Dex's POV
"Salamat sa pagalaga kay Jaypee, Dexter." Sabi ni ate Hera. Ngayon lang kasi umuwi si ate Hera galing Paris.
"Wala yun, ate. Basta sa pamangkin ko." Tumingin ako kay Jaypee. Umupo ako sa harapan niya. "Pwede ka bumisita dito kahit kailan mo gusto."
"Thank you, uncle." Sabay yakap sa akin.
"Mukhang napamahal na sayo ang pamangkin mo."
"Sino ba naman ang hindi? Simulang sanggol pa lang si Jay ako na ang kasama niya habang busy ka sa trabaho."
"Bye." Kumaway sa akin si Jaypee pero kumaway rin siya sa likod ko. Lumingon ako. Nakita ko si Kristina kumakaway rin.
Sinarado ko na yung bago lumapit sa kanya.
"Simulang sanggol ikaw na ang nagalaga sa kanya?"
"Oo. Wala pa nga akong alam magalaga ng sanggol noon." Nagkamot ako ng ulo. "Pero kahit baby pa lang si Jay ay mabait na."
"Bakit apilyido niyo ang gamit niya? Nasaan ang ama ni Jaypee?"
"I don't know. Hindi niya pinagutan si ate Hera noong pinag bubuntis pa niya si Jaypee. Bigla na lang siya naghalo na parang bula. Para sa akin isa siyang walang kwentang tao. Wala siyang karapatang maging ama ni Jaypee."
"Kaya pala ikaw ang tumayo bilang ama niya."
"Yes, nangako rin ako kay ate Hera na tutulungan ko siya sa pagalaga sa anak niya. Ito na nga. Jaypee came."
"Buti hindi niya hinahanap ang tunay niyang ama."
"Hinahanap niya pero pinatay ko na ang ama niya." Nagulat siya sa sinabi ko. "I mean sinabi ko sa kanya na patay na kanyang ama kaya wala siya sa tabi niya."
"Akala ko pa naman pinatay mo talaga."
"Wala nga akong alam kung nasaan lupalop nagsusuot yun. Kahit gusto kong patayin talaga pero ayaw ko masira ang image ko sa bata."
Nagluluto ako ng agahan namin noong may nagdoorbell. Sumilip ako kung sino. I saw Greg. Wala naman akong ginawang mali ah. Hinanda ang panangga baka makatikim na naman ako ng suntok.
Binuksan ko na ang gate pero bago pa ang lahat ay hinarang ko ang hawak ko.
"What? Bakit ka may ganyan?" Tanong niya. Dahan-dahan kong binaba.
"Baka kasi sintukin mo na naman. Hinahanda ko lang ang sarili ko. Baka lamayan na kasi ako puro bugbog ang mukha."
Narinig kong tumawa si Greg. Tama yan. Pagtawanan pa ako.
"Hindi ko na iyan gagawin. Napagalitan pa ako ni Yza noong nalaman niya. Ilang araw rin niya ako pinatulog sa sofa."
"Bakit ka pala napapunta rito?"
"Gusto ko lang sabihin sayo na may grand opening ang bago kong cafe next week. Sana makapunta kayo ni Tina."
"Dapat tinawag mo lang."
"Gusto ko personal."
"Sige, pupunta kami."
"Salamat, Dex." Sumakay na ulit si Greg sa kotse niya. Sinusundan ko ng tingin ang pagalis niya.
Pumasok na ako sa loob ng bahay dahil hindi pa ako tapos sa pagluluto. Ilang taon na ba yung Moon Cafe niya? Hindi ko na tanda.
"Sino yung kausap mo kanina?" Nilingon ko siya. Gising na pala si Kristina.
"Si Greg." Humarap na ulit ako sa niluluto ko. "Ang sabi kasi niya may grand opening ang bago niyang cafe next week. Invited tayo."
"Nagtayo na si Greg ng bagong cafe? Himala yata."
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
