Tina's POV
Nakalabas na rin ng ospital. Kahit ganoon ang nangyari sa amin ni Dexter ay hindi niya ako iniwan. Lalo pa nga siya naging sweet sa akin.
"Sayang nga hindi kayo nakapuntan noong nagbukas nitong cafe." Sabi ni Greg. Bumisita kami ngayon sa bagong cafe niya. Maganda at dinadayo rin katulad sa Moon Cafe.
"Pero ito bigay ko na lang sa inyo." May nilapag si Greg na cake sa table namin.
"Pero Greg hindi naman kami umorder." Sabi ni Dexter.
"It's alright, Dex. Binayaran ko na iyan kaya wag na kayo mahiya."
"Himala yata nanglibre ka, cous." Hindi ako makapaniwala. Alam ko si Greg hindi nanglilibre sa cafe niya. And he always told us business is a business. "Wala ka naman sigurong sakit, 'no?"
"Tina, gusto mo yata bawiin ko na lang ito." Pinandilatan niya ako ng mata.
"Hindi rin ako makapaniwala." Pagsang ayon ni Dexter sa akin.
"Sige, wag niyo na lang kainin. Ibabalik ko na lang sa loob." Sabay kuha niya sa mga cake.
"Hey! Daya mo naman, cous. Binigay mo na sa amin kaya wag mo na bawiin." Sabi ko sabay nguso.
Binaba na ni Greg ang mga cake sa table namin. Nagsimula na naming kainin ang cake.
"Ano na ang plano niyong dalawa?" Kumuha ng upuan si Greg sa bakanteng table at umupo na ito. "Wala na ba kayong balak magkaroon ng anak?"
"Meron naman, Greg. Pero hindi naman kami nagmamadali ni Kris. Pinagusapan na rin namin ang tungkol diyan." Si Dexter na ang sumagot.
"Ikaw, cous ano na plano mo?"
"Plano ko saan?"
"Dito sa bago mong cafe. Medyo malayo ito kumpara sa Moon Cafe ah."
"Si Derek ang maghahandle nitong cafe. At ako doon sa isa."
"Iba talaga kung mayaman, no?" Sambit ni Dexter habang kumakain ng cake.
"Hey, hindi naman ako mayaman kumpara naman kay Zach. Jackson family is a billionaire, Dex."
"Bakit hindi na pala sumasama sa inyo si Zach?"
"Busy sa asawa yun." Sagot ni Greg. Sabay tawa pa.
"Kahit hindi niya sinasabi sa amin ni Greg. Alam naming takot siya sa asawa." Sagot naman ni Dexter. Mga baliw talaga itong magkakaibigan.
"Musta na pala kayo ni Yza?" Tanong ko.
"We're fine. At ang bilis nga panahon dahil malapit na magisang taon ang kambal."
"Anong balak niyo?"
"We're having a birthday party on their first birthday, Tina." Sagot niya. Tumingin naman si Greg kay Dexter. "And you."
"What? Kumakain lang ako rito."
"You should buy a present for them. Dahil kukulitin lang kita kung wala."
"Argh. I hate you."
"Ouch. That hurts, Dex."
"Mangdiri ka nga kung mag-I love you ako sayo. Kinakalibutan ako sa sinabi ko."
Natatawa lang ako sa dalawang ito. Kahit nagagalit si Greg kay Dexter nang dahil sa akin ay alam kong mahal ni Greg ang mga kaibigan niya.
"Yeah, me too. Tumaas ang balahibo ko sa sinabi mo." Tumingin si Greg sa phone niya. "Balak sana namin ni Yza outing."
"Outing? Para saan, Greg?"
"On twins' first birthday. Sponsor si Zach."
"Maldives?" Tanong ni Dexter. Ayon sa sinabi ni Greg sa akin noon may resort sila Zach sa Maldives.
![](https://img.wattpad.com/cover/126344106-288-k313287.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...