Every day..

11 2 0
                                    

Araw araw..

Sa araw araw na kasama ko kayo ramdam ko ang pangungulila at pag iisa.

Sa araw araw na kasama ko kayo ramdam ko na parang sa lahat ng gagawin ko mali.

Sa araw araw na kasama ko kayo naaalala ko yung dating ako.

Sa araw araw na kasama ko kayo napapatanong ako "Masaya ka pa ba, Sam?"

**

Araw araw iniisip ko, hanggang kelan ko pagbabayaran yung mga kasalanan ko?

Araw araw iniisip ko, sa loob ng dalawang buwan na mas pinili ko yung taong mahal ko kesa sa inyo ang kapalit nun ay walong buwan na magtitiis sa ginagawa niyo.

Araw araw iniisip ko kung gaano ba ko kamali.

Araw araw iniisip ko kung hindi na ba ko pwedeng magkamali? Magmahal? Masaktan?

Araw araw iniisip ko kung titigil na ba ko at bibitiw.

Araw araw iniisip ko kung gaano kayo ka perpekto para husgahan ako.

Araw araw iniisip ko kung hindi na ba ako sasabay sainyo ng walang pasabi, ano kayang mararamdaman o maiisip niyo?

Araw araw iniisip ko, pano kaya pag nagpakamatay ako, iiyakan at dadalawin niyo ba yung burol ko?

Araw araw iniisip ko kung mali ba na nagmahal ako?

Araw araw iniisip ko kung saang banda naging ahas ako. Naging malandi ako.

Araw araw iniisip ko kung saang banda ba ko pinaka nagkamali at tinatrato niyo ko ng ganiyan.

Araw araw.

Araw araw nahihirapan ako.

Araw araw kinakailangan ko kayo.

Araw araw pinamumuka niyo sakin ang pagkakamali ko.

Araw araw napapagod ako.

Araw araw iniisip kong bibitiw na ko.

Araw araw umiiyak ako.

Araw araw nagtatanong ako ng Bakit.

Araw araw.

Araw araw kong pinipilit mabuhay pero kayo mismo ang pumapatay sakin.

Araw araw akong bumabangon pero bumabagsak ako pag kayo ang kasama ko.

Araw araw akong nag iisip kung kailan ba matatapos ito.

Araw araw.

Araw araw sinasabi ko sa sarili kong ako yung mali.

Araw araw sinasabi ko sa sarili kong ang TANGA TANGA KO.

Araw araw sinasabi ko sa sarili ko na pagod na ko.

Araw araw sinasabi ko sa sarili kong hindi ko na kaya.

Araw araw.

Araw araw akong nagpapakita ng ngiti pero nadudurog na ko.

Araw araw akong nagpapakitang malakas pero hinang hina na ko.

Araw araw akong nagpapakita ng positibong pagkatao pero pinapalitan niyo ito ng negatibo.

Araw araw.

Araw araw akong nagtatangkang sagutin kayo at ipagtanggol ang sarili ko, pero hindi ko magawa.

Araw araw akong nagpipigil na gumawa ng masama dahil ayoko nang makadagdag.

Araw araw akong naghihirap.

Araw araw akong nagtatangkang itanong ito

"Nasasaktan na ko. Alam niyo kaya siguro yun?"

*****

Araw araw napapatanong nalang ako, "Kaya mo pa ba, Sam?"

This is meWhere stories live. Discover now