Tumagay lang ako. Ang sakit tanggapin nawalan kami ng anak ni Kristina. Kailangan ko malaman kung sino may gawa nito sa kanya. At hindi ko siya papayagan may mapatay pa. Papatayin ko siya. Hindi ako papayag na walang ginagawa rito.
Nakita kong umiilaw ang phone ko. Palagi akong tinatawagan ni Greg o Zach. Minsan si Mico. Pero niisa ay wala akong sinasagot sa mga tawag nila. Gusto ko na muna makapagisa.
Nilalasing ko nga ang sarili ko hanggang may naramdaman akong humawak sa balikat ko. Tumingin ako sa kanya habang hawak ang isang bote ng alak.
"Dito ka lang pala kita mahahanap. Ilang beses na kami tumatawag sayo pero hindi mo naman sinasagot."
"Just leave me alone, Greg. Ayaw ko ng karamay."
"Hindi naman ako naparito para diyan." Tumabi siya sa akin. Tumuloy pa rin ako sa paginom ng alak. "Alam mo bang naiintindihan kita. Bago dumating sa buhay namin ang kambal. Magkakaroon na sana kami ng anak ni Yza."
"Bakit hindi ko iyan alam? Akala ko yung kambal ang una niyong anak."
"Hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol doon. Pero alam ni Zach. Kilala mo naman yung kaibigan nating yun marami siyang alam tungkol sa atin."
"Anong ginawa mo? Tinanggap mo ang pagkawala ng anak niyo."
"Yes, tanggap ko na mamatay ang anak namin pero hindi ko tanggap kung pati si Yza ay mawala rin sa akin. Pero nagpapasalamat akong hindi siya kinuha sa akin kaya ito kasal na ako sa kanya at may mga anak na rin."
"Anong ginawa mo para makalimutan mo ang sakit, Greg."
"Ang pagkaiba lang natin ay hindi pa ako kasal sa kanya. And I don't even realized that I love her. Ikaw, kasal ka na at mahal mo ang pinsan ko."
"Masakit lang sa akin na tanggapin wala na ang anak namin."
"I know. Alam kong malakas kang tao, Dex at kaya mo maging matatag." Sinandal na niya ang kanyang likod sa backrest ng lounge. "Kilala kita. Ikaw ang tipong hindi agad sumusuko sa kahit anong laban."
Greg is right. Kailangan ako ng asawa ko.
"Pero ito lang itatanong ko sayo, Dex." Tumingin ako sa kanya. Nahihilo na ako dahil ang dami ko ng nainom. "Magagawa mo pa rin bang mahalin si Tina kahit wala na kayong anak?"
Natigilan ako sa tanong ni Greg. Kaya ko naman mahalin ang asawa ko kahit wala na yung anak namin at handa naman ako maghintay hanggang maging handa na siya na magkaroon ulit kami ng anak.
"Yes, I love her with or without the baby, Greg. Siya lang ang babaeng nagpabago sa akin. Hindi ko kayang mawala ang asawa ko." Sabi ko. Nakita kong ngumiti si Greg.
"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit sayo pinagkatiwala ni tito Vic si Tina."
"Huh? What do you mean?"
"Alam kong kaya mong alagaan si Tina. Siguro nga nagagalit ako sayo noon baka may kagaguhan kang ginagawa pero may tiwala naman ako sayo."
"Salamat, Greg."
"Kilala mo ko, Dex. Hindi ako yung tipong magagalit na walang dahilan." Tumawag na siyang waiter para kunin ang bill na mga nainom ko. Akala ko oorder rin siya. "Ako na magbabayad sa mga nainom mo."
Masaya rin ang maging mas bata sa grupo dahil maswerte ako na maging kapatid sina Zach at Greg kahit hindi kami magkadugo. Kapatid na ang turingan namin.
------
"Maligo ka na. Ang baho mo na." Sabi ni Greg. Hinatid na niya ako sa bahay. "Kailangan mo rin bumalik ng ospital dahil ikaw ang hinahanap ni Tina sabi ng kaibigan mo na si Micole."
Pagkatapos kong maligo ay sumakay na ako sa passenger's seat. Si Greg kasi ang nagmamaneho ng kotse.
"Paano mo siya nakilala? Wala akong matandaan may kaibigan ka maliban sa amin."
"Sino? Si Mico?" Tumango siya ulo. "Classmate ko siya noong grade school. Pero pagkatapos ng academic year ay lumipat na siya ng paaralan. Siya rin ang sinasabi mong stalker ko."
"Yes, namukhaan ko siya."
Pagkarating namin sa ospital ay dumeretso na kami sa tapat ng kwarto ni Kristina. Si Greg na ang kumatok at bumukas ng pinto.
Nilagay niya ang kanyang kamay sa balikat ni Zach.
"Iiwanan na muna natin sila." Tumingin naman siya kay Mico. "Tara. Libre kita. Saan mo gusto? Moon Cafe?"
"Hindi ako makakatanggi diyan." Sagot ni Mico.
Pailing iling na lang ako. Kakaiba rin itong kaibigan ko. Basta pagkain sa Moon Cafe mabilis si Mico kumpara sa cheetah. Mabuti na lang hindi pa ako pinagpalit sa pagkain.
Noong makaalis na yung tatlo ay naiwanan na ako rito.
"Musta ka na, Dex?"
"Masakit pa rin nawalan tayo ng anak pero kakayanin. Ikaw?"
Hindi sumagot si Kristina. Alam kong nasasaktan rin siya.
"Kakayanin natin ito, Kris. Pero kung gusto mong lumayo na muna hindi kita pipigilan."
"Bakit, Dex? Gusto mong bumalik sa first love mo?"
"No, hindi ko iyang gagawin. Ikaw lang ang mahal ko. I love you with or without the baby, Kris. Kahit pakasalan pa kita ng ilang beses basta ikaw lang ang babaeng makasama ko habang buhay." Umupo ako sa silya malapit sa hospital bed. "I love you, Kris."
"Mahal din kita, Dex."
Hawak ko pa rin ang isa niyang kamay habang nakaupo sa silya malapit sa hospital bed.
"Pwede pa naman tayo gumawa ng baby. Kung handa ka na." Ngumiti ako. Hahampasin sana ako ni Kristina pero nasalo ko ang kamay niya.
"Baliw ka talaga, Dex."
"Baliw sayo, Kris." Ngumiti ako sa kanya. Gusto ko matawa sa itsura niya ngayon.
"Corny mo." Sabi niya. She's blushing right now.
"Ang cute talaga ng wife ko magblush." Pinipisil ko ang pisngi niya.
"Aray. Masakit, Dex."
"Sorry." Hinalikan ko siya sa pisngi. "Pero, Kris seryoso ako."
"Seryoso ka saan?"
"Gawa tayo ng baby kung kailan ka maging handa."
Tumango siya ng ulo. Napangiti ako dahil pumayag siya.
"T-Talaga?" Nauutal ako. Hindi ko alam kung bakit.
"Oo naman."
"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya. Pinangarap ko ito na magkaroon ng isang pamilya. Ikaw ang mommy, ako ang daddy tapos kasama natin ang mga anak natin."
"Hanggang maging handa na ko."
"Maghihintay ako. At pinapangako ko sayo na magiging mabuti akong ama sa magiging mga anak natin. They can do whatever they want. Hindi ako magiging kagaya ni dad."
~~~~~
Saan kaya makahanap na katulad ni Dex? Hahaha
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
RomanceMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...
