Chapter 2

16.3K 313 6
                                        

Gabi gabi na lang ako umuuwi sa bahay dahil busy sa modelling. Tinanggal na sa trabaho si David. Mabuti na naman wala na siya at hindi na siya ang manager ko. Baka mapatay ko lang siya.

Habang naglalakad ako ay parang may sumusunod sa akin kaya lumingon ako. Wala naman tao.

"Weird." Tumuloy pa rin ako sa paglalakad pero lumingon ulit ako. Wala talaga. Creepy, man. Tapos na ang Halloween pero nakakatakot na akala mo may sumusunod sayo pero wala namang tao.

Nagmamadali ako maglakad hanggang makarating na ako sa bahay. Nagpahinga na ako dahil gusto ko na matulog.

Ilang araw ang lumipas ay naisipan kong dalawin si Greg sa Moon Cafe. Masarap ang mga nasa menu ng Cafe ni Greg. Nagpakasal na hindi man lang kami imbitado ni Zach. Medyo nagtatampo ako pero naikwento ko sa kanya tungkol sa pagsusunod sa akin noong isang gabi. Pinagtawanan ako hanggang binanggit niya na pinsan daw niya ang papakasalan ko. Wala akong ideya. Ang alam ko lang ay sa May pa ang kasal. Narinig ko si dad na may kausap sa telepono. Sa tingin ko ang kausap niya ang tatay ng papakasalan ko. Tinanong ko siya ano pangalan at noong sasagutin na niya may tumawag. Busy mga waiters kaya siya na ang lumapit. Kaya siguro ang daming babaeng dumadayo dito dahil gwapo ang may ari ng Moon Cafe tapos samahan mo pa yung pinsan niyang si Derek.

Pumuwesto na ako sa isang bakanteng upuan. Tapos na rin si Greg kunin ang order ng customer. Umupo siya sa harapan ko. Nilibre pa nga ako, eh. Bakit pa ako tatanggi sa grasya?

Nakita ko yung mukha ng babaeng kausap ni Greg kanina. Familiar siya sa akin pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita.

binalak ko ulit bumisita. Dumalo rin si Zach. Himala. Hindi yata busy sa pagiging daddy slash asawa.

Ang sabi ni Greg nandito na naman daw ang stalker ko. Lumingon kami pareho ni Zach dahil wala pang alam siya tungkol sa stalker na matagal ng sumusunod sa akin.

Gabi umuwi na ako dahil ang daming ginagawa sa agency. Pero ito na naman ang stalker ko sumusunod sa akin. Nagtago ako sa isang sulok at mukhang hinahanap niya ako. Dahan-dahan ko siya hinatak.

"Mmm.." Tinakpan ko kasi ang bibig niya.

"What do you want from me? Why did you always following me?" Sunod-sunod kong tanong.

"Mmm..." Pinapalo niya ang kamay ko nasa bibig niya. Agad ko naman yun inalis. "Hindi mo na ba ako maalala?"

Kunot noo ako. Pumuwesto na ko siya sa liwanag para makita ang mukha niya. Napabilog ang mga mata ko noong narealized ko kung sino ito.

"Micole?!" Hindi ako makapaniwalang tanong. She's Joo Micole Corpuz, she is my long lost best friend.

"Sawakas nakilala mo na rin ako, Dex."

"God! Hindi na kita nakilala." Niyakap ko siya. Sabik ako na makita ko ulit ang best friend ko. "I missed you, Mico."

"Me too." Ngumiti siya sa akin.

"You know what you creeped me out there. Akala ko may multong sumusunod sa akin gabi-gabi."

"Sorry. Nagiimbistiga ako."

"For what?" Kunot noo kong tanong.

"I want to know more about my best friend. Malaman kong ikakasal ka na pala sa pinsan ng kaibigan mo."

"Y-Yeah, Kristina ang pangalan."

"You love her?"

"No- I mean maybe soon. Hindi ko pa kasi siya kilala."

"Tara. Magimbistiga tayo tungkol sa kanya."

"Wag. Baka magalit si Greg sa akin kung gagawin ko yan." Pagsisinungaling ko. Kahit matagal ko ng gusto makilala ang bride ko para kausapin siya na kung gusto niya ituloy. Siguro noon gusto ko wag na matuloy dahil mahihirapan lang kami at baka hindi magwork ang marriage life. Sabi pa nga ni Greg ni biro ang kasal. I know.

"Saka isa kang modelo. Naks naman, Dex. Sikat na modelo ka na." Hinawakan ko ang kabilaang pisngi niya sabay pisil.

"Talagang stalker kita, Mico." Nakakagigil. I really missed doing this to her.

"Hehe... And you are mafia. Seryoso, Dex?" Natigilan ako sa pagpisil ng pisngi niya. Kahit ang pagiging mafia ko.

"Yeah. Before I was a mafia pero wala na yung Golden Dragon. Matagal ng disband simulang namatay ang isa naming kaibigan." Malungkot kong kwento.

"Sorry sa nangyari sa kaibigan niyo. Ganoon talaga pag nasa mafia ka."

"Hindi yun. Hunter protected me."

"I see.. Kalungkot talaga kung may importanteng tao ang mawala sa atin."

Pumunta kami ni Mico sa isang convenience store para doon na muna tumambay. Ayaw ko pa umuwi dahil miss ko makipagkwentuhan kay Mico.

"What do flavor you want? Pistachio pa rin ba?"

"Hehe, you still know my favorite ice cream."

"Of course." Ngumiti ako sa kanya. Kinuha ko na yung pistachio at rocky road ice cream. Binayaran ko na sa cashier ang dalawang ice cream. Inabot ko sa kanya ang isa.

"Thank you." Kinuha na niya at binuksan na niya para kainin.

Umupo kami sa bakanteng upuan malapit sa window glass ng convenience store.

"Musta ka na, Mico?"

"Ayos lang. Hanggang ngayon naghahanap pa rin ng boyfriend." Sabi niya habang kumakain ng ice cream. Alam kong nagbibiro itong kaibigan ko.

"Sa gandang mo yan. Siguro maraming maghahabol sayong lalaki." Kumain rin ako ng ice cream. "Kung hindi lang ako ikakasal baka ligawan kita."

Narinig ko siyang umubo. Napatingin ako sa kanya na may pagaalala.

"Ayos ka lang?" Inabutan ko siya ng tissue.

"Dex, ayaw ko ng friends with benefits." Saad niya. Tumawa naman ako.

"Hindi naman mangyayari iyan. Hindi ka naman mahirap mahalin." Inubos ko na ang ice cream saka pinunasan ko na ang darili ko gamit ang tissue. "Pero ito lang ang sasabihin ko sayo.. Payong kaibigan lang."

"Ano yun?"

"Maghanap ka ng lalaki na mamahalin ka talaga hindi yung mamahalin ka para ikama." Seryosong saad ko. Siya naman tumawa ngayon.

"Hindi naman ako tanga para pumayag makipagrelasyon kung yan ang paguusapan."

"Sinasabi ko lang sayo dahil ayaw ko makita kang umiiyak. Baka mapatay ko lang ang lalaking yun kung sino gagawa sayo ng kalokohan."

"Sweet mo talaga, Dex. Hindi ka pa rin nagbabago."

"Marami na rin nagbago sa akin. Naging gwapo pa ako lalo."

"Hangin mo. Pero alam kong bad boy ka noon. Makakaya kaya ng magiging asawa mo ang pagiging bad boy mo? At saka ang huling tanda ko womanizer ka." Dinuduro niya sa akin ang stick.

Nanahimik na lang ako. Mabuti walang kakilala nandito. Sira ang reputasyon ko.

~~~~

Yaaay! Meet Joo Micole Corpuz. Siya yung stalker ni Dex sa Carrying A Mafia's Baby. Nakilala na rin natin siya.

Taro-kun salamat twinny. :*

- Skye

Leave a comment and press ☆ to vote

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon