Hi. Gusto ko lang sabihin na pag nilagay ko na yung epilogue ng story na ito ilalagay ko na rin yung chapter 1 ng sequel. If you want to support that story like how you my mafia series, check on my profile. :)
Pag may EPILOGUE na yung story na ito doon ko ilalagay ang DESTINY FOR US.
~~~~~~
Dex's POV
"So, may balak kang ayusin ang isa mong cafe?" Tanong ko kay Greg. Kausap ko kasi siya sa telepono ngayon.
"Yes. Ano sa tingin mo magandang idagdag?"
"Stage? Para may perfomance at dumami pa yung mga customers."
"Parang ginawa mong bar ang cafe ko."
"Why not? I mean, pwede naman yun dahil cafe pa iyan. Morning performance." Sabi ko sabay tawa.
"Kung hindi lang kita kaibigan, kanina ko na ito binaba." Sabi nito. Kaya lalo akong tumawa.
"Gagawin mo ba ang suggestion ko?"
"Depende. Pagiisipan ko na muna."
"Okay.."
"Ano pala ang ginagawa mo ngayon?"
"Nandito ako sa office ni dad."
"Anong ginagawa mo diyan? Ang alam ko wala kang interesado sa law."
"People change, Greg. Nagkaroon na ako ng interesado dito."
"Wow naman. Ano ang nakain mo bigla kang nagkainteresado?"
"For Marcus."
"Kaya naman pala."
"Kahit malaki ang nagawa niyang kasalanan ay gusto ko siyang tulungan. Pero ginagawa ko ito para kay Jaypee. Gusto ko makilala na niya ang kanyang ama."
"That's nice, uncle Dexter."
"Para kay Jaypee. Hindi para sa kanya."
"Yeah, I know. Pero ang alam ko kailangan mo muna makapasa sa bar exam."
"No worries. Kukuha naman ako ng bar exam kaya magaaral na muna ako para makapasa."
"Good luck sa future lawyer."
"Thank you."
"Atty. Dexter Andrada. Haha, that's nice. I'm sure matutuwa niyan si tito pagpumasa ka sa bar exam."
"Natuwa na nga noong sinabi kong gusto ko maging lawyer. Akala na niya nagbibiro ako."
"Haha, sino pa naman ang maniniwala na gusto mo? Alam ni tito na pangarap mo maging modelo kaya nga hindi ka niya sinuportahan sa pangarap mong iyan. Pero speaking of dream job, wala ka na bang balak bumalik?"
"Maybe I'm taking law pero hindi naman sa ayaw ko na maging modelo. Modelling is still my dream job. Masaya ako noong modelo pa ako. Pero ang gusto ko lang gawin na muna ay pagiging lawyer ko."
"If your decision is final. Then, I will support you. Good luck."
Dalawan na buwan na rin ang lumipas naging abala ako kahit wala pa yung schedule sa bar exam.
Malusog naman si Ethan at dalawang buwan na lang ay makakarga ko na rin ang sarili kong anak.
"How's my future lawyer hubby?" Humiga si Kristina sa tabi ko. Abala kasi ako sa laptop habang nakasandal sa headboard.
"I'm fine, love. Medyong kinakabahan dahil sa paglapit nang bar exam."
"I know you can do it." Ngumiti siya sa akin. Hinalikan ko siya sa noo.
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
