Pagkagising ko kaninang umaga ay wala na si Dexter sa tabi ko. Saan naman kaya yun pumunta ngayon? Hindi siya umaalis ng bahay na hindi nagpapaalam sa akin.
Wala na rin magawa rito sa bahay kaya naisipan kong pumunta sa Moon Cafe at bisitahin na rin si Greg.
"Oh, Tina. Hindi mo yata kasama si Dex ngayon."
"Wala siya noong pagkagising ko kanina. Hindi nagsabi sa akin kung saan siya pupunta ngayon."
"Ganoon ba?" Napatingin si Greg sa phone niya. "Excuse me. Sasagutin ko lang itong tawag."
Tumango ako sa kanya bago lumayo sa akin. Umupo na ako sa bakanteng upuan.
Sino kaya ang kausap ni Greg? Ang seryoso kasi ang mukha niya ngayon. Hindi naman pwede si Yza dahil hindi magiging seryoso ang mukha niya pagkausap ang asawa niya.
"Tina, I have to go."
"Saan ka pupunta?"
"May importante akong aasikasuhin sa bahay." Sabi niya. Alam kong hindi sa bahay nila ang aasikasuhin niya. Dahil hindi makatingin si Greg sa akin ng deretso. Kilala ko ang pinsan kong ito. Pero binigyan ko na lang siya ng tango.
Dex's POV
Hindi ko alam pero kaninang umaga ay bigla kong gustong pumunta sa warehouse ng Golden Dragon. Kaya pumunta ako ngayon pagkagising ko kaninang umaga. Hindi ko rin alam pero parang may gusto akong hanapin na hindi ko alam kung ano yun. Hanggang may isang bagay kumuha ng atensyon ko.
"What's this?" Kunot noo kong tanong sa sarili ko. Wala naman tao rito sa warehouse maliban sa akin.
Nilabas ko ang phone ko para tawagan si Zach.
"What now, Dex? Marami akong ginagawa sa kumpanya."
"Sorry, Zach pero may importante akong nakita."
"Huh? Tungkol saan naman?"
"Tungkol sa kumalakat na nagbebenta ng drugs."
"Ano naman kinalaban natin doon?"
"I don't know pero biglang gusto ko malaman ang tungkol rito."
"Dex, nasaan ka ba?"
"Nasa warehouse."
"Fuck. Pupuntahan kita diyan."
"Tatawagan ko rin si Greg."
"Mas mabuti pa." Binaba na niya yung tawag kaya tinawagan ko na si Greg.
"Greg, may importante akong sasabihin sayo."
"Tungkol saan?"
"Siguro narinig mo ang tungkol sa kumakalat na nagbebenta ng droga."
"Yes, I heard about it. Ano meron doon?"
"Maya ko na sabihin sayo. Pumunta ka na dito sa warehouse. Papunta na rin si Zach rito mamaya."
"Okay, pupunta ako diyan."
"Sige, hintayin ko na lang kayo rito." Binaba ko na yung tawag. Tumingin na ulit ako sa monitor. Naghahanap pa rin ako ng impormasyon tungkol rito pero may isang impormasyon ang umagaw pa ng atensyon ko.
Is this real?
Marcus Miller is one of the drug lord? Ang ama ni Jaypee.
"Hindi pwede mangyari ito. Kailangan sabihan ko si ate Hera tungkol sa lalaking yun pero hindi maniniwala sa akin ang kapatid ko. Magtatanong rin yun sa akin kung paano ko nalaman at iisipin sinisiraan ko lang ang ama ni Jay." Napasabunot na lang sa sarili kong buhok. Damn it. Ano ang gagawin ko?!
Narinig ko ang ang pagbukas ng pinto. Nandito na pala ang dalawa.
"Ano ang problema, Dex?" Tanong ni Zach.
"Malaki ang problema." Sagot ko.
"Bakit?" Takang tanong ni Greg.
"Nalaman ko kung sino ang nasa likod ng mga ito."
"Tungkol sa nagbebenta ng droga?" Tumango ako sa tanong ni Zach. "Sino?"
"Si Marcus Miller. Ang ama ng pamangkin ko na si Jaypee."
"Yung bata na kasama mo noon sa bahay niyo?" Tanong ulit ni Zach. Tumango ako.
"Mahirap ito, Dex. Kung kakalabanin mo ang ama ng pamangkin mo masisira ang image mo sa bata."
"Yun na nga, Greg. Kahit matagal ko nang gustong patayin ang lalaking yun pero ayaw ko naman pati si Jay ay magalit sa akin." Humarap ulit ako sa monitor.
"Dex, all you need is to find their hideout. Kung saan nila tinatago ang mga droga." Utos ni Zach. Tumango ako ng ulo.
"Hindi ako titigil hangga't hindi ko mahanap ang hideout nila."
"Dex, bakit hindi mo subukan kausap ang kapatid mo?" Tanong ni Greg.
"Sana ganoon kadali yun. Hindi makikinig sa akin si ate Hera at magtataka yun kung bakit ko sisirain ang pangalan ng ama ni Jay."
"Hindi ba ayaw mo doon sa ama ni Jaypee?" Huminto ako sa ginagawa ko. Humarap ako kay Greg. Nakatingin na pala sa kanya si Zach.
"Ano yun? Bakit hindi ko alam ang tungkol diyan?"
Sinabi ko kay Zach kung bakit hindi ko gusto si Marcus. Iniwanan niya ang kapatid at ang pamangkin ko ng apat na taon tapos ngayon babalik siya. Malalaman kong sangkop siya sa nagbebenta ng droga ngayon.
"Ganoon pala ang nangyari. Pero, Dex isa tayong mafia at pumapatay ng tao."
"Alam ko, Zach pero mahirap ang sitwasyon ko ngayon. Ayaw ko magalit sa akin si Jay. Napamahal na rin sa akin ang bata."
Napatingin ako kay Greg dahil ang tahimik niya. Ano naman kaya ang iniisip niya ngayon?
"Ganito na lang ang gawin mo, Dex." Sambit ni Greg. Pati si Zach napatingin na rin sa kanya. "Subukan mong kausapin ang Marcus na iyan. Pero hanapin mo muna ang hideout nila. And Zach, backup lang tayo. Kung kailan ni Dex ng tulong doon lang tayo lalaban."
"Okay. Walang problema sa akin."
"Kakausapin ko si Marcus?"
"Yes, kahit ayaw mo sa kanya pero kailangan mong malaman kung bakit nila kailangan magbenta ng illegals katulad ng droga."
"Kung mahanap mo na ang hideout ay tawagan mo kami ni Zach. Pupunta kami agad dito sa warehouse." Dagdag pa ni Greg.
"Ikaw na magbibigay ng plano, Greg?" Tanong ni Zach. Tumingin naman si Greg sa kanya.
"May naisip ka bang plano?"
"Meron pero sabihin mo muna yung plano mo."
"Okay. Ito ang naisip kong plano... Ikaw ang kakausap sa Marcus na yun, Dex at sa labas lang kami ni Zach pero kung hindi mo siya magawang kausapin ay magbigay ka na lang ng signal para pumunta kami agad sa location mo."
"Okay."
"Yes, hindi tayo nakakasigurado baka may mga tauhan siya doon. Kailangan rin natin tumawag sa ibang Golden Dragon members."
"Nagagawa naman natin ang ibang misyon kahit tatlo lang tayo." Sabi ko. Humarap na ulit ako sa monitor.
"Ano ang suggest mo, Greg?"
"For me, mas mabuti kung tatlo lang tayong pumunta doon para hindi tayo mahirapan."
"I like Greg's suggestion." Pagsasang ayon ko.
"Okay, gawin na natin ang plano ni Greg."
Sa tagal na namin magkakasama katulad nitong misyon namin ay ngayon lang magbigay ng plano at suggestion si Greg. Palagi kasi si Zach o ako ang nagiisip ng plano namin.
~~~~~
Malapit na matapos ito.
And
Destiny For Us will publish VERY SOON!
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
