Chapter 28

7.3K 164 0
                                    

Tina's POV

Nakikita ko si Dexter nasa kusina at nagluluto ng makakain namin. Nasa limang buwan na ang tyan ko ngayon kaya todo alaga sa akin ang asawa ko.

"Gising ka na pala." Nilingon niya ako at pinatay na rin niya ang kalan. Nilapag na niya ang pagkain sa mesa.

"Ang aga mo naman yata nagising ngayon." Umupo na ako sa upuan.

"May pupuntahan kasi ako ngayon." Umupo na rin siya sa harap ko. Kumuha nang hotdog.

"Saan naman?"

"Sa Andrada Law Firm o sa bahay." Kibit balikat nito. "Depende kung saan ko makikita si dad."

"Bakit? Ano naman ang gagawin mo doon?"

"Nakapagdesisyon na ako na maging lawyer na matagal na niyang gusto para sa akin." Kinain na niya yung hotdog.

"You sure? Paano na ang magiging modelo mo?"

"I already quit, 'diba? Pero hindi naman sa ayaw ko na maging modelo. I have my own reason kaya gagawin ko ang pagiging lawyer ko."

"Kung ano man iyang reason mo susuportahan kita. Kung saan ka masaya." Nagsandok na ako ng fried rice at kumuha na rin ako ng isang hotdog.

"Salamat, Kris." Ngumiti siya sa akin.

"Basta wag mo kalimutan ang chocolate bread ko paguwi mo ah. Kung ayaw mo magaaway tayong dalawa."

"Yes, ma'am. Hinding hindi ko kakalimutan ang pasalubong."

Pagkatapos kumain ay niligpit na ni Dexter ang mga pinagkainan namin. Nagasikaso na rin siya para pumunta sa Andrada Law Firm dahil alam na rin niya maaga umaalis ang papa niya sa bahay nila.

Bago siya dumeretso sa pupunta niya ay hinatid na niya muna ako sa Moon Cafe dahil gusto ko bumisita na muna doon.

"Oh, Kris. Napadalaw ka yata rito." Sambit ni Derek.

"Gusto ko bumisita dito."

"Ang laki na ng tyan mo, sis." Tumingin siya sa tyan ko bago sa akin. "Lalaki ba o babae?"

"Lalaki, Derek."

"Whoa! Really? Nice, sis. I have a nephew."

"Si Vince pala.. Kamusta na?"

"Ayos lang yun. Laki na nga ng pinagbago niya simulang pinarusahan siya ni Greg."

"Malaking tulong ang parusa ni Greg." Natatawang sabi ko.

"Umupo na muna tayo. Baka nahihirapan ka na." Inalalayan ako ni Derek. Umupo ba kami sa bakanteng table.

"Ikaw? Musta ka na, Derek?"

"Ayos lang ako. Busy pa rin dahil maraming dumadayo sa isang cafe."

"Bakit nandito ka nga pala?"

"May ginagawa si Greg sa isa niyang cafe. Hindi nga ako pinapupunta doon. Ewan ko nga kung bakit."

"Baka may surprise sayo." Natatawang sabi ko ulit.

"I hate surprises. Alam mo naman yun."

Hindi ko alam ang dahilan ni Derek pero ayaw talaga niya ang sinusurpresa siya. Naiinis siya pag ganoon. But mom and dad love surprises. Iniisip nga nila minsan kung anak ba talaga nila si Derek.

"Or maybe surprise for everyone. Hindi lang sayo. But who knows?"

Nakita kong pumasok ng cafe si Greg.

"Oh. Hey."

"Tapos na ba yung ginagawa mo?" Tanong ni Derek.

"Not yet. Kaya pagsamantala na munang sarado yun."

"Ano ba kasi ang ginagawa mo doon?"

"Malalaman mo yun pagbukas ulit ng cafe." Tumalikod na sa amin si Greg at umakyat sa itaas.

"Simulang nagkaroon ng sariling pamilya iyang pinsan natin ay hindi na siya nauubusan ng supresa." Sabi ni Derek. Bumuntong hininga na lang ito.

"Baka nga para sa pamilya niya yung ginagawa niya doon. Who knows?"

"Alam mo, sis.. Alam kong dalawang taon na simulang nakilala niya si Yza."

"Sa totoo lang tatlong taon na niyang kilala si Yza."

"Huh? How?"

"Ayon sa kwento niya sa akin dati nakilala daw niya si Yza noong nagtatrabaho pa siya sa bakery."

"Bakery nga pala siya nagtatrabaho noon bago nagtrabaho rito sa Moon Cafe."

"Doon daw niya nakilala si Yza. And then, hindi na niya nakalimutan si Yza."

"Simula noon ay ang laki na rin pinagbago nitong pinsan natin."

"You mean.. Napapadalas na ang pagngiti niya." Tumango si Derek sa akin.

"Simulang dumating ang kambal sa buhay niya ay naging masayahin na si Greg."

"Alam mo naman sabik na magkaroon ng anak iyang si Greg."

"Maiba tayo.. Gusto mong pumunta tayo sa tinatambayan natin?"

"Mahirap sa akin ang pumunta doon."

"Gagamitin naman natin ang kotse ko papunta sa beach."

Wala na rin ako magagawa kaya pumayag na rin ako sa kanya. Miss ko na rin kasi ang pumunta sa beach na tambayan namin ni Derek.

Pagkarating namin doon ay tumingin lang kami sa paglubog ng araw. Ang ganda.

Bigla ko naalala ang sinabi ni Dexter sa akin noon na may naalala siya sa tuwing pumupunta daw siya sa ganitong lugar.

Sino kaya yun? Hanggang ngayon kasi hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang tungkol doon. Hindi ko rin alam kung handa na siyang sabihin sa akin.

"You okay, sis?" Tanong ni Derek. Tumingin ako sa kanya bago tumango.

"Okay lang ako. May iniisip lang."

"Ano naman ang iniisip mo?"

"Kung ano ang ipapangalan sa anak namin ni Dex." Pagsisinungaling ko. Pero pwede na rin siguro magisip ng magandang pangalan para sa anak namin ni Dexter.

"Um.. Wala akong alam kung ano ang magandang ipangalan sa anak niyo. Bakit hindi mo na lang siya kausapin?"

"Great idea. Pero baka mamaya pa siya uuwi."

"Why? Busy ba sa trabaho ang asawa mo?"

"Hindi pero ang sabi niya ay balak na niya magabogado."

"Hindi ba abogado ang pamilya niya?" Tumango ako sa kanya. "Ano naman ang dahilan niya kaya siya magaabogado?"

"Hindi ko alam. Pero kung ano man yun ay susuportahan ko siya."

Pagbalik ko sa bahay ay nakita ko si Dexter nakaupo sa sofa. Mukhang hinihintay ang paguwi ko.

Umupo na ako sa tabi niya. At mukhang napansin ang pagdating ko.

"Nandito ka na pala."

"Yes, hinatid ako ni Derek rito." Ngumuti siya sa akin. Kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. "Um, Dex... Ano sa tingin mo magandang pangalan sa magiging anak natin?"

"Pinagiisipan ko na rin ang tungkol diyan. Ang naisip kong pangalan ay Ethan."

"Ethan. Ethan Andrada. I love it, Dex." Ngumiti ako napakalawak. Pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya.

"I'm glad you love it." Pinaglalaruan niya ang buhok ko.

"Musta pala ang paguusap mo kay papa?"

"Ayos lang naman. Siyempre natuwa siya dahil magaabogado na ako."

"Walang babae ah."

"Wala naman akong babae. Sayo lang sapat na ako."

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

My Hot Husband Is A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon