Dex's POV
"Oh. Ano ito, Greg?" Nagtataka ako noong may nilagay siyang iced coffee sa table. Hindi naman ako nagorder nito.
Nandito na naman kami ni Kristina sa cafe ng pinsan niya. Ginagawa na nga naming tambayan ang cafe ni Greg.
"Your wife ordered a chocolate cake kaya may free iced coffee."
"Bakit naman?"
"It's our anniversary promo. If you order any kind of cakes, may free drinks. Alam ko namang mahilig ka sa kape and specially iced coffee."
"Wow. Mabuti na lang pumunta kami rito sa cafe mo."
"Ang sarap talaga ng mga pagkain rito, Greg."
"Salamat, Tina."
Napatingin kami ni Greg sa pumasok ng cafe. And believe it or not.. It's Yza and their twins.
"Hon? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Greg. Ibig sabihin pala hindi niya rin alam pupunta ang asawa niya rito.
"Gusto ka makita ng mga anak mo, Greg."
"Aww.. Miss niyo na ako agad?" Kausap ni Greg ang kambal niya. Napansin kong napatingin si Kristina sa kambal. Hindi ko nga lang alam kung handa na ba siya.
-------
"Dex." Lumingon ako. Tinawag kasi ako ni Kristina.
Nakauwi na rin kami sa bahay. Kasi noong pagkakita niya sa kambal ay bigla niyang sinabing gusto na niyang unuwi.
"Bakit, love?" Humarap na ako sa kanya sabay yakap dahil kahit anong minuto ay papatak ang luha niya.
"G-Gusto kitang bigyan na anak pero natakot ako baka maulit ang nangyari. Ngunit mas kinakatakot baka mawala ka sa akin dahil nakahanap ka ng ibang babae." Hinawakan ko ang pisngi niya. Pinunasan ang kanyang luha.
Iyon pala ang iniisip niya kanina habang nasa biyahe kami dahil ang tahimik niya. Hindi ko inabalanv tanungin siya baka pagod lang si Kristina pero mali pala ako. Gusto niyang bigyan ako ng anak pero natatakot siya mangyari ang aksidente noon at mas natatakot siya kung makahanap ako ng iba. Sinabi ko rin naman sa kanya with or without the baby I still love her.
"Shh.. Hindi mangyayari iyan. Hindi kita ipagpapalit sa ibang babae. Sinabi ko nga sayo noon mahal kita kahit wala tayong anak. Masaya ako sa tuwing kasama ka."
"N-Naiinggit ako sa pamilya na may anak." Tumingin siya sa akin pero tuloy pa rin ang pagpatak ng luha niya.
"Handa ka na ba?" Tanong ko habang nakatitig sa mga mata niya. Tumango siya bilang kasagutan.
Kinabukasan, nagising ako sa sinag ng araw. Tumingin ako sa tabi ko dahil ang himbing ng tulog ng asawa ko. She's cute while sleeping.
"Bakit mo ko tinitingnan habang tulog?" Napabilog ang mga mata ko. Gising na pala siya.
"Good morning, love." Hinalikan ko siya sa noo.
"Good morning." Binati rin niya habang may ngiti sa mga labi.
"Did you enjoy last night?" Ngumisi ako. "I did enjoy."
"Kainis ka." Hinampas niya ako sa dibdib.
"I can't wait to see our baby. Carry in my arms." Pumaibabaw ako sa kanya at hinalikan ko siya sa labi. "Magluluto lang ako ng agahan natin."
"Sige. Dito na lang muna ako."
"Okay. Sumunod ka na lang sa baba mamaya."
Pagkabihis ko ay bumaba na ako para magluto ng agahan namin. Ang saya ko ngayong araw. Sana nga magkaroon na kami ng anak ni Kristina.
Pagkatapos namin kumain ay naghuhugas na ako ng pinagkainan namin. Pero kinukulit ako ni Kristina.
"Dex, nood tayo ng movie." Hinihila niya ang laylayan ng shirt ko.
"Una ka sa sala. Susunod na ako pagkatapos nito."
"Basta sumunod ka ah." Pumunta na siya sa sala para maghanap ng magandang movies.
Pagkatapos ko maghugas ay pumunta na ako sa sala pero hindi pa rin tapos si Kristina pumili ng movies. Lumapit ako sa kanya para tulungan.
"You want action movie?" Tanong ko.
"No, I don't like actions."
"Ano ba gusto mong panoorin?"
"Romance."
Oo nga naman. Halos mahilig ang mga babae sa romance.
"Hindi na natin kailangan manood kung romance lang ang gusto mo." Sabay kindat.
"Huh? Ano pinagsasabi mo?"
Hinalikan ko na siya sa labi. Napabitaw siya sa hawak niyang CD.
"D-Dex." Tumingin ako sa kanya. Namumula na ang pisngi niya ngayon.
"Wag na tayo manood. Gawin na lang nating live." Ngumisi ako sa kanya. Lalo tuloy namula ang pisngi ng asawa ko.
"Dex, ano ba!" Sabay palo sa braso ko. "Ang aga-aga!"
"Ano naman kung maaga? Wala naman pinipiling oras ang making love."
"Dex, tumigil ka!"
"No, no. Sabi mo handa ka na magkaroon ng anak. Kaya hindi kita titigilan, Kris."
Nakahiga na ako sa sahig katabi si Kristina. Nakatingin lang sa kisame.
"Kainis ka, Dex."
"Alam ko naman nagustuhan mo ang ginawa natin kanina." Sabi ko. Hindi na siya sumagot kaya ngumiti na lang ako. Hinalikan ko na rin siya sa labi. "I love you."
"I love you too."
Lumapit ako sa tyan ni Kristina. Hinimas ko yun at iniimagine ko na may bata na sa sinapupunan niya. Napapangiti na lang ako.
"Dex." Tumingala ako para tingnan siya. "Alam kong magiging mabuti kang ama para sa magiging anak natin."
"Of course, love."
"Kung paano mong alagaan si Jaypee noon."
Narinig kong tumunog ang phone ko kaya bumangon na ako para ang phone ko sa center table. Nakita ko ang pangalan ni ate Hera.
"Napatawag ka, ate?"
"Dex.." Teka, umiiyak ba siya?
"Umiiyak ka?"
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla na lang nagpakita sa amin si Marcus tapos narinig ni Jaypee nagaaway kaming dalawa. Hinahanap ko ang anak ko pero hindi ko siya makita. Baka may alam kang pwedeng puntahan ni Jaypee."
"Ate, apat na taon pa lang si Jay. Hindi niya alam kung saan siya pupunta."
"Hindi ko alam ang gagawin ko kung pati si Jaypee mawala sa akin."
"Wag ka magaalala. Hahanapin ko si Jay." Binaba ko na yung tawag. Tumingin ako kay Kristina. "Kris, hanapin ko na muna si Jay."
"Ano nangyari sa kanya?"
"Ang sabi ni ate Hera dumating kanina ang tatay ni Jay at narinig niya ang pagaaway nina ate Hera at Marcus. Ngayon hindi alam ni ate Hera saan hahanapin si Jay."
"Tutulungan na kitang hanapin siya."
"Wag na. Ayaw ko naman pati ikaw mawala sa akin. Ako na lang maghahanap sa kanya."
~~~~~~
Please read My Kidnapper Is A Mafia Boss and Carrying A Mafia's Baby
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
