsa. Sunod, hatiin niyo sa apat ang papel. Tupiin niyo lang para mahati sa apat na squares ang papel."
Sinunod lang namin lahat ng mga sinasabi niya.
"Tingin ko'y nagawa na ng lahat. Magsulat kayo ngayon ng apat niyong roles sa buhay. For example, pagiging anak, kapatid, estudyante, at iba pa."
Hinugot ko ang ballpen ko sa bag ko at napatitig sa papel. Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig.
Anak?
Kababalik lang ng mga memorya ko at alam ko na hindi kailanman naging maganda ang kalagayan ko sa pamilya ko. Imbes na tumayong sandigan at tahanan, sila pa ang naging dahilan kung bakit ako nasira. Kung bakit naging miserable ang buhay ko. Kung bakit ko pa kailangang tumawag ng demonyo para iligtas ako. Kung bakit ako nagpatiwakal.
Napatigil ako sa huli kong inisip.
Nagpatiwakal? Wala sa memoryang pinaalala sa akin ni Raphael ang pagpapakamatay ko. Saan ko nakuha ang ideyang kinilit ko ang sarili ko?
"Hindi mo pa ba susulatan 'yan, Aurora?" Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang may biglang bumulong sa tabi ko. Pagtingin ko rito ay sinalubong ako ng kulay dilaw nitong mga mata.
"Dabria..." banggit ko sa pangalan niya. Ngumisi ito sa akin at ipinulupot ang braso sa aking balikat. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at narinig ko ang tinig niya sa utak ko.
"I can clearly hear your thoughts, Aurora," saad niya at inilapit ang bunganga sa aking tainga. "If you just became mine, you didn't have to get involved with this shit anymore. You'll have your rest that you really deserved right from the start."
Tila ba nanlamig ako sa narinig at kusang nanlambot ang katawan ko. Sumakit din bigla ang ulo ko na parang binibiyak at gustuhin ko mang sumigaw ay parang may pumigil sa akin. Pakiramdam ko ay may malakas na pwersang humihigop sa lakas ko.
Dahil sa naging reaksyon ko, madali niyang hinugot mula sa kamay ko ang papel na hawak ko. Siya na ang nagsulat dito.
Napahigop naman ako ng hangin nang tuluyan na siyang lumayo sa akin. Napatulala lang ako sa pag-iisip habang hinahabol ang aking hininga.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasiIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...
