Chapter 11

10.5K 227 1
                                        

Tina's POV

Natulala ako noong huling sinabi niya sa akin. May anak na siya kaya doon na siya nakafocus. Masakit man para sa akin. Dapat hindi na lang niya ako pinakasalan. Pero ngayon nalaman kong dinadala ko ang anak niya. Two months na.

May babaeng lumapit sa gawi ko. Kunot noo naman ako habang nakatitig sa kanya.

"Kristina Martinez-Andrada, right?" Tanong niya. How did she know my name? Stalker ko ba siya. "Wag ka na magtaka kung paano ko nalaman. Palagi kang kinukwento sa akin ni Dex."

Palagi kinuwento ni Dexter ang tungkol sa akin? Pero wala naman siyang binabanggit tungkol sa babaeng ito.

"By the way, I'm Joo Micole Corpuz. Dexter's best friend." Inilahad niya ang kanyang kamay para makipagkayan. Kababata siya ni Dexter? So, kilala rin ba siya ni Greg? All I know Dexter is Greg's childhood friend.

"Um, nice to meet you."

"Nasabi sa akin ni Dex na tungkol sa bata dinadala mo ngayon. Gusto ko lang sabihin sayo na may karapatan ang best friend ko sa bata. Kahit hindi niya sabihin na ay napapansin kong nalulungkot at nasasaktan rin si Dex dahil mahal ka niya." Sabi niya. Doon na rin siya napasinghap sabay takip sa bibig.

"What? Mahal ako ni Dex?" Hindi ako makapaniwalang tanong. Umiling lang ito ng ulo.

"Ang daldal ko. Please, wag mong sabihin ang tungkol doon. Baka kasi magalit sa akin si Dex."

"O-Okay, hindi ko sasabihin sa kanya. Let's pretend I didn't hear anything."

"Thank you. Thank you talaga."

"Pero mahal ba talaga niya ako?"

"Yes, katulad nga ng sabi ko hindi niya sinasabi pero halata siya. Ikaw kasi palagi niyang kinukwento sa tuwing nagkikita kami."

Nagkikita pala sila. Hindi ko man alam.

"Patawarin mo na si Dex kung ano man ang nagawa niya. Ang sabi nga sa akin noon ginagawa niya ang lahat para sayo."

"Pagiisipan ko." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan kong pagisipan.

"Salamat talaga. Sige, kailangan ko ng umalis. Nice meeting you. Bye!"

Naglalakad na ako sa dalampasigan pero nakita ko siyang nakatingingala sa kalangitan. May luhang tumutulo sa mga mata niya. Ano kaya ang naalala niya?

"Bakit ka umiiyak diyan?" Tanong ko noong nakalapit na ako sa kanya. Sumilyap siya sa akin bago punasan ang luha.

"May naalala lang ako sa tuwing pumupunta ako sa ganitong lugar."

Sino naman kaya? Siguro importante sa kanya kasi naalala niya.

"Dex, I want to know about this from you. Sino ba yung batang binabantayan mo?"

"You mean Jaypee? Pamangkin ko siya. Anak siya ni ate Hera at sa akin siya binilin kaya nasa bahay na muna titira ang bata."

Tikom ang bibig ko. Pamangkin pala niya yun. Akala ko anak niya sa ibang babae.

"Gusto ka nga niya makilala pero ilang araw ka na hindi umuuwi." Napabilog ang mga mata ko.

"Sorry. Ang akala ko ay anak mo siya sa ibang babae." Nakayuko ako. Nakakahiya. Gusto ko na magpakain sa pating.

"I know. Iyan din ang naisip ko noong umalis ka ng bahay. Pero ito lang sasabihin ko sayo malinis akong tao, Kris. Wala akong kinakama na ibang babae maliban sa asawa ko. Kaya buntis siya ngayon."

"Siguro ka bang sayo itong bata?"

"Bakit? May ibang lalaki ka na agad?" Imbes na sagutin niya ako ay tinanong rin ako. Nagiba ang facial expression ni Dexter. Nagalit yata. Pero siya lang naman ang ama nito. Wala ng iba. Hinawakan niya ang magkabilaang balikat ko. "Tell me.. May iba ba? O wag mong sabihin sa akin ang ama niyan ay ang ex boyfriend mo?!"

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon