Chapter 10

10.5K 223 1
                                        

"Hindi sinasagot ni Derek ang mga tawag ko." Sabi ni Greg. Ilang araw na rin noong hindi umuwi si Kristina.

"Hindi naman kaya tinakas ni Derek ang kapatid niya." Sabi ni Zach.

"Napapatay ko talaga ang pinsan kong iyon."

"Greg, I'm sure you have a CCTV camera at Moon Cafe." Sambit ko. May kutob akong pumunta si Kristina sa Moon Cafe noong araw na yun. Baka makatulong sa pagiimbestiga. And we don't need police to help us. Kaya namin lutasin ito na kami kami lang. Sa taglay kong makakuha ng impormasyon.

Magagamit ko rin pala ang galing ko rito.

-----

"Sa tingin mo ba makakakuha ka ng lead dito, Dex?" Tanong ni Greg sa akin.

"Wala naman masama kung susubukan." Umupo na ako sa harap ng monitor. Inadjust ang date and time na pwedeng bumisita rito sa Cafe si Kristina.

"Wait. I think I saw Kristina entered the shop." Pinahinto ko ang video noong sinabi ni Zach. Yes, I saw her too. Tinuro pa niya kung saan siya nakapwesto.

"Dex, play mo." Sinunod ko naman ang sinabi ni Greg. Plinay ko ang video.

Nakita ko siyang umupo sa isang bakateng upuan. Hanggang lumapit sa kanya si Derek ang kapatid niya. Hindi ko alam kung ano ang pinaguusapan nilang dalawa. Until they went out. Dumaan sila sa back door ng cafe.

"I knew it. May kinalaman dito si Derek. And the reason why he didn't answer my calls."

"Greg, may alam ka bang pwede nilang puntahan?" Pinatong ni Zach ang kamay niya sa balikat ni Greg.

"I'm sorry. Wala akong alam kung saan sila pwedeng pumunta."

"Hindi ako titigil." Tumayo na ako sa kinauupuan ko. "Kailangan ko mahanap ang asawa ko. Without her my life is a mess."

Iniwanan ko na ang dalawa. Hahanapin ko si Kristina. Hindi ako susuko.

"Hello..? Napatawag ka, Mico."

"Let's meet. Miss ko na yung mga bonding natin."

"Sakto. I need your help."

------

"Ano maitutulong ko sayo, bes?"

"Ilang araw na hindi umuuwi si Kris. Kailangan ko siya hanapin at hindi ako susuko."

"Imbestiga tayo kung saan pwede mahanap ang asawa mo."

"Saan naman tayo magsisimula?"

"Okay, first question sa anong dahilan kaya siya umalis ng bahay niyo?"

"Hindi ako sigurado baka iniisip niya anak ko ang anak ni ate Hera na si Jaypee. But he is my nephew. Ayaw niya naman makinig sa akin at ayun nawala na lang."

"I see. Second question, sino ang kasama niya noong nawala siya?"

"Ayon sa pagtingin ko sa CCTV camera ng Moon Cafe ang kasama niya ay ang kapatid niya na si Derek." Tango tango siya habang sinasagot ko ang katanungan niya.

"Alam mo ba kung saan nakatira ang Derek na ito?"

"Yes, I know. Dinala na ako doon dati ni Greg."

"Tara puntahan natin kung saan siya nakatira."

Sumakay kaagad kami ni Mico sa kotse ko. Nagmamaneho ako papunta sa bahay nila Derek.

Nakailang pindot na si Mico sa doorbell pero mukhang walang tao.

"Mukhang walang tao, Mico."

"Maniwala kang walang tao. May narinig akong bukas na tv galing sa loob." Pindot pa niya sa doorbell.

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon