Before we start. Gusto niyo malaman ano talaga trabaho ni Mico? Kung bakit marami siyang alam? Pero hindi talaga siya investigator.. Isa siyang... *drum rolls*
Malalaman niyo iyan mamaya. 😆
~~~~~
Tina's POV
Kumakain lang akong natirang carbonara. Pasta is one of my favorite. Hindi ako makahindi pag pasta ang paguusapan.
Hanggang tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino yun. But it's unregistered number.
"Sino kaya ito? O baka naman wrong send lang siya." Tinabi ko na ulit ang phone at tinuloy ko na ang pagkain.
Tumunog ulit ang phone ko kaya naisipan ko na tingnan.
From unregistered number;
Hey.
From unregistered number;
Oh. Sorry, nakalimutan ko lagyan ng pangalan. Si Micole ito. Kaibigan ni Dex.
Ang kaibigan lang pala ni Dexter ito. Pero paano niya nalaman number ko? Baka binigay ni Dexter.
From unregistered number;
Can we talk? Doon tayo sa Moon Cafe. Cafe daw yun ng pinsan mo pero masarap naman ang pagkain.. Hehe!
Napangiti ako pero sinave ko na muna ang number niya bago replyan.
To Micole;
Sure. Kita na lang tayo doon.
------
"Ano ang gusto mo pagusapan?" Tanong ko. Nandito na kami ngayon sa Moon Cafe.
"Ikaw lang kasi kilala kong babae rito."
"Pakilala ko sayo sina Alexis at Yza. Mababait sila."
"Kahiya naman. Pero hindi naman iyan ang sadya ko kaya kita pinatawag."
"Ano ba yun?"
"Hindi kasi masabi kay Dex ang tungkol dito." Sabi niya. Wag niya sana sabihin na may gusto siya kay Dexter. Tumingin siya sa akin. "Alam kong tingin na iyan. Mali ang iniisip mo.. Wala akong gusto kay Dex."
Nakahinga ako ng maluwag noong sinabi niyang wala siyang gusto sa asawa ko.
"Ayaw ko naman magaway kayong dalawa. Pero pwede ba tayo maging magkaibigan?"
"Oo naman. Kaibigan ka ni Dex kaya kaibigan na rin kita."
"Salamat." Ngumiti siya sa akin. Sa napapansin ko. Magandang babae itong si Micole. Konting ayos lang at sigurado akong maraming kalalakihan ang hahabol sa kanya. I know that. Isa akong make up artist.
"Ano ba ang gusto mong sabihin sa akin?"
"About my work. Ang iniisip kasi ni Dex na isa akong investigator dahil marami akong alam."
Totoo iyan. Nakahalata na rin ako.
"Ano ba kasi ang trabaho mo?"
"Secret agent." Pabulong niyang sabi. Nagulat ako dahil hindi ko inaasahan isa siyang secret agent. "Nautusan akong bantayan si Dex dahil may gusto pumatay sa kanya."
"What?" Bigla tuloy bumilis ang puso ko sa kaba.
"Tanda mo noong naaksidente siya? May duda na akong kalaban ang may gawa noon. Hindi isang aksidente lang."
"Paano yun?"
"Hindi ko pa alam. Pero sa tingin ko isa sa mga kalaban ng dating mafia na binuo nilang tatlo."
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
