Dex's POV
Pumunta ako ng grocery para bumili ng lulutuin ko mamaya. Ibang klase ako? Oo dahil ako ang naggrogrocery. Ayaw ko kasi mapagod si Kristina. Ang plano ko magluto ng Carbonara.
"Dex?" Lumingon ako sa likod. Nakatayo kasi ako ngayon sa shelf ng mga gatas. Kunot noo noong makita ko kung sino.
"Wala akong oras para sayo, Audrey."
"Please, magusap naman tayo."
"Busy ako. Kaya umalis ka na." Kumuha na ako ng gatas. Naglakad na ako patungo sa shelf ng noodles.
"Saglit lang naman, Dex." Huminto ako sa paglalakad. Humarap ako sa kanya.
"Hindi naman natin kailangan magusap. Una sa lahat wala naman tayong relasyon, pangalawa siguro nga minahal kita noon pero noon pa yun. Mahal ko na ngayon ang asawa ko. Mahal ko sila ng magiging anak namin. Ayaw ko makitang malungkot si Kris dahil nasasaktan lang ako at magagalit sa akin ang pinsan niya. Kaya umalis ka na. Ayaw na kita makita pa."
"Please, Dex... Gusto ko lang sabihin sayo na buntis ako noong umalis ako."
"Fuck." Nagulat ako. Pero wala naman nangyari sa amin noong pumunta ako sa bahay niya. "Wala nangyari sa atin kaya wag mo ko gawing ama ng anak mo."
Hindi na siya nakapagsalita pa. Yumuko na lang siya habang umiiyak. Pero noong magsasalita na siya ulit, may nagsalita sa likuran ko na kinagulat ko.
"Wow! Hindi ko alam may ahas rin pala hanggang ngayon." Lumingon ako sa likod. Nakita ko si Mico.
"Mico? Anong ginagawa mo rito?"
"Grocery ito, Dex. Kaya bibili ako ng makakain pero nakita ko kayo dito. Narinig ko ang lahat." Tumingin ulit si Mico kay Audrey. Marami rin alam si Mico katulad ni Zach. Pero ano kaya ang trabaho ni Mico? "Hoy, ikaw babae.. Kung alam mong may asawa na itong kaibigan ko kaya shoo! Lumayas ka na dito at wag ka na magpakita pa sa kanya. Wag mo sisirain ang pamilya ng kaibigan ko. Kung ayaw mo itapon kita sa gubat kung saan nararapat ang mga katulad mong ahas."
Tikom rin ang bibig ko. Tinawag niyang ahas si Audrey? Ibang klase si Mico.
Umalis na si Audrey na walang sinabi na kahit ano.
"What's that, Mico? Tinawag mo siyang ahas?" Hindi ako makapaniwala.
"Ang mga ganoong babae ay gumagawa ng paraan makuha ang mga lalaking mahal nila. Kaya magingat ka, Dex. Sinasabi nilang buntis sila noong araw na umalis sila para panagutan sila ng lalaki. Lumang style na yun." Pailing iling pa siya ng ulo.
"But thanks."
"Wala yun. Ano ka ba."
"Pero bakit ang dami mong alam tungkol sa akin?"
"Hindi ba, nagiimbestiga ako tungkol sayo? Kaya marami akong alam."
"Investigator ka ba?"
"Hindi ako investigator. Basta. Hirap paliwanag."
"Gusto mo kumain sa bahay? Magluluto ako ng Carbonara."
"Wag na, Dex. Kakahiya naman at pakikasmusta na lang ako sa asawa mo." Naglakad na siya. May dala nga siyang basket.
Nagluluto na ako ng carbonara pero naiisip ko pa rin ang nangyari kanina. Wala naman nangyari sa amin ni Audrey. Siguro pumunta ako sa bahay niya pagkatapos ng trabaho ko.
Flashback
Nagdoorbell na ako para malaman niyang dumating na ako ngayon. Binuksan naman ako agad ni Audrey ng pinto.
"Pasok ka, Dex." Pagyaya niya sa akin. Pumasok naman ako sa loob at umupo sa sofa.
"Bakit mo ba ako pinupun--" Napasinghap ako noong umupo siya sa kandungan ko. Shit. Pero naitulak ko siya.
"Dex, bakit?"
"Not now, Audrey. Pagod ako ngayon." Sabi ko. Siguro nga bad boy ako pero hindi naman tama ang gusto niya. Malapit na ako ikasal at unfair naman sa papakasalan ko kung hindi akong malinis na tao.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko.
"Sorry but I have to go."
Kaya simula noon ay hindi na ako masyado kinakausap ni Audrey. Hindi ko na rin tinanong kung bakit dahil alam ko naman ang dahilan niya.
End of Flash
"Dex!" Napakurap ako noong may sumigaw. Nakita kong nasunog na yung noodles.
Napasampal na lang ako sa noo ko. Ano ba nangyayari sa akin?
"May problema ba, Dex?" Lumingon ako kay Kristina.
"Sorry, may iniisip lang ako." Pinatay ko na yung kalan. Tsk. Sayang naman itong noodles. Sugod na.
Kinuha ko yung susi sa may center table.
"Bibili lang ako ng noodles." Sabi ko. Ano ba itong nangyari sa akin? Bwesit.
Bumalik ako sa grocery para bumili ng noodles. Pagkabili ko ng noodles ay naisipan kong bilihan ng chocolate bread si Kristina. Dinaanan ko pa yung malapit na bakery rito para bumili. Pagkatapos ay umuwi na ako sa bahay.
"Sorry kung natagalan ako." Inabot ko sa kanya yung chocolate bread. "Binilihan pa kita nito."
"I love you, Dex." Ngumiti ako sa kanya. Ang bilis palagi ng kalabog ng dibdib ko sa tuwing nag-I love you sa akin ang asawa ko. My heart flattered. Nakakabakla man pero totoo.
Nagluto na ulit ako ng noodles. Tapos ko na rin kasi gawin ang sauce kanina.
Noong naluto na yung noodles ay nagsimula na kaming kumain.
"Dex, may problema ka ba kanina?" Napatingin ako sa asawa ko. Para siyang bata kumain. May white sauce kasi siya sa tabi ng labi.
"Nakita ko kasi siya kanina."
"Ano nangyari? Nagusap ba kayo?" Umiling ako. Tinataboy ko naman siya. At ayaw ko rin makinig sa mga sasabihin niya. "Alam mo nagseselos ako."
"Bakit naman?"
"Ako itong asawa mo, eh."
"Wala kang ikaselos, Kris. Ikaw ang mahal ko. Takot ko lang kung makitang galit na naman sa akin si Greg. Baka lalamayan na ako nito ngayon."
Hindi na siya umimik pang muli. Nakita ko siyang umiiyak. Kaya tumayo ako para umupo sa tabi niya.
"Love, don't cry."
"Bakit ka ba niya gusto makausap ah? Mahal ka rin ba niya?"
"May sinabi siyang buntis siya noong umalis siya. But believe me hindi akin yung bata. Inosente ako."
"Ang hirap paniwalaan, Dex. Siya ang first love mo."
"Maybe she was pero walang nangyari sa amin. Siguro nga pumunta ako sa bahay niya kahit gusto niyang may mangyari. Ngunit napigilan ko siya. Naiisip ko unfair sa papakasalan ko kung malaman niya na may nangyari." Kinuha ko yung tissue sa tabi at pinunasan ang bibig niya na puno ng white sauce.
"Hindi ko na alam, Dex."
"Please, Kris. Wala ka naman siguro balak pirmahan ang divorce, 'diba?"
"No. Ipaglalaban ko kung ano ang akin." Seryoso siyang nakatingin sa akin. Ngumiti ako. Kinakabahan ako baka mawala sa akin ang asawa ko. Hinalikan ko siya kahit nalalasahan ko ang alat ng luha niya.
"I love you, wifey ko."
~~~~~
qiqil na c aquoh kay Audrey 😡😡
Tama iyan Mico. Itapon na siya sa gubat.
P.S. Abangan niyo ang Mafia Series Sequel. :)
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
Roman d'amourMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...