Dex's POV
"What are we gonna do tonight?" Tanong ko kila Zach. Magkakasama kaming tatlo habang yung mga asawa namin ay may ginagawa sa villa.
"Magtayo ng tent." Suggest ni Greg.
"Camping lang?" Tanong ni Zach. Tumango naman si Greg.
"Yes. Tapos gumawa na rin tayo ng bonfire."
"Siguro ako magugustuhan rin ng mga asawa natin."
"Of course, they should. Pinaguran natin ang magtayo ng tent."
Nagsimula na kaming tatlo gumawa ng tent. May tatlong tent. Nagtulong tulong kami para magpadali ang pagtayo. Pagkatapos namin magtayo ng tent ay kumuha na kami na pwedeng gawing bonfire.
Umupo na kami malapit sa bonfire at hinihintay na lang namin ang mga babae.
"Gitara na lang ang kulang." Sabi ni Greg.
"Sa tingin ko may mahihiraman tayo ng gitara." Tumayo si Zach. "Wait me here."
Hindi naman tumagal ay dumating na si Zach na dalang gitara.
"Nice. May mahiraman ka ngang gitara." Sambit ko. Inabot niya kay Greg ang gitara.
"Matagal tagal na rin noong huling hawak ko ng gitara." Sabi ni Greg. Inadjust niya ang tune ng gitara bago nagpatugtog.
"I missed those old days." Sabi ko pero nakangiti.
"Yeah." Pagsang ayon ni Zach.
"Old days. Old life. But we're getting old at tanggapin niyo na lang yun." Natatawang saad ni Greg.
"Ang tagal naman dumating ang mga babae." Sabi ni Zach. Pero himala yata hindi mainit ang ulo ngayon.
Maya maya pa ay dumating na rin ang mga asawa namin kasama ang mga bata.
"Ayaw nila matulog." Sabi ni Alexis.
"Doon niyo na lang patulugin yung mga bata sa tent." Turo ni Zach ang tent pa pinatayo namin.
"Baka gusto nila tayo makasama." Saad ko. Umupo na si Kristina sa tabi ko.
"Papa.." Umupo naman si Lucas sa tabi ni Zach.
"You can't join with us, lad. Samahan mo na lang ang kapatid ko sa loob ng tent." Tumayo si Zach para dalhin si Lucas sa loob ng tent nila. Umupo na rin si Alexis at Yza.
"Ano meron ngayon?" Tanong ni Alexis.
"Wala lang. Napagisipan lang naming tatlo na magtayo ng tent dito." Sagot ni Greg.
"Yes. At saka bihira lang tayo magkakasama kaya lubusin na lang natin." Sagot ko naman.
"Hon, bakit ka may gitara? Saan galing iyan?"
"Hiniram ni Zach." Nilagay ni Greg ang gitara sa harapan niya bago nagpatugtog. Umupo na rin si Zach sa tabi ni Alexis.
"Marunong ka maggitara?"
"Kung alam mo lang, Yza. Iyan si Greg marunong magtugtog ng gitara pero huminto lang siya noong nagbuo kami ng mafia." Sagot ni Zach.
"From guitar to gun." Sabi ni Kristina.
"Wala na tayo magagawa diyan. Pero miss ko na rin ang magpatugtog ng gitara." Nagsimula na magpatugtog si Greg.
Kinanta ko na rin ang tinutugtog ni Greg sa gitara.
Lumabas na ko sa tent. Tulog pa rin ang asawa ko dahil anong oras na kami natulog kanina. Ngayon ay wala pa rin ang araw, sa tingin ko magaalas seis pa lang ng umaga. Pasikat pa lang ang araw. Nakita ko rin lumabas na sina Zach at Greg.
"Ang aga mo naman yata nagising, Dex." Sabi ni Zach.
Sasagot na sana ako noong may lumapit sa amin. Si Mico.
"Good morning, boys." Bati ni Mico. Tumango naman si Zach sa kanya.
"Saan ka galing kagabi?"
"Nasa villa lang ako kagabi. Hindi na ako lumabas pagkatapos natin kumain ng hapunan." Tumango lang ako sa sagot ni Mico. Nakita ko rin si Vince naglalakad sa dalampasigan pero huminto siya sa paglalakad at humarap sa dagat.
Mapapansin na dito ang pagsikat ng araw. Lumabas na rin yung mga babae. Gising na rin silang tatlo. Lumapit sa akin si Kristina habang pinapanood namin ang pagsikat ng araw.
Two hours later...
Nagpasya na kaming kumain ng almusal. Hindi ko alam may dalang dalawang cake pala si Greg.
"Hindi ba dapat mamaya pa iyan?" Tanong ni Yza.
"Hayaan mo na siya, Yza. Excited na si Greg sa birthday ng kambal niyo." Ako na ang sumagot.
"Tama si Dex, hon excited na ako sa birthday ng kambal."
"Ikaw bahala kung gusto mo ngayon na tayo magcelebrate ng birthday nila."
Nagsimula na kaming magkasiyahan ngayong araw. Blinow na nila yung candles dahil hindi pa naman alam ng kambal kung paano magblow ng candles.
"D-Dada..." Tumahimik kaming lahat noong nagsalita si Gavin. Tumingin si Greg sa anak niya bago sa amin.
"Did you hear that? Gavin said dada." Masayang sambit ni Greg. Makikita talaga ang saya niya. "Gavin, say dada again."
"Dada." Inulit naman ni Gavin na may kasama pang palakpak.
"M-Mama..." Rinig naming sabi ni Star. Ngumiti naman si Yza sa sinabi ng anak nila.
"Mama naman kay Star." Sabi ni Kristina.
"Kaya nga, eh." Pagsang ayon ni Yza.
"Naku. Magiging maingay na ang bahay niyo dahil nagsasalita na ang kambal niyo." Sabi ni Alexis. Sang ayon ako diyan dahil dati ganyan din si Jaypee naging maingay ang bahay noong nagsasalita na siya tapos naghahabulan kami noong natutong maglakad.
"Mama.."
"Dada.."
Sawakas nakabalik na rin sa villa. Hindi kasi ako gaano nakatulog kagabi dahil hindi ako sanay matulog sa tent. Humiga na muna ako sa kama.
"Dex." Tumingin ako kay Kristina na umuupo sa gilid ng kama.
"Bakit?"
"Wala lang. Miss lang kita." Humiga na rin siya pero ginawa niyang unan ang braso ko. Yumakap ang asawa ko sa akin.
"Aww, sweet. Miss rin kita. Pero babawi ako sayo pagkauwi natin ng LA dahil ang importante magenjoy na muna tayo dito." Ngumiti ako sa kanya. Tumango naman siya.
"Nageenjoy naman ako ngayon. Masaya ako noong mas nakilala ko sina Yza at Alexis."
"How about Mico?"
"Si Micole naman masaya rin naman siyang kasama pero sa tuwing nakikita niya si Vince ay palagi niyang inaasar. Baka nga meron siyang gusto sa kapatid ko na ayaw niya lang sabihin."
"Napapansin ko rin yun. Palaging inaasar ni Mico si Vince."
"Ayos lang naman sa akin yun. Ang importante ay makalimutan na ni Vince ang past niya. About his first love. Mabuti pa nga kung makahanap na siya ng iba."
"Hayaan na lang natin sila. Sasabihin naman sa akin ni Mico kung gusto niyang magkwento tungkol sa kanya."
"Nagkikita pa ba kayo?" Tumingala sa akin si Kristina.
"Hindi na masyado. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita ni Mico. Busy na siguro siya sa trabaho niya."
~~~~~~
Yung kinanta ni Dex nasa multimedia. You can listen if you want.
P.S. Yung title ng sequel ay Destiny For Us. Yung chapter 1 ay nasa draft na. Ayaw ko pa i-publish dahil tinatapos ko na muna ito bago yun.
P.P.S. Please support Destiny For Us ah? Basta abangan niyo na lang. :)
-Skye
Leave a comment and press ☆ to vote.
![](https://img.wattpad.com/cover/126344106-288-k313287.jpg)
BINABASA MO ANG
My Hot Husband Is A Mafia
रोमांसMAFIA'S SERIES#3 Kristina Martinez ay nagtatrabaho sa isang sikat na salon dahil sa taglay nitong galing sa pagmake up. Pinsan ni Greg at close sila sa isa't isa, kababatang kapatid ni Derek pero hindi gaano close hindi katulad sa kanila ni Greg. De...