Special Chapter

9.5K 172 2
                                        

Tina's POV

Pagkagising ko sa umaga ay pinadede ko na si Ethan dahil nagugutom na siya. Biglang may yumakap sa akin mula sa likod. Nilingon ko kung sino kahit alam ko kung sino itong yumakap sa akin.

"Good morning, love."

"Good morning." Ngumiti ako sa kanya. Hinalikan niya ako sa pisngi.

Isa ng ganap na abogado si Dexter dahil nakapasado na siya sa bar exam. Kahit na hindi niya pangarap ito pero para sa pamangkin niya dahil gusto niyang tulungan ang ama nito. Ayaw kasi ni Dexter masira ang image niya sa bata.

"Hi, Ethan." Bati niya sa anak namin. Nginitian lang siya ni Ethan. "He smiled."

"Of course, he did. Alam niyang ikaw ang daddy niya."

"Thank you, love." Hinalikan niya ulit ako sa pisngi.

"Thank you for what?"

"Salamat dahil binigyan mo ko ng isang masayang pamilya. Maybe I'm a womanizer before pero nagbago ang lahat simulang kinasal ako sayo."

Totoo yun dahil ginawa niya ang lahat para tumibay itong kasal namin. Kahit maraming nangyari sa amin noon ay hindi sumuko sa akin si Dexter. Inamin niyang mahal niya ako. Tinago ko sa kanya ang nararamdaman ko. Hindi naman mahirap mahalin ang asawa kong ito dahil mabait, mapagmahal na asawa at ama kay Ethan.

"Wala naman akong ginawa. Pinili mong makasama ako kaysa sa ibang babae diyan sa bar. Kahit magaganda sila kaysa sa akin."

"No, love. For me you are the most beautiful."

Ngumiti ako. Namumula na yata ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Alam ko naman kaya niya yun sinabi dahil asawa niya ako.

Nilagay ko na ulit si Ethan sa crib bago humarap kay Dexter. Niyakap ko siya.

------

"I have to go. Kung may problema tawagan mo lang ako." Bilin niya sa akin. Tumango ako.

"Ingat ka." Sabi ko. Kumakaway ako noong pinaandar na niya ang kanyang kotse.

Narinig ko ang pagiyak ni Ethan kaya umakyat na ulit ako para kunin siya sa crib.

"Shhh... Stop crying, baby. Mommy's here." Ayaw niyang tumahan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinadede ko siya ay tumigil na siya sa kakaiyak. Nagugutom na pala si Ethan.

Pagkatapos kong mainumin ng gatas si Ethan ay may narinig akong nagdodorbell kaya nilagay ko na ulit si Ethan sa crib niya. Bumaba na ako para pagbuksan ng gate ang nagdodorbell.

Pagkabukas ko ng gate ay laking gulat ko dahil nandito sina daddy at mama kasama ang dalawa kong kapatid.

"Dad, mama.." Niyakap ko silang dalawa. I missed them so much. "Pasok kayo."

Pagkapasok nilang lahat ay pinaupo ko sila sa sofa.

"Kailan pa po kayo nakabalik rito?" Tanong ko sa mga magulang ko.

"Last week, Kris." Sagot ni mama.

"Bakit hindi niyo sinabi sa akin na babalik pala kayo?" May pagtatampo sa boses ko.

"Naku, sis.. Ang gusto nila na surpresahin ka kaya ako at si Vincent lang ang sinabihan nila na pupunta sila rito." Sagot ni Derek.

"Nasurpresa talaga ako. Masaya ako dahil nakita ko ulit po kayo." Maiyak iyak ako dahil matagal tagal na rin ang huling kita ko sa mga magulang ko. Kaya sina Derek at Vince lang ang palagi kong nalalapitan.

"Nasaan pala ang asawa mo?" Tanong ni dad.

"Nasa trabaho po, dad."

"Bumalik na ba siya sa pagiging modelo, sis?" Tanong ni Derek. Alam ni Derek isang modelo si Dexter pero umiling ako. "Eh, ano na ang trabaho niya?"

"Isa na siyang abogado ngayon. Kahit hindi niya gusto maging abodago pero may reason siya kung bakit."

"Ah okay."

"Isang sikat na abogado ang pamilya niya." Sabi ni dad. Alam kong kilala ni dad ang pamilya ni Dexter dahil magkaibigan sila ni papa.

"Kris, nasaan pala ang anak niyo? Ang sabi ni Vincent at Derek nagkaroon na daw kayo ng anak." Sambit ni mama.

"Nasa itaas po si Ethan. Gusto niyo po siya makita?"

Umakyat kami sa itaas kung saan ang kwarto ni Ethan. Nakita kong gising ang anak namin.

"Sino gumawa nitong kwarto?" Tanong ni dad.

"Si Dex po, dad."

"Mukhang naging mabuting asawa siya sayo, Kris."

"Sobra pa nga po, dad." Napapangiti ako sa tuwing naalala ko yung sobrang sweet ni Dexter sa akin. Nilalambing niya ako noong nagtatampo ako sa kanya kahit sinasabi ko na hindi tumatalab sa akin ang paglalambing niya pero kinikilig ako. Ngunit mukhang walang alam sina dad at mama tungkol sa hindi namin magkasundo ni Dexter noong unang araw na kinasal kami. Kamuntikan na mapawalang bisa ang kasal dahil nagfile siya ng divorce. Kaya lang hindi ko naman napirmahan ang divorce paper kaya hanggang ngayon ay kasal pa rin kami.

Tumingin ako sa dalawa kong kapatid dahil enjoy na enjoy sila sa paglalaro kay Ethan. Karga karga naman siya ni mama.

"Pinaghandaan ito ng asawa mo ah."

"Yes po, dad. Masaya pa si Dex noong nalaman niyang buntis ako." Ngumiti ako kay dad.

Kinagabihan, ayaw pa umuwi ng dalawa kong kapatid pero himala nagkakagusto na yung dalawa ngayon. Kaya niyaya ko rin sila kumain noong natapos na ako magluto.

"I'm home!" Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Dexter.

"Welcome home." Binigyan ko siya ng isang halik sa labi.

"Nakakawala naman ng pagod." Ngumiti siya sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad patungo sa kusina. "May mga bisita pala tayo."

"Hello, bayaw." Kaway ni Vince. Maganda ang pakitungo ni Dexter sa kanya kaya sa tuwing nagkikita ang dalawa ay nagkakasundo.

"May family reunion pala rito." Napalingon ako noong may isa lang boses akong narinig.

"Greg?!" Nagulat si Dexter.

"Oh, hijo.. Nandito ka rin pala."

"Hello po, tita, tito."

"Kamusta ka na?" Tanong ni dad kay Greg.

"Ayos lang po, tito."

Niyaya ko na silang lahat kumain. Nagsimula na kaming kumain ay nagtatawanan kaming lahat sa harap ng hapag kainan.

"Dex, musta na pala ang unang hawak mong kaso?" Tanong ni Greg.

"Nagiging maayos naman."

"Mukhang diyan mo pa yata magagamit ang alam mo sa pagkamukha mo ng impormasyon."

"Oo nga, eh."

"Good luck na sa susunod hearing."

"Thanks, Greg."

"Nasaan na pala yung isa niyong kaibigan?" Tanong ni mama.

"Si Zach po, tita? Nandoon po siya sa kanila."

"May asawa na ba siya?"

"Yes po. May asawa't anak na po si Zach."

"Mabuti naisipan niyo na rin ang magpakasal dahil hindi na rin kayo bumabata."

Hindi naman namin naisipan ni Dexter ang magpakasal dahil kayo mismo ang nagusap usap na ipakasal kaming dalawa. Tsk tsk. Kayo talaga mama. Pero hindi naman ako nagsisi na ipakasal ako ng mga magulang ko sa isang mafia na hindi ko kilala at mas lalong hindi ko mahal.

~~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote.

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon