Chapter 3

13.9K 316 4
                                        

Tina's POV

Dahil maaga akong umuwi galing salon kaya naisipan kong dalawin si Derek sa Moon Cafe. Baka makita ko rin si Greg rito pero ang sabi ni Derek ay bihira na lang daw pumupunta si Greg dahil abala sa asawa. Akalain mo yun sinunod niya ang advice ko dahil binuksan niya ulit ang pinto para magmahal muli. At hindi lang yun dahil may naikwento si Derek sa akin na may kumidnap daw kay Yza pero nailigtas naman agad. Wala nangyaring masama sa kambal na anak nila Greg at Yza. Nakahinga ako ng maluwag dahil ligtas ang mga pamangkin ko.

Pinsan ako ni Greg sa mother side at close kami sa isa't isa ni Greg. Ni Derek? Hindi masyado pero sinusunod ko naman ang mga gusto niya na makakabuti sa akin.

"Hey, sis. What are you doing here?" Bumaba galing opisina si Derek noong makita ako.

"Masama na ba bisitahin ka rito, Derek?"

"Hindi naman. Pero ano ang sadya mo rito? Wala si Greg ngayon dahil malapit na manganak si Yza."

"You looks so disappointed. Are you still in love with her, big bro?"

"Hindi. Matagal na akong move on at alam ko naman mangyayari ito dahil mahal ni Greg si Yza. At ganoon rin si Yza kay Greg."

I agree with that. They are both in love with each other. Noong sinabi papa na kailangan ko magpakasal sa kaibigan ng kumpare niya. God! I don't even know that guy. At saka may boyfriend na ako. Like duh! Tapos nalaman ko na si Dexter Andrada pala ang papakasalan ko. Yes, I know him. Isa siyang mafia katulad ni Greg. Matalik na kaibigan rin siya ni Greg. At hindi lang yun certified womanizer. Kung gusto niyo pa malaman ang isa, sige sasabihin ko..

He is a...

Fuck boy.

Balita ko kasi paiba iba ang kinakama ng lalaking yun. And I don't even love him. Si Bill ang mahal ko. Siya ang boyfriend ko.

"Anyway, sis.. Ang sabi pala ni Greg kailangan mo na daw makipaghiwalay diyan sa kalangsay- I mean sa boyfriend mo."

"Bakit ko naman gagawin yun?"

"Ikakasal ka na, Kris. Kaya kailangan mo na siyang hiwalayan at saka may masasaktan kang tao kung hindi mo gagawin iyan. Alam mo rin naman ayaw ko sa lalaking iyan para sayo. Isang ihip lang ng hangin liliparin na yun." Sabi ni Derek. Mainit talaga ang dugo ni Derek kay Bill. Hindi magkasundo ang dalawang ito.

"Pero mahal ko si Bill, Derek."

"Isa, Kris. Ako ang mas nakakatanda sa ating dalawa kaya sumunod ka sa akin. Ginagawa ko rin ito para ikakabuti mo."

"Ikakabuti ko? Seryoso? Isang certified womanizer si Dexter."

"Alam ko. I did my investigation about him."

"Alam mo pala. Bakit hindi mo na lang ako tulungan na hindi matuloy ang kasal?"

"Kris, stop! Naniniwala naman ako sa sinabi ni Greg sa akin noon. Kung magkasama na kayo ng papakasalan mo ay magagawan mo siyang mahalin. Hindi ka naman mahirap mahalin, sis. Maraming lalaki nagkakagusto sayo pero sa maling lalaki naman ang pinili mo."

"Fine. Makikipaghiwalay na ako kay Bill." Nilabas ko ang phone at dinial ang number ni Bill.

"Hi, baby."

"Bill, there is something I need to tell you."

"What's up?"

"Let's broke up." Deretsong saad ko. Wala ng paligoy ligoy pa.

"What? Why? Tell me what's wrong, baby?"

"Because I don't love you anymore."

"No. I know you--" Binabaan ko nang tawag si Bill at tumingin kay Derek na todo ang ngiti.

"Makipaghiwalay sa nobyo sa phone hindi sa personal. Pero ayos na rin iyan."

"Ewan ko sayo, Derek."

"Musta na pala ang salon mo?"

"Ayos lang naman. Maraming pumupunta." Tumingin ako sa paligid ng cafe dahil ang daming customers. "Ang dami talagang customers dito, no?"

"Yup, magaling kasi ang kuya mo." Sabay tawa. I rolled my eyes. Mayabang kasi ito si Derek.

"Si Greg naman ang may ari nitong Moon Cafe."

"Derek." May tumawag sa pangalan ng magaling kong kapatid. Nilingon namin pareho ni Derek at mukhang napansin din niya ako. "Oh, Tina. Nandito ka rin pala."

"Hi, Greg. Binibisita ko lang si Derek." Napansin kong kasama pala ni Greg ang dalawa niyang kaibigan. Nakatingin ako sa isa. Wala naman akong pakialam kay Zach, ano?

Napabilog mga mata ko noong lumingon siya. Our eyes met.

Biglang kumalabog ang dibdib ko. Imposible kayang love at the first sight? No, hindi pwede! Masasaktan lang ako sa kanya. Malabong magbago ang isang babaero na katulad niya.

"Dex, gusto ko pala pakilala sayo ang pinsan kong si Kristina. Tina, si Dexter." Pakilala sa amin ni Greg. Tumango lang ito si Dexter. Ngunit wala naman akong pakialam sa kanya. Tumingin naman si Greg kay Derek. "Derek, can we talk?"

"Sige, doon tayo sa opisina."

"Zach, Dex, may bakanteng upuan doon. Doon na muna kayo umupo at may paguusapan lang kami ni Derek." Sabi ni Greg bago sila umakyat ni Derek patungo sa opisina.

"Zach, mauna ka na doon. May gagawin lang ako."

"Ano naman ang gagawin mo?" Tanong ni Zach.

"Basta. Susunod ako mamaya."

"Bahala ka na nga." Pumunta na si Zach sa bakanteng table malapit sa bintana.

Napansin kong umupo itong si Dexter sa harapan ko.

"Ikaw pala ang sinasabi ni Greg na papakasalan ko? Magpapakasal tayo pero hindi natin kilala ang isa't isa. I'm Dexter Andrada. Nice to meet you."

"Kristina Martinez."

"So, um.. Bakit gusto mo magpakasal sa akin?"

"Sino nagsabing gusto ko? Napilitan lang ako kaya ko ito gagawin. At ayaw ko rin magalit sa akin sina Derek at Greg."

"Ganoon ba? Sayang kakausapin pa naman sana kita kung gusto mo wag na lang natin ituloy itong kasal."

"Kung ako lang masusunod ay gusto kong wag na lang ituloy ito. Dahil una sa lahat ay hindi naman kita mahal."

"Aw, that hurts. Pero ganoon rin naman ako."

"Eh, gumawa ka ng paraan para hindi ito matuloy."

"Kahit gusto ko gawin iyan pero mapapatay naman ako ni Greg. Wala na tayo magagawa dahil magpapakasal na tayo ngayong Mayo."

"Alam ko. Tinawagan ako ni papa para sabihin sa akin iyan."

"Kung ayaw mo talaga magpakasal sa akin pwede kang hindi sumipot sa kasal."

"I don't want to disappoint my family. Ikaw na lang kaya ang wag sumipot? Para maiba naman. Puro runnaway bride. Gawin nating runnaway groom." Sabi ko. Tumawa naman ito.

"Sabi ko nga sayo mapapatay ako ng pinsan mo."

Bakit ba kasi ganito nangyari sa akin? Sa dami pwedeng pakasalan siya pa talaga. Naipit talaga ako sa ganitong sitwasyon.

~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon