Ilang buwan na rin noong naghahanap ako ng impormasyon pero hindi ako nawalan ng oras kay Kristina.
"Finally, I found it." May video pang kasama sa nakuha kong impormasyon. Pinanood ko ang video. Sabi na nga ba kalaban namin ang lalaking bumaril sa akin.
Ang unang tinawagan ko ay si Zach para sabihin sa kanya nahanap ko na ang hideout.
"Hey."
"Hey. I finally found the hideout, Zach."
"Great. I'm on my way. Pero nasabihan mo na ba si Greg?"
"Not yet. Tatawagan ko pa lang siya. Ibaba ko na ito." Binaba ko na ang tawag para tawagan na si Greg.
"Is there something wrong, Dex?" Narinig ko ang pagbungisngis ng mga anak ni Greg sa kabilang linya. Napangiti na lang ako.
"Everything is fine. Pero nahanap ko na rin yung hideout."
"Really? Magpapaalam lang ako kay Yza na magkikita kita tayong tatlong ngayon."
"Okay. Papunta na rin si Zach dito."
"Okay. See you." Binaba na niya yung tawag.
Ilang minuto ay narinig ko na ang pagdating ng dalawa. Wala talagang pakialam sa speed limit ang dalawang ito.
"Ano na, Dex?" Tanong ni Zach sa akin.
"Ang sabi dito ay nasa Chicago ang hideout ni Marcus."
"Chicago?" Takang tanong ni Zach. Tumango ako.
"Kung ganoon. Ano pa ang hinihintay natin? Punta na tayo sa Chicago." Sambit ni Greg.
"Sigurado ba kayo na gusto niyong sumama sa akin?"
"Iyan ang plano natin dati, Dex. Basta kami ni Greg sa mga bantay at ikaw na bahala sa Marcus na iyan."
-----
"Saaan dito? Ang laki pa naman ng Chicago." Tanong ni Greg.
"I don't know... Hindi naman ako familiar sa lugar na ito." Sagot ko.
"Wala bang nakalagay sa impormasyon?" Tumingin si Zach sa likuran kung saan ako nakaupo. Nakaupo ako sa backseat.
"Teka, hahanapin ko kung saan banda."
Hinahanap ko na sa impormasyon nakuha ko ang saktong lugar ng hideout.
"Kung may nakalagay ay pwede natin hanapin na. Medyo alam ko ang lugar na ito."
Sinabi ko kay Zach ang nahanap kong location. Dahil siya naman ang nagmamaneho ng sasakyan. At kabisado nga niya ang lugar.
"Nakapunta ka na ba dito, Zach?" Tanong ni Greg.
"Isang beses sa meeting ko." Huminto na yung kotse sa isang building. Abandon na ito, eh. Kaya siguro dito naisip ni Marcus na gawing hideout nila. "We're here."
Ang naunang bumaba si Greg pero kumatok siya sa bintana kaya binaba ni Zach.
"You sure? It seems like an abandon building, Zach."
"Yun ang sinabing location ni Dex sa akin. Ito lang yun at wala ng iba."
Bumaba na rin ako ng kotse at sumunod na si Zach.
"Hindi naman imposible dito sila magtatago." Sambit ko.
"Yes, tinatago nila ay isang droga kaya hindi malabo yun." Pagsang ayon ni Zach.
"Okay, guys. Alam niyo na ang gagawin." Lumingon kami ni Zach kay Greg. Tumango ako sa kanya. "Kami na bahala ni Zach sa mga bantay at ikaw, Dex hanapin mo ang bayaw mo."
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
