AURORA BLANCO
Mabilis na natapos ang contest at kahit hindi kami ni Dabria ang nanalo, because obviously, nagkalat lang talaga kami. Ayos lang sa akin 'yon. Wala akong ideya kung sino ang mga nanalo pero sigurado ako na hindi ko sila pwedeng maging biktima ngayong gabi at hula ko'y masyado silang masaya. May mga bagay akong dapat pagtuunan pa ng pansin at magsisimula ako sa paghahanap muna sa magaling kong familiar na si Raphael.
Kaso may kasama pa rin akong makulit.
"Saan ka ba kasi pupunta?" pasigaw na tanong sa akin ng nakabuntot na si Dabria dahil sa lakas ng tugtog. Hindi gaya ko, suot niya pa rin ang damit niya sa contest kanina. Medyo self-conceited kasi 'tong babaeng 'to; akala mo lahat ng titingin sa kaniya, mai-inlove sa kaniya. Well, hindi ko naman maipagkakaila na may itsura talaga siya pero kasi, maraming iba naman riyan na baka magkandarapa pang pansinin niya kaya bakit ako pa ang pinili niyang inisin?
"May hinahanap lang ako," tipid kong tugon ko at mas binilisan ang paglalakad. May ilan na akong nakabubunggo pero hindi na ako nag-aatubiling humingi ng pasensya. Hindi rin naman nila ako napapansin at abala sila sa party. Suprisingly, hindi man lang naligaw sa dami ng tao si Dabria at nagawa pa rin akong habulin.
"Aurora, wait!"
Lumaki ang mga mata ko nang bigla akong hatakin ni Dabria ang aking braso at hapitin ako papalapit sa kaniya. Nakakunot ang noo kong inangat ang mukha ko upang salubungin ang mga titig niya. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa kaniyang dilaw na mga mata.
Pinatunog ko ang dila ko. "Ano na naman ba 'to, Dabria?!"
"Slow dance na. Ayaw mo naman sigurong makaistorbo sa mga magsyota?" saad ni Dabria.
Napaismid ako. "Mukha ba akong may pakielam?" nakataas kong kilay na saad. Pilit kong iniaangat ang mga kamay niya sa katawan ko. "Bitawan mo ako."
"Huwag ka ngang malikot," sita niya at pinisil ang tagiliran ko. "Panira ka." Napangiwi naman ako agad at sasagot na sana sa kaniya nang sinenyasan niya akong luminga sa paligid. Kusang gumala ang mga mata ko at nakita ko na pinagtitinginan na pala kami ng mga taong sumasasayaw malapit sa amin.
"Mali, ikaw lang," saad niya.
Nagsalubong ang mga kilay ko. "Huh?"
Umangat ang dulo ng labi niya. "Ang sabi ko, ikaw lang ang nag-iingay dito."
"Akala ko ba hindi mo nababasa isip ko?"
Nagkibit-balikat siya. "I can read some of your thoughts. Fini-filter ko 'ypng iba kasi ang ingay ng utak mo," saad niya at nakuha pang tumawa.
Inirapan ko siya. "E 'di huwag kang makinig. Ikaw lang naman 'tong nanghihimasok sa utak nang may utak."
"Hey," pagtawag ni Dabria muli sa atensyon ko. Tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa tono ng pananalita niya; bigla kasing naging seryoso. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at ang mga mata niyang nagliliwanag sa kapilyahan kanina ay napalitan na ng lamig. Pinaikot niya ako at pinasandal ang likuran ko sa dibdib niya. Tinapat niya ang kaniyang labi sa tenga ko, "Paano kung sayo naman mangyari ang ginagawa mo sa iba, Aurora?"
Sakto namang huminto ang musika kaya agad akong bumitaw sa kaniya. Tinapunan ko lamang siya ng tingin bago ako maglakad palayo. Minsan talaga iba rin ang tama ng isang 'yon. Imposibleng magkatotoo ang sinabi niya dahil wala naman akong dinadala na pwedeng pagsamantalahan ng iba gaya ng ginagawa ko. Isa pa, hindi naman ako name-mersonal sa mga kliyente ko. I need to turn people as my feeding ground in order for me to survive. Hindi ko 'yon ginagawa dahil gusto ko lang.
Habang naghahanap kay Raphael na kanina pa walang pagpaparamdam, may napansin akong isang babae na nakaupo sa isang sulok. Blangko ang mga mata nito habang nakatulala lang sa mga tao. Maikli ang kaniyang kulay itim na buhok na umaabot lang hangang sa leeg niya. Kaparehas nito ng kulay ang kaniyang suot na bistida at kitang-kita ang mapuputi niyang mga balikat sa off-shoulder nitong disenyo. Lumakad ako papalapit sa kaniya at doon ko lamang napansin ang mga piercing niya sa tenga. Nagpasya akong umupo sa tabi nito para samahan siya sandali pero agad niya akong binigyan ng singhal.
BINABASA MO ANG
Pain Reaper
FantasyIn a world where suffering reigns, an entity named Pain Reaper exists to grant humans' wishes to forget and to move on. Her service is perfect and simple: She'll take away all the cursed emotions her clients have and in return, they must surrender t...