Chapter 30

8.5K 150 2
                                        

Tina's POV

"Good luck sayo mamaya." Sabi ko. Hinawakan ko ang kabilaang pisngi niya.

"Can you give me a good luck kiss?" Nakangiting saad niya.

"Kung gusto mo, sige bibigyan kita ng good luck kiss." Dumampi ang labi niya sa akin. Pero lumayo ako sa kanya agad. "Sige na. Baka mahuli ka pa."

"Just call me, if you need something." Sabi niya. Tumango na lang ako.

Anytime soon pwede na ako manganak. Kaya lang hindi pa tapos si Dexter sa bar exam niya. Kailangan niya makapasa at alam kong makakaya niyang makapasa sa bar exam.

Three hours later...

Nanonood lang ako ng tv biglang sumakit ang tyan. Wag sana ngayon. Pero hindi ko na kaya dahil ang sakit na.

"Ahhhh!" Sobrang sakit nang tyan ko. Sino tatawagan ko? Ayaw ko naman tawagan ang asawa ko dahil alam kong busy siya ngayon. Bakit ngayon pa?!

Kinuha ko ang aking phone nasa tabi ko. Tinawagan ko na lang si Derek kahit alam kong abala rin siya sa trabaho at ang layo pa ng Sun Cafe dito sa bahay. Bwesit. Hindi ko na kaya!

"Hey, sis. Napatawag ka."

"Ahhh!" Sigaw ko. Sakit na talaga.

"Ano nangyari sayo?"

"Manganganak na ako, Derek."

"Huh? Wait, nasaan ang asawa mo?"

"Ayaw ko siyang abalahin pa. Please.. Pumunta ka dito sa bahay. Dalian mo! O kaya naman tumawag ka ng ambulansya." Hingal kong sambit. Hindi ko na talaga. Baka lumabas na ang anak namin.

"T-Teka, ibaba ko na ito. Tatawag na ako ng ambulansya at tatawagan ko na rin si Vincent."

Sana naman bilisan ng ambulansya ang pagdating dahil hindi ko na kaya. Manganganak na ako. Bwesit! Nakarinig ako bukas ng gate at nakita ko si Vince. Shit naman. Nauna pang dumating si Vince kaysa ambulansya.

"Kris, huminga ka na muna ng malalim." Utos sa akin ng kapatid ko. Sinunod ko naman siya.

"Dalhin mo na kaya ako sa ospital, Vince. Hindi ko na talaga kaya."

Sakto naman dating ng ambulansya sa bahay. Pinagalitan pa nga ni Vince dahil ang tagal nilang dumating pero inawat ko kasi wala ng oras para magsagutan o humingi ng tawad.

Pagkarating sa ospital ay dinala na agad ako sa delivery room. Naiwan na si Vince sa labas.

"Push, mrs. Andrada."

"Ahhhhh..." Bwesit! Hindi ko na kaya. Parang nanghihina na ako.

"I can see the head. Push!"

"Ahhhh... I can't take it anymore." Hingal na hingal na ako.

May narinig akong iyak ng isang sanggol pero doon na rin ako nawalan ng malay.

Dex's POV

Tapos na rin ang bar exam. Kaya makakapagpahinga na rin ako pero kabado dahil kailangan kong makapasa.

Natanggap ako ng tawag galing kay Derek. Nagtataka ako kung bakit siya tumatawag sa akin? Pagkasagot ko ng telepono ay..

"Papunta na ako ng ospital." Rinig ko sa kabilang linya. Kunot noo akong nagtataka. Ospital? Sino ang nasa ospital?

"Hello? Derek?"

"Nasagot mo na pala yung tawag. Sorry."

"Bakit? Sino ang nasa ospital ngayon?"

My Hot Husband Is A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon