Chapter 21

8K 171 2
                                        

Gusto ko sumigaw noong makita ang pagmumukha ng lalaking yun sa pamamahay pa namin. Damn it.

Wag mong sabihin sa akin magpapaloko ka ulit diyan, ate Hera? Pero hindi umaalis sa likuran ko si Jaypee dahil nagtatago siya.

Lalagpasan ko na sana siya ay bigla akong huminto sa tabi niya.

"You better stay away from my sister or even my nephew. Kung ayaw mo ako mismo ang makakalaban mo." I smirked. Naglakad na ako palabas ng bahay.

Huminto ako sa paglalakad noong may sumunod sa akin.

"You sure you want to fight against me, Dexter? Alam naman natin na wala ka talagang laban sa akin." Sabi niya.

"Let see, Marcus." Inangat ko ang hawak kong phone pero nakatalikod pa rin ako sa kanya. "Isang tawag ko lang sa dalawang kaibigan ko at pupunta na mga yun para tulungan ako. At tandaan mo maling tao ang kakalabanin mo.. Because I'm a mafia."

Sumakay na ako sa kotse ko at nakita kong tulala niya. Ngumisi ako sa itsura.

"Ngayon alam mo na kung sino talaga ako. I will show you no mercy. Kahit ikaw pa ang ama ni Jaypee." Pinaandar ko na ang makina ng kotse ko.

Ilang linggo na ang lumipas ay palagi ko binibisita si Jaypee sa bahay pero madalas ko rin nakikita si Marcus. Ang kapal din ng mukha niya pumunta sa bahay. Wala siyang karapatang tumayong ama sa pamangkin ko.

Sumandal ako sa sofa at bumuga ng malalim na hangin.

"Nandito ka na pala, Dex." Umupo rin sa tabi si Kristina.

"Yeah." Wala kong ganang sagot.

"Ayos ka lang ba?"

"Nasira ang araw ko dahil nakita ko ang pagmumukha ni Marcus sa bahay namin kanina."

"Ama ni Jaypee?"

"Yes. At mukhang nagpapaloko na naman si ate Hera sa kanya."

"Mahal pa siguro ng kapatid mo kaya ganoon. Siya pa rin ang ama ni Jaypee, Dex. Wala kang magagawa."

"Meron. Meron pa akong magagawa. Kailangan niyang lumayo sa kapatid at pamangkin ko dahil wala siyang karapatang maging ama ni Jaypee." Seryosong saad ko. Seryoso na talaga ako.

"Siguro nga marami siyang pagkukulang sa bata kaya bumalik na siya dahil gusto niyang bumawi sa anak niya."

"Hindi niya pinagutan si ate Hera noon tapos ngayon babawi siya kay Jaypee! Hindi rin ako papayag na kunin niya sa amin ang bata dahil magkamatayan na muna kaming dalawa bago niya makuha ang pamangkin ko." Tumayo na ako sa pagkaupo ko at naglakad palabas ng bahay.

"Saan ka pupunta?"

"Papahangin at gusto ko lang din magisip na muna."

Dahil nalapit lang ang park rito ay doon na muna ako pumunta para magpahangin. May isang familiar na bulto ako nakita dito sa park. Kumukulo talaga ang dugo ko.

Naglakad ako ng mabilis patungo sa direksyon nila. Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok.

"Shit." He cussed. Napaupo rin siya sa buhangin.

"Dex?!" Pati si ate Hera nagulat sa ginawa ko.

"Ano, ate?! Magpapaloko ka na naman ba diyan sa lalaking iyan?!" Nataasan ko ng boses ang kapatid ko. Tinuturo ko rin si Marcus.

"Dex, hayaan mo muna kami ni Marcus."

"No, ate! Dahil kahit kailan hindi ka na pwedeng pumunta sa bahay pag ikaw niloko ng hayop ng lalaking iyan!" Naglakad na ako palayo sa kanila. Hindi ko na pinakinggan pa ang kapatid ko. This is worst day!

May inabot ako kay Kristina pagkauwi ko. Dumaan ako ng bakery bago umuwi.

"Thank you dito, Dex."

"Alam ko naman gusto mo iyan at simulang kinasal tayo palagi kitang binibilihan niyan."

"Of course. Kaya nga ang swerte ko sayo dahil palagi may pasalubong ako sayo." Tumatawa pa siya. Pero naglabas lang ako ng malalim na hininga. "May problema ba?"

"Nakita ko kasi sina ate Hera at Marcus sa park. At nasuntok ko si Marcus sa galit ko sa kanya kaya pati si ate Hera nasigawan ko."

"Say sorry to your sister, Dex. Ikaw na nga lang ang pwede niyang lapitan tapos magagalit ka pa sa kanya."

"Hindi ko lang tanggap kung paiyakin pa ng walang kwentang lalaking yun ang kapatid ko. Hindi na ako magdadalawang isip na patayin siya."

"Kung gagawin mo yun baka magalit sayo si Jaypee, Dex. Ang tingin sayo ng bata ay mabait. Hindi yung isang killer. Murderer."

Alam ko naman yun. Ang ayaw ko yung masira ang image ko sa pamangkin ko. Hindi ko kaya kung pati si Jaypee ay magalit sa akin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ang gusto ko lang naman gawin ay protektahan ang pamilya ko. Siguro nga may galit ako sa ama ko dahil siya ang dahilan kaya namatay si mama pero ama ko pa rin siya. Ngunit hindi ko pa rin siya magagawang patawarin sa lahat na maling ginawa niya. Kay kuya Eros naman hindi naman talaga ako galit sa kanya kahit siya pa ang paborito ni dad dahil siya ang sumunod sa gusto ni dad sa pagiging lawyer. Wala naman talaga akong balak sumunod sa gusto niya. Kay ate Hera, close talaga kami simulang bata pa lang ako. Siya palagi ang kakampi kaya noong nagkaroon siya ng problema ako na ang tumutulong sa kanya. Noong nalaman ni dad na buntis siya pero hindi pinagutan ng nakabuntis sa kanya, ako ang tumulong kay ate Hera para makumbinse namin si dad. Nakumbinse naman namin siya sa tulong ni kuya Eros. Wala rin naman magagawa si dad dahil nandiyan na rin ang bata. At makasalanan kung ipalaglag pa niya yung isang inosenteng sanggol. Ako rin ang nagbabantay kay ate Hera noong nanganak siya. Muntik na rin ako matanggal sa pagiging modelo ko noon dahil may araw ako hindi nakakapunta sa photoshoot ko. Pero kung gagawin nila yun mawawalan sila ng isang magaling na model. Isa ako sa mga magagaling at sikat na modelo. Kaya lang hindi ko naisip kahit tanggalin nila ako marami pa ring agency ang kukuha sa akin. Ang iba nga gusto nila ako lumipat sa agency nila dahil magaling daw ako. Ako lang ang tumatanggi.

"Alam ko. Pero yun ang nakikita ng bata. Kaya lang masisira ang image ko sa kanya pag nalaman niyang hindi ako ganoon kabait na tao."

"Mabait ka, Dex."

"I am not. Hindi ako mabait. Dahil isa pa rin akong mafia, Kris."

"Sabihin mo hindi ka na babalik sa pagiging mafia, diba?" Tanong niya. Pero hindi ko siya sinagot.

"Dex, please.. Sagu--" Nagulat na lang ako noong nahimatay ang asawa ko.

"Kris, wake up." Kinakabahan ako sa nangyari sa kanya. "Shit."

Binuhat ko si Kristina at nilagay ko siya sa backseat ng sasakyan. Dadalhin ko siya sa ospital ngayon. Sana nga lang walang mangyaring masama sa asawa ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Tumutulo ang luha ko habang nagmamaneho. Pinupunasan ko agad ang luha kong tumutulo.

"Shit. Traydor ka talagang luha ka."

~~~~~~

Under editing ang Carrying A Mafia's Baby.

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote.

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon