Chapter 22

7.7K 165 4
                                    

Binabantayan ko ngayon ang asawa ko dahil hanggang ngayon ay wala pa rin siyang malay. Pero ang sabi ng doctor ay wala daw ako ikabahala sa nangyari.

Napapangiti na lang ako sa sinabi ng doctor kanina.

"Thank you, love." Hinalikan ko ang likod ng kanyang kamay.

Buntis daw si Kristina at isang buwan na. Wala yatang alam si Kristina na nagdadalang tao siya ngayon. Kung meron man ay matagal na niyang sinabi sa akin tungkol sa bata.

May narinig akong nagbukas ng pinto at away rin. Hindi ba sila nahihiya? Ospital ito.

"Pwede ba kayong dalawa wag kayo magaway sa loob ng ospital." Inis na sambit ni Derek. Sinermunan yata yung dalawang nagaaway.

Lumingon ako sa likod at laking gulat ko noong makita si Mico.

"Mico?! Anong ginagawa mo rito?"

"Nabalitaan ko ang nangyari kay Kristina kaya agad akong pumunta rito."

Nasabi na rin sa akin ni Kristina na naging magkaibigan na daw sila ni Mico.

Pero napapansin ko sa tuwing magkasama sina Vince at Mico ay palaging nagaaway. Kasi naman itong si Mico palagi niyang tinatawag na lolo si Vince dahil sa pagiging mainitin ang ulo nito. Kulang na lang yun ang endearment ni Mico kay Vince at kakaiba ang tawagan.

"Dexter, ano nangyari sa kapatid ko?" Napatingin ako kay Derek. Nahahalata sa mukha niya ang pagaalala sa kapatid.

"She's fine. Buntis si Kris kaya nawalan ng malay kanina."

"Really? Buntis si Kris?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vince. Tumango ako ng ulo.

"Naks, Dex. Congrats sa inyo." Saad ni Mico. May ngiti sa kanyang mga labi.

"Salamat, Mico."

"Ilang buwan na?" Tanong ni Derek.

"Isang buwan pa lang."

"Hindi na ako makapag hintay sa pagdating ng pamangkin ko." Napangiti ako kay Vince. Halata nga sa mukha niya ang excitement. Sabi rin ni Kristina na close din daw silang dalawa ni Vince.

"Ngayon pa lang tayo nagkausap ng ganito." Tumingin ulit ako kay Derek. Ngayon ay seryoso na ang mukha niya. "Ang gusto ko lang ay alagaan mo ng maigi si Kris. Sayo pinagkatiwala ni dad si Kris, kaya pagkakatiwalaan na rin kita, Dexter."

"Makakaasa ka, Derek. Aalagaan ko ng maigi si Kris pati na rin ang magiging anak namin."

"Dapat lang. Kung ayaw mo ilayo ko sayo si Kris kung makita ko siyang umiiyak." Binaling niya ang kanyang tingin kay Vince. "And you brother of mine, alam ko ikaw ang nagsabi sa kanila kung saan kami pumunta ni Kris noon. Lalagyan ko ng duct tape iyang bibig mo pag sabihin mo pa sa kanila."

"Tsk.. May karapatan siyang malaman kung nasaan si Kris, stupid brother of mine.

"Anong sabi mo?! Kung stupid ako. Ano ang tawag sayo?! Stupidest?"

"What did you say?!"

Naku! Away na ito.

Kaya inawat na namin sila ni Mico baka dito pa magaway ang dalawang ito. Let me remind them, ospital ito.

"Mahiya naman kayong dalawa. Dito pa talaga kayo nagaway." Napatingin kaming lahat. Gising na pala si Kristina kaya lumapit ako sa kanya.

"Musta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos na ang pakiramdam ko ngayon. Pwede na ba akong umuwi, Dex?" Ngumiti ako dahil ayos lang siya.

"Tatawag lang ako ng doctor para alamin kung pwede ka ng umuwi."

Nagtawag na ako ng doctor. May doctor na agad pumunta sa kwarto ni Kristina. At ang sabi pwede na daw siyang umuwi. Ang kailangan lang ay magpahinga siya dahil bawal sa kanya ang mapagod.

"Totoo ba yung narinig kong sinabi ng doctor kanina, Dex?" Tanong ni Kristina. Hindi kasi siya nakapaniwalang buntis ulit siya.

"Yes, Kris." Ngumiti ako sa kanya. "Thank you."

"Magkakaroon na ulit tayo ng anak." Tumango ako sa kanya. Pero may napansin akong luhang tumutulo sa kanya. Kaya pinunasan ko yun agad.

"Shh.. Don't cry."

"Masaya lang ako ngayon."

"You should rest. Ang sabi ng doctor ay kailangan mo magpahinga."

"Samahan mo ko sa kwarto." Hinawakan niya ang mga kamay ko. Napangiti na lang ako.

"Sasamahan kita sa kwarto."

Umakyat na kami ni Kristina patungo sa kwarto namin. Sinasamahan ko lang siya hanggang nakatulog na siya. Damn. Ano pa ang hihilingin ko? Siyempre wala na dahil binigyan ako ng asawa kahit isa lang itong arrange marriage. Kagustuhan lang ito ni dad dahil hindi ako sumunod sa gusto niyang mangyari. I agree with this para tumahimik na siya. Hindi ko naman inaasahan makakaramdam ako ng kakaibang saya sa tuwing kasama ko si Kristina.

Noong araw ng kasal namin ay ang bilis ng tibok ng puso noong nakita ko siyang nakasuot ng white wedding dress that time. Yun ang unang beses na may naramdaman ako ng ganoon sa buong buhay ko. Hindi ako nagsisi na ang asawa ko ang babaeng minahal ko.

Maya maya pa ay nakaraning ako na may nagdoorbell kaya bumangon na ako sa pagkahiga ko para buksan ang gate. Pagkabukas ko ay nakita ko si Greg. Bakit sa tuwing nakikita ko ang pinsan ni Kristina ay pakiramdam ko ay may kasalanan ako sa asawa ko. Trauma na yata ako dahil dalawang beses na akong sinuntok ni Greg.

"Pasok ka na muna, Greg." Pagyaya ko sa kanyang pumasok.

"I heard everything from Derek. Kamusta na si Tina?"

"She's fine. Nagpapahinga na siya ngayon dahil yun ang sabi ng doctor."

"Totoo bang sinabi ni Derek na nagdadalang tao daw si Tina."

"Yes, it's true."

"Alagaan mo ng maigi si Tina. And congrats dahil magkakaroon na kayo ng anak."

"Of course, I will. And thank you, Greg.

This is the reason kung bakit hindi pa rin ako bumabalik sa pagiging modelo ko. Dahil gusto ko makasama ang asawa ko. Gusto ko rin makasama ang magigiging anak namin.

"By the way, Dex.." Tumingin ako kay Greg. "Bakit ka pala umalis sa pagiging modelo mo?"

"I want to be with my wife. Gusto ko lang siya makasama kaya umalis ako sa pagiging modelo ko. I sacrificed my dream for her. I want to spend more time with her."

Napansin kong ngumiti ang kaibigan kong ito. Baliw na yata.

"Laki ng pinagbago mo, Dex. Hindi na ikaw ang bunso namin."

"Hey, ganoon pa rin ako, Greg. Kahit may asawa ko ay ako pa rin ang bunso sa grupo natin."

"Of course. Pero kahit anong mangyari ay nandito lang kami ni Zach para tulungan ka."

"Siguradong tutulungan ako ni Zach dahil maraming beses ko siyang tinulungan."

"Nandito rin ako, Dex. I owe you one too. Tinulungan ko rin ako noong may kumidnap kay Yza noon."

That's right. Nasiraan pa ako ng kotse noong gabing yun kaya tinakbo ko na lang galing warehouse hanggang sa bahay ni Greg. Malayo kasi ang bahay ni Greg sa warehouse ng Golden Dragon. Hindi katulad ni Zach medyo malapit lang sa warehouse.

Kahit hiwa-hiwalay na kaming mga miyembro ng Golden Dragob ay handa pa rin ang iba tumulong sa amin. Kahit mainitin ang ulo ni Zach noon hanggang ngayon ay tinuring niyang pamilya ang mga miyembro ng Golden Dragon.

~~~~~~

I shouldn't update today dahil natulugan ko ito kagabi. Kaya ito na yung update itong chapter. Isa lang muna ngayong araw.

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote.

My Hot Husband Is A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon