Chapter 15: The Twin's Shadow (Part 2)

125 16 0
                                    

AURORA BLANCO

"So, wala kayong balak magwalwal ngayong gabi?" tanong sa amin ni Dabria habang may hawak na alak sa kanang kamay.

Napairap ako. I'm not a fan of large crowds, especially noisy teens. Party-party pa talaga ang tugtog. Kaya lang naman ako dumalo dito ay dahil kay Carw— este, inimbita kasi kami ni Tiffany, nakakahiyang tanggihan.

"Teka lang, ah? Aalis muna ako. May nakita akong chicks," pilyang saad ni Dabria saka tumungga muna ng alak bago pinahawak ito kay Raphael at naglaho na sa madla. Bumuga na lamang ako ng hangin saka umayos ng upo sa table naming tatlo.

"Nasaan ba 'yong celebrant? Kanina pa nag-start 'tong party sa mansyon nina Tiffany pero wala akong nakikitang bumabati sa may birthday," asik ni Raphael. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita nang maunahan kami ng isang boses.

"It's because my brother is gone."

Nang tumingin ako sa nagsalita, si Tiffany pala. Kasama niya si Carwyn at magkahawak-kamay sila. Nakuha ko pa talaga 'yong pansinin kasi naiinis ako kapag nakikita ko silang magkasama.

What do you mean?" takang tanong ni Raphael.

Ngumiti nang mapakla si Tiffany. "It's a long story but, thank you for attending the celebration. I know wherever he is right now, he will appreciate all the people who came for his party," wika ni Tiffany at ngumiti sa amin.

I don't like her accent on saying that though. Goody-two shoes wannabe. Tumango na lang siya at sinenyasan kami na sa iba naman sila pupunta.

Nagkatinginan kami ni Raphael. "Weird," sabay naming sabi. Napatawa na lang kami at nag-apir. Tinuloy ko na lang din ang mga pagkain sa mga handang inihain sa amin at in-enjoy ang party kahit wala namang celebrant.

May namatay pa lang kapatid si Tiffany? She doesn't look like she's mourning over her brother's death kahit noong inimbita niya kami kaninang umaga for the birthday.

She's...I dont' know, parang walang pakielam?

"Hey. Kukuha lang ako ng maiinom," pagpapaalam ko kay Raphael. Tumango naman siya dahil hindi siya makapagsalita at puno pa ang bibig. Mga demonyo, ang tatakaw.

Tumayo na ako at naglakad papunta sa mga nakahilerang inumin at pagkain. Malaki ang mansyon nina Tiffany. Actually nga, parang isang village ang lupain nila. Kung tutuusin, mukha siyang haunted 'pag nalamang isang pamilya lang naman ang nakatira. Pero sa kasamaang palad, maganda naman kasi ang disensyo ng mansyon kaya hindi naging ganoon ang dating.

"Lemonade punch. Dalawa," saad ko sa waiter na namamahala sa pagkain. Sinunod naman niya ang sinabi ko at sinalinan na kami ni Raphael sa baso. Habang naghihintay, may natanaw ako mula sa malayo na dalawang pigura. Namukhaan ko kaagad ang isa dahil iisa lang naman ang kakilala kong may hawig kay Belle, si Tiffany lang.

Hmm, may kaaway ata siya?

"Sandali lang," giit ko sa waiter at iniwan na siya roon.

Sakto namang umalis si Tiffany sa kausap niya at dumaan sa kasalungat na daan kaya hindi niya ako napansin na papunta ako sa kaniya. Binalik ko ang tingin ko sa kaaway niya kanina lang at nabigla ako nang makita kong nakatingin siya sa akin. Ngumisi siya at sinenyasang lumapit ako sa kaniya. Tumalima naman ako kahit binabalot ako ng pagtataka.

"What did she tell you?" Nagsalubong agad ang mga kilay ko sa tinanong niya. Umikot ang mga mata niya. "About the birthday," dugtong niya. Napatango naman ako at sinabi ang alam ko tungkol sa celebrant. Ngumisi siya.

"She's partially right," saad niya at sumulyap kay Tiffany na nasa loob ng Hall.

"The celebrant died," mapait nitong sabi. "And he's my twin."

Pain ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon