Five years later...
Limang taon na rin ang lumipas. Limang taon na si Ethan ngayon. Naging tagumpay ang unang hawak na kaso ni Dexter kaya malaya na ngayon ang ama ni Jaypee. Pero ngayong taon nilang magpakasal.
"Make sure you won't make my sister cry." Rinig kong sabi ni Dexter kay Marcus. Kaya pinagtawanan lang siya nito.
"Don't worry, I owe you. Pangako hindi ko papaiyakin ang kapatid mo at magiging mabuti akong asawa't ama sa kanila."
"Dapat lang. Dahil ayaw ko naman makita si ate Hera na umiiyak nang dahil sayo. Kahit alam natin na ikaw pa rin ang mahal niya."
Tinanggap na rin ni Dexter na maging bahagi ng pamilya ang ama ni Jaypee na si Marcus. Nahirapan nga si ate Hera na kausapin itong asawa ko dahil hindi pa rin niya talaga napapatawad si Marcus kahit tinulungan na niya ito.
Naikwento na rin niya sa akin ang dahilan kung bakit siya umiyak noon sa beach. Noong maliit pa daw siya ay palaging nasa beach sila ng kanyang mama kaya naalala lang niya ang kanyang mama noong panahon na yun. Nagalit siya kay papa dahil hindi sinabi na may natatanggap pala siyang death threat galing sa mga kaaway kaya namatay ang mama nila dahil sa death threat. Pero mabuti na lang ay pinatawad na rin niya si papa.
Sa loob ng limang taon ay naging mabuting asawa't ama si Dexter sa amin ni Ethan. Kahit marami siyang hawak na mga kaso ay mayroon pa siyang oras sa amin. Marami na rin siyang natutulungan na ibang tao kahit walang pangbayad.
Ang sabi sa akin dati ay iniidolo niya dahil ang kanyang daddy. Gusto niya maging katulad nito. But now, he likes his dad. Isang matulungin at mabait na abogado. Proud na proud ako sa asawa ko.
Pagkatapos ng kasal ay umuwi na kaming tatlo dahil inaantok na si Ethan. Pinatulog na ni Dexter si Ethan at ako naman ay nagluluto ng hapunan namin dahil ginabi na rin kami sa biyahe. May yumakap sa akin mula sa likod.
"Dex naman! Baka masunog itong niluluto ko." Pinatay ko na yung kalan.
"Sorry, love." Pinaharap ako sa kanya. May ngiti sa kanyang mga labi.
"May kailangan ka ba?"
"Ngayon malaki na si Ethan." Tinaasan ko siya ng isang kilay. Mukhang alam ko na ang gusto nito. "Baka pwede na natin siy--"
"No."
"What? Bakit naman?" May pagkabigla ang reaksyon niya. Gusto ko tumawa sa mukha ngayon ni Dexter.
"Because I'm eight weeks pregnant." May ngiti sa akin mga labi.
"What? R-Really?" Hindi makapaniwala ang mukha niya ngayon. Tumango ako. "Magiging daddy na ulit ako? At magiging kuya na si Ethan?"
"Yes." Napasinghap ako noong buhatin niya ako. Pinaikot ikot pa sa ere. "Dex, ibaba mo ko! Nahihilo ako."
"Sorry. Ang saya ko lang talaga ngayon dahil magkakaroon ulit tayo ng isa pang anak. Thank you, Kris." Binaba na niya ako pero hinalikan niya ako sa labi.
"Hindi ka na ba babalik sa pagiging modelo mo?"
"Sino nagsabi sayo na hindi ako babalik? Tinawagan ako ni Zach noong isang araw kasi may naging kliyente siya na may problema ang kaibigan niya. Narinig ni Zach yun kaya sinabi niya sa akin na puntahan ko daw yung agency kung kailan ako hindi busy. Wala rin naman akong kaso next week kaya magpapaappointment ako sa kanila."
"Mas lalo ka pa mawawalan ng oras sa amin ng anak mo." Malungkot kong saad.
"No, love. Kahit abogado na modelo pa ako hinding hindi mangyayari iyan. Magkakaroon ako ng oras sa inyo lalo na dadating pa sa atin ang bunso natin."
"Tama na ang dalawang anak." Pinisil ko ang ilong niya.
"Kung iyan ang gusto mo. Ayos lang sa akin kahit dalawa lang ang anak natin. Ang mahalaga sa akin ay makasama ko kayong lahat." Niyakap niya ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap.
"Me too. Mahalaga na may oras ka pa sa amin."
"Siyempre naman. Magkakaroon talaga ako oras ng sa inyo. Hindi ako papayag na mawalan ng oras sa inyo."
Ngumiti ako sa sinabi niya. Ang sweet talaga ng asawa ko. Mabuti na lang hindi pa ako diabetic sa sobrang tamis nitong si Dexter. At kaya rin magkakasundo silang magkakaibigan dahil pareho ng mga ugali.
Kinabukasan, weekend naman ngayon kaya walang trabaho si Dexter. Bumisita kami sa puntod ng mama niya.
"Hi, ma." May nilapag na bulaklak si Dexter sa puntod at nagsimula na siyang magdasal. Lumapit sa kanya si Ethan. "Ma, pakilala ko po sa inyo ang apo niyo. Si Ethan po."
"Hello po, grandma."
Nagpaalam na kami sa mama niya na aalis na pero biglang naalala ni Dexter na dadalawin pa daw niya ang kaibigan nila na si Hunter. Hindi ko masyado pa nakilala si Hunter kahit nga nakikita, eh. Halos si Zach ang kasama ni Greg noon kaya siya lang ang kilala ko.
Pagkapunta namin sa puntod ni Hunter ay may nakita kaming dalawang tao. Tumingin yung isang lalaki sa kasama niya kaya kita na yung mukhang. Hindi ako pwedeng magkamali. Sina Zach at Greg ito.
"Zach? Greg?" Hindi sigurado si Dexter sa nakita niya. Lumingon ang dalawang lalaki. Sabi na nga ba sina Zach at Greg.
"Oh. Dex, Tina."
"Dinadalaw mo rin ba si Hunter ngayon?"
"Oo pero dinalaw ko na muna ang puntod ni mama. Kayo?"
"Pagkakataon lang na nagkita kami ni Greg rito."
"Hindi namin pinagusapan ni Zach na dumalaw ngayong araw."
Lumapit si Dexter sa dalawa niyang kaibigan at hinakbayan ang mga ito.
Dex's POV
"Kung nandito lang si Hunter, sana kumpleto pa rin tayong apat." Rinig kong sambit ni Zach. Tumingin ako sa kanya.
"Kumpleto pa rin naman tayong apat. Kahit hindi na natin nakikita si Hunter ay alam kong palagi pa rin natin siyang kasama." Sabi ni Greg. Tumingin naman ako sa kanya.
"Tama yun. Kahit hindi na natin nakikita si Hunter ay palagi siya nasa puso nating tatlo." Nakangiting saad ko. Wala na yung guilt sa dibdib ko kung bakit namatay si Hunter. Hunter protected me that's why he died.
Sobrang naguilty ako noong mga panahong iyon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako prinotektahan ni Hunter. Gusto niya maging masaya ako sa magiging pamilya ko.
Pero ngayon ay hindi na dahil alam ko naman hindi ko dapat sisihin ang sarili ko sa pagkawala niya. He save my life. Kung hindi dahil kay Hunter ay wala na ako ngayon. Hindi ko makilala si Kristina at walang Ethan na anak namin.
Tumingala ako dahil biglang tumulo ang luha ko.
"Umiiyak ka na naman." Natatawang sambit ni Greg.
"Hindi ako umiiyak."
"Eh, ano iyan? Imposible namang ulan. Hindi naman umuulan ngayon." Mga sira talaga itong kaibigan ko.
"Wag kayo panira ng moment na dalawa."
Tumawa lang ang dalawang ito. Tama iyan pagtawanan niyo ko. Mga pasaway. Kahit ganyan silang dalawa ay masaya ako dahil naging kaibigan ko silang lahat.
THE END
~~~~
Dito na nagtatapos ang third series ng mafia.
And please support the sequel. Destiny For Us
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
