Chapter 14: Apple of My Eyes

550 52 28
                                    

AURORA BLANCO

Ilang beses ko nang tinuos sa utak ko kung bakit ganito ang trato sa akin ni Raphael pero wala akong maisip na dahilan para iwasan niya ako nang ganito. Hindi ko rin inakalang mararanasan ko 'tong pag-akto niya na para lamang akong isang hangin sa tuwing kasama ko siya.

Sa bawat pagkakataong magtatama ang aming mga paningin, agad niya 'yong iniiwas at gumagawa ng iba-ibang bagay para lang hindi ako makausap. Mahirap ang ganitong lagay sa dorm dahil parang naririyan lang siya para pagsilbihan ako; bigyan ako ng pagkain, bantayan ako, at gabayan ako. Ngunit hindi ganito si Raphael.

Simula't sapul, kung umakto ang isang 'to, parang wala siyang pakielam na isa siyang familiar. Probably because I don't really pressure him to act that way and just treats him as my equal. Pero ngayon, siya na mismo ang naglagay ng sarili niya sa lugar kahit wala naman akong sinabi na gawin niya 'yon.

"Lalim ng iniisip mo, Aurora. Ayaw mo ba talaga nito?"

Bumalik ako sa reyalidad nang itapat ni Dabria sa mismong mukha ko ang kinakain niya. Umiling lamang ako at nakita ko siyang bumusangot. Binawi niya na muli ang kamay niya at kinagat ang hawak-hawak niya. "Ang sarap kaya ng linupak."

Napaismid si Raphael. "Lahat naman masarap sa'yo."

Sinamaan ng tingin ni Dabria itong katabi ko saka ibinaling ang ulo sa'kin. "Pero ikaw pa rin pinakamasara—Aray!" Iniwas nito ang ulo niyang babatukan pa sana ulit.

Suminghal siya. "Ano ba, Raphael?!"

"Kung ano-ano kasi pinagsasabi mo," sambit ni Raphael. Pinatunog na lang ni Dabria ang dila niya at inakbayan ako. Napabuntong hininga ako sa inaasta ng dalawa.

"Buti natatagalan mo 'yang demonyong 'yan," aniya.

Napangisi ako. "Familiar ko nga siya kasi, 'di ba? Parehas kaming walang choice," saad ko. Tumango-tango naman si Dabria saka kinagat yung linupak niya habang makahulugang nakatingin kay Raphael. Kumunot ang noo ko sa inaasta ng dalawa. Tumingin ako kay Raphael para sana tanungin siya pero napansin niya agad ang gagawin ko at nakapiling na ang ulo niya sa ibang direksyon.

"Parang dati pinalalayo ako ni Raphael sa'yo Dabria," saad ko habang nakatitig pa rin sa kaniya. Naningkit ang mga mata ko nang bigla silang natahimik. "At hindi rin nakalagpas sa 'kin kung gaano kayo kabilis magkalapit dalawa."

Sinulayapan ko ang babaeng katabi ko. "May tinatago ba kayo sa akin?"

"Andiyan na ang Campus Couple!"

"Si Tiffany saka si Carwyn, magka-holding hands kyaah!"

"Bagay na bagay talaga sila."

Hindi na nagkaroon ng tyansang makasagot ang dalawa dahil napuno ng tilian ang paligid. Napairap nalang ako nang marinig ko kung sino ang naririto. It's been days since the Acquaintance Party and nung araw din lang pala na 'yon nag-transfer 'ypng bagong boyfriend ni Tiffany na si Carwyn. And since Tiffany is the famous Belle of the Crowd and vocalist ng bandang Nexus Hearts, halos pagkaguluhan ng nakararami ang relasyon nila.

Nagpatuloy na lang kaming tatlo sa paglalakad at hindi sila pinansin. Ayoko na rin kasi tignan ang magkasintahan at parang may umuusbong na inggit sa loob-loob ko. Ang kulay rosas na buhok at mga mata ni Carwyn, hindi 'yon mawala-wala sa isip ko magmula nung sinayaw niya ako. Minsan ay naiisip ko na lang na pinaglalaruan ng mga daliri ko ang kulot niyang buhok habang hindi kami magkamayaw tumitig sa isa't-isa.

"Aurora!"

Napakurap ako nang may tumawag ng pangalan ko. Tumahik bigla ang paligid habang nakita ko ang paghati ng mga tao para lang makadaan ang magkasintahan. Magkahawak pa sila ng mga kamay hanggang makarating sa tapat namin nina Dabria at Raphael.

Pain ReaperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon