Chapter 23

7.8K 161 0
                                        

Tina's POV

"Patay tayo nito kay Zach. Ayaw pa naman noon ng pinaghihintay?" Sabi ni Dex. In three days is Greg and Yza's twins' birthday. Sagot na ni Zach ang papunta sa Maldives at matitirahan doon.

Naipit kasi kami ngayon sa traffic. And yes, ayaw nga ni Zach ang pinaghihintay.

"Kailangan niya maghintay dahil hindi naman natin gusto ang nangyari ngayon."

"Bakit kasi ngayon pa nagkatraffic."

Almost one hour and thirty minutes kami sa traffic bago makarating sa airport

"Damn-- Ouch. That hurts, babe." Kinurot kasi siya ni Alexis sa braso.

"Watch your words, Zach. May mga kasama tayong bata at baka gayahin ka pa nila." Sabi ni Alexis.

"Ang mabuti nandito na ang magasawa." Sabi naman ni Yza.

Kasama rin namin si Vince dahil ang sabi ni Derek isama na lang daw namin sa outing para matahimik ang buhay niya ng ilang araw. Palagi kasi nagaaway ang dalawa kong kapatid. Paano pa kaya itong dalawa? Sina Zach at Vince. Hay naku.

Hindi na nga pinapalapit ni Greg si Vince kay Zach baka magkagulo pa sa private plane niya.

Bago kami sumakay sa private plane ni Zach ay biglang dumating si Micole. Ang akala ko nga niyaya siya ni Dexter pero nakita ko ang pagkagulat ni Dexter.

"Mico, anong ginagawa mo rito?"

"Ako ang nagyaya sa kanyang sumama para may partner si Vin." Si Greg ang sumagot.

"Tsk. I don't need a partner. Doon na lang ako sa villa."

"Boring mo naman, lolo." Alam kong may pangaasar sa boses ni Micole.

"Shut up, brat. I don't want to hear your fu-- your opinion." Tapos noon ay inirapan na niya si Micole.

Ilang oras na rin noong nakarating na kami sa Maldives. Dumeretso na kami sa kanya-kanyang kwarto dito sa villa. Malaki naman ang villa nila Zach.

"Pahinga ka na muna, love." Sabi ni Dexter sa akin. Humiga na ako sa kama.

"Ikaw rin kaya. Samahan mo ko magpahinga rito."

"Wait. Ibaba ko lang ito mga gamit natin." Binaba na niya yung mga gamit namin. Pumuwesto na siya sa kabilang gilid bago humiga sa tabi ko.

Kumakain na muna kaming lahat dahil nakaramdam na rin ng gutom. Yung mga lalaki maliban sa kapatid ko ay naguusap. Kami naman naguusap ng mga babae.

"Musta na kayo ni Dex?" Tanong ni Micole sa akin.

"Ayos lang naman kami."

"Mabait naman si Dexter dahil palagi niyang kalaro noon si Luke." Sabi ni Alexis.

"Mabait nga siya lalo na sa pamangkin niya si Jaypee. Noong unang beses ko nga nakita yung bata akala ko anak niya sa ibang babae."

"Wala naman naging girlfriend noon si Dex."

"But he has a first love, Micole."

"Yun nga lang."

"Meron siya?" Tanong ni Yza. Tumango ako. "Kahit ibang babae ang first love niya ay ikaw pa rin ang babaeng mahal niya."

"Yeah." Ngumiti ako kay Yza.

"Kahit mafia iyang tatlo pero naging mabuting asawa naman sila." Sabi ni Alexis.

"Naging mabuti naman si Greg sa akin lalo na sa kambal." Sabi ni Yza.

"Mabait naman ang pinsan ko pero nagagalit minsan kay Dex kaya nakakatikim ng suntok galing sa kanya ang asawa ko."

"Why? Si Greg pa naman yung tipong hindi magagalit na walang dahilan." Saad ni Alexis.

"Misunderstanding namin ni Dex. Ang akala kasi ni Greg niloloko ako ni Dex."

"Noong nalaman ko nga pinaggagawa ng asawa ko kay Dexter ay doon ko siya pinatulog sa sofa ng ilang araw." Sabi ni Yza. Yun ang kinatawa namin dalawa ni Alexis.

"Grabe ka naman, Yza."

"Inuuna kasi ang galit niya kaysa alamin ang totoong dahilan. Nahawa na yata sa asawa mo, Alex."

"Nagbago na iyan si Zach simulang dumating sa amin si Beryl."

Nagusap usap pa rin kaming mga babae pero nagpaalam sa amin si Micole na doon na muna siya sa dalampasigan at maglalakad na lang daw muna. Napansin kong wala na rin si Vince sa upuan niya. Nilingon ko ang mga lalaki.

"Nasaan si Vince?" Tanong ko.

"Nagpaalam na gusto na niya muna maglakad." Si Greg ang sumagot. Nagiging maayos na ang samahan nila ni Vince. Madalas ko kasi nakikita ang kapatid ko sa cafe ni Greg sa tuwing bumibisita ako kahit nandoon rin si Derek.

"Ah okay. Thank you." Bilang nakakatandang kapatid ay kailangan ko malaman kung saan pumupunta ang kababatang kapatid ko. Pero alam ko naman hindi hahayaan ni Greg si Vince.

Noong naisipan na namin maglakad sa dalampasigan. Partner by partner. Kahit may mga asawa na itong mga lalaki pero ang dami pa ring kababaihan ang tumitingin sa kanila.

"Sige kayo. Kung titingnan niyo ang mga babae sa dumadaan dito ay doon kayo sa labas matulog." Sabi namin tatlo.

"Huh?" Sabay rin ang tatlong lalaki.

"Babe." Hinawakan ang kamay ni Alexis at naglad na sila.

"Hon.." Niyakap ng pinsan ko ang asawa niya. PDA masyado itong si Greg. Hindi iniisip na maraming tao rito.

"Love." He gave me a smack kiss. Hinawakan na rin niya ang kamay ko at naglakad pabalik ng villa.

"Bakit tayo bumalik sa villa?"

"Because I don't want to see my wife jealous. Kaya dito na lang tayo sa villa."

"Bakit kasi tumingin ka pa sa mga babae kanina? Napapangitan ka na ba sa akin?"

"O-Of course not." Pinalibot niya ang kanyang mga braso sa beywang ko. "You're the most beautiful woman I've ever seen, Kris."

"Sinasabi mo lang iyan dahil asawa mo ko."

"No. Totoo yun, Kris. Nanggaling pa yun dito." Sabay turo niya sa kanyang dibdib. Napangiti ako. "You smiled. Pinapatawad mo na ba ako?"

Tumango ako. Hindi ko naman magawang magalit kay Dexter dahil alam niya kung paano ako susuko. Palagi niya kasi ako binibilihan ng chocolate cake at chocolate bread kung nagtatampo ako sa kanya. Alam niya ang kahinaan ko.

"Oo, pinapatawad na kita. Basta bilihan mo ko ng bread pagkauwi natin ah."

"Oo naman, love. Kahit ilan pang bread ang gusto mo ay bibilihin ko."

"Siguraduhin mo lang dahil hindi kita kakausapin kung hindi ka bibili pagkauwi natin."

"I hate that." Naramdam ko ang kamay niya ay nasa tyan ko. Hindi pa ganoon kalaki. "Ano sa tingin mo ang magiging anak natin?"

"I don't know pero excited na ako malaman."

"Yeah me too." Ngumiti ito.

~~~~~

Kainis! Napipindot ko yung publish agad na hindi pa tapos yung chapter na ito. 😕

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote.

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon