AURORA BLANCO
"Salamat," maikli kong saad pagkatapos hipan ni Carwyn ang mga mata ko. Hindi ko man gustuhin na lumapit siya ng ilang pulgada sa mukha ko ay kailangan kong tiisin para mawala ang puwing sa mga mata ko. Medyo napatagal din kasi ang pag-alis niya dahil nakailang kurap pa ako buhat ng hapdi.
"Walang anuman," tugon niya. Napatitig ako sa kaniya nang mapansin kong sobrang laki ng ngiting nakapaskil sa kaniyang mukha. Halos umabot na ito sa kaniyang tainga. Ibubuka ko pa lamang ang aking bibig upang magtanong pero inunahan niya na ako.
"Sige. Magkita na lang tayo bukas," saad niya saka sumakay na sa kotse. Tumango lang ako at hindi na gumalaw sa pwesto ko. Napahinto rin siya pagkalagay niya ng susi sa sasakyan at sinilip niya ako mula sa bintana. Medyo madilim na ang paligid pero ang kulay rosas niyang buhok, mata, at mga labi ay tila hindi matatabunan ng dilim. Sobrang linaw pa rin kasi ng mga 'yon sa paningin ko.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?" tanong niya. Napalunok ako nang wala sa oras. Hindi ko rin kasi alam ang kasagutan sa kaniyang tanong. Bakit nga ba ako naririto pa? Hindi ba dapat umaalis na ako ngayon pa lang?
"Sisiguraduhin ko munang nakaalis ka na."
Napakunot ang kaniyang noo habang may mapaglarong ngiti sa mga labi. "Why would you do that?"
I can't stop myself from rolling my eyes. Pwede bang huwag na lang siyang magtanong? Hindi niya ba pansin na kahit ako mismo, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya?
"Okay, okay. It's fine," giit nito nang mapansin ang reaskyon ko.
"Aalis na ako. See you around, Aurora," dugtong niya at pinaandar na ang sasakyan papalayo. Pinagmasdan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Napayuko ako at napahawak sa dibdib ko. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Kaninang nasa sasakyan kami ni Carwyn, kahit parehas kaming hindi masyadong nagsasalita at tanging katahimikan lang ang siyang bumabalot sa amin, may iba pa rin akong nararamdaman. I've never felt this warm sensation before. Pakiramdam ko, walang mangyayari sa aking masama 'pag nasa tabi ko lang si Carwyn.
Hindi ko maintindihan pero...
Nakangiti ako.
"Aurora!"
Napakurap ako nang may tumawag sa ngalan ko. Lumingon ako agad sa aking likuran at nakita ang babaeng may maikli at kulot na kulay lilang buhok na tinernuhan ng kaniyang dilaw na mga mata. Walang iba kung hindi si Dabria.
Naglalakad ito papalapit sa akin habang kumakaway ang isa nitong kamay. Nakapamulsa ang isa sa bulsa ng kaniyang pantalon. May paru-paro din na nakapatong sa kaniyang balikat.
"Kanina ka pa?" tanong ko. Ngumisi naman siya at inakbayan ako pagkalapit niya. Clingy.
"Makikituloy muna ako sa apartment niyo ngayong gabi. May pagkain kayo?" tanong niya.
Pumikit ako at inalis ang pagkakahawak niya sa akin. Dumilat din naman ako agad at nilingon siya. "Do as you please," saad ko at nagsimula nang maglakad papunta sa apartment. Naramdaman ko lang siya na nakasunod sa akin.
"Kanina ka pa hinihintay ni Raphael sa loob," aniya habang umaakyat kami ng hagdanan. Hindi ko siya sinagot.
"Wala ka man lang bang sasabihin?"
Napakunot ako ng noo at napatingin sa kaniya. "May dapat ba akong sabihin?" balik kong tanong dito. Bakas sa mukha niya ang gulat dahil sa tinuran ko.
"W-wala. Tara, taas na tayo," mabilis niyang sagot at nauna nang umakyat. Napailing-iling na lang ako at sumunod.
Pagpasok ko sa kwarto namin ay naabutan kong nagluluto si Raphael sa kusina. Suot niya ang kulay asul na apron at nakatalikod sa gawi ko. Dumako naman ang paningin ko kay Dabria na nakasalampak sa sofa. Nakasandal ang isang binti nito sa dulong sofa habang nakatupi ang isa. Ang braso niya'y nasa tiyan niya habang ang isa ay nakapatong sa ibabaw ng kaniyang mga mata. Mula sa pintuan ay rinig ko ang hilik niya.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasyIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...