AURORA BLANCO
"So, ano na itatawag ko sayo? Raphael o Luci—"
"Shh. Don't say my name out loud," sita sa akin ni Raphael nang muntik ko nang sabihin kung ano talagang ngalan niya.
Tumawa ako at inamoy ang nilluluto niyang Chopseuy. Nawalan daw ako ng malay matapos kong maranasan muli ang lahat kaya inuwi niya na lang ulit ako rito sa dorm.
Malaki ang pasasalamat ko kay Raphael. After all, he made me feel all the pain once again not to harm me, but make me remember the root of my existence. Hindi pa rin malinaw sa akin kung anong nangyari kung bakit nawala ang mga memorya ko pero sapat na ang nalalaman ko ngayon tungkol sa sarili ko.
Ayoko munang dagdagan pa at baka mawasak na ang aking ulo.
At least, nararamdaman ko ulit na ayaw talaga sa akin ng mundo; na wala talaga siyang inalay sa akin kun'di pasakit lamang. Kung hindi dahil kay Raphael, hindi ako makakawala sa mga kadena nitong walang ibang ginawa kun'di pahirapan ako.
Looking back, I only felt freedom and pleasure whenever I execute my familia—I mean, Raphael's job; reaping the pain from mortals and devouring their valuable memories.
He's a demon and it's a natural thing for him. Hindi ko alam kung bakit niya ibinigay sa akin ang trabahong 'yon. Ano nga bang nangyari pagkatapos ko siyang tawagin?
Napaisip tuloy ako. Kaya ko rin ba siya tinawag ay dahil gusto ko ring mawala ang mga sakit na nararamdaman ko? Pero bakit tila lahat ng alaala ko nawala?
"Ayos ka lang ba?" tanong niya nang mapansin niyang nakatitig lang ako sa kaniya at wala man lang sinasabing ni isang salita. Tumango naman ako at sumandal sa may lababo. Itinupi ko ang mga braso ko sa aking dibdib.
"Raphael, can I ask you one thing?"
"You're already asking," he quickly replied. I rolled my eyes 180 degrees. This dude doesn't really know how to sense my solemnity.
"Bakit ngayon mo lang pinaalala sa'kin ang lahat? Bakit mo binigay sa'kin ang trabaho mo? At higit sa lahat, tinawag din ba kita dahil gusto kong mawala ang mga dinadala ko?" sunod-sunod kong tanong.
Tinakpan niya muna ang niluluto niya at saka pinatay ang kalan. Humarap siya sa akin at inilagay ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. He cornered me on the sink, intimidating me with those crimson red eyes.
"Too many questions, Aurora."
Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung anong tawag sa epekto niya sa akin na ganito pero naramdaman ko ang panghihina ng aking mga tuhod. Para bang hinihigop niya ang aking lakas.
Napahawak agad ako sa dibdib ko at huminga nang malalim. Itinaas ko ang aking kamay at inilapat ito sa may pisngi niya. Hinawakan naman agad niya ang kamay ko at marahan itong pinisil.
There's still one thing I want to ask him. Ang mga imahe na nakikita ko noon kung saan wala akong kontrol sa sarili ko, nagbibitiw ako ng mga salita na hindi ko alam kung bakit ko sinasambit, at may mga kasama akong hindi ko kilala. Napapikit ako at inalala ang mga 'yon.
Nasa loob ulit ako ng aking kwarto. Kapansin-pansin na tinakpan ko pala ng carpet ang summon circle. Tumayo ako at naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Luminga ako at nakita ko agad ang isang pigura. Katulad kanina ay hindi ko nakikita ang mukha nito. Malabo. Maski ang katawan nito ay hindi malinaw sa akin.
"I want to be with you... forever." Biglang gumalaw ang aking labi at sinabi ang mga katagang 'yon. Kusang naglakad ang aking mga paa palapit sa pigura. Mabilis ko siyang niyakap at nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking mga mata.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasyIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...