Chapter 14

9K 178 4
                                        

Tina's POV

Ang sabi sa akin ni Dexter ay may lakad daw siya kaya umalis ng bahay ngayon. Naisipan ko na lang magluto dahil nagugutom na ako. Pero may nakita akong nakatakip na pagkain with notes pa.

Binasa ko yung notes. Napangiti ako dahil nagluto pala si Dexter ng makakain ko kung magutom. Sweet niya.

Nagsimula na akong kumain hanggang nakatanggap ako ng tawag galing kay Zach. Bakit kaya tumatawag ito?

"Hello, Zach. Bakit ka napatawag?"

"Sorry sa isturbo, Kristina. May nurse na tumawag sa akin galing Diamond Hospital."

"May nangyari ba kay Dex?" Labas ng kalabog ng dibdib ko. Sana walang masamang nangyari sa kanya. Please lang oh.

"Naaksidente siya. Kaya papunta na ako doon."

"Teka, bakit ikaw ang tinawagan?"

"Ako yata ang huling kausap ni Dex kanina."

"Sige, pupunta rin akong ospital." Binaba ko na yung tawag pero nanginginig ang mga kamay ko. Tinawagan ko si Greg.

"Tina, napatawag ka."

"Greg, nasaan ka ngayon?"

"Nasa bahay. Bakit?"

"Pwede mo ba ako samahan sa Diamond Hospital? Maya ko na sasabihin sayo ang dahilan."

"Oh. Sige, papunta na ako diyan. Hintayin mo na lang ako." Binaba na ni Greg ang tawag. Paanong naaksidente si Dexter?

Nakarinig na ako ng busina ng kotse. Mukhang nandito na si Greg. Palagi talagang lumalabag sa batas itong si Greg. Speed limit palagi. Wala siyang pakialam sa speed limit basta makarating agad.

Sumakay na ako agad sa passenger's seat.

"Buti pumayag si Yza na puntahan ako." Naglagay na rin ako ng seatbelt.

"Wala si Yza sa bahay. Pumasyal siya kasama ang kambal pero tumawag na rin ako sa kanya para alam niya saan ako." Pinaandar na niya ang makina ng kotse. "So, bakit sa ospital? Sino ang nasa ospital?"

"Tumawag kasi si Zach sa akin kanina. Ang sabi niya naaksidente daw si Dex." Kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Huh?! Saan naman pumunta ang asawa mo?"

"Ang sabi niya mag mahalaga siyang pupuntahan. Hindi niya sinabi kung saan." Tumingin ako kay Greg. Tahimik lang siya nagmamaneho. "Wag kang mabilis magmaneho, Greg."

"Hindi naman kita ipapahamak, Tina."

"Mabuti. Dahil ayaw ko rin mawala ang dinadala kong bata."

"You're pregnant?" Tumango ako ng ulo. "Alam na ba ni Dex?"

"Matagal na niyang alam na buntis ako. Masaya pa nga siya noong nalaman niya tungkol dito." Sabi ko. Kahit hindi naman naging masaya si Dexter noong nalaman niya. Umiyak at nagalit pa nga siya noon kasi akala niya sa ibang lalaki. Ayaw ko naman sabihin kay Greg ano talaga nangyari baka magalit sa akin.

"That's good."

Pagkarating namin ni Greg sa ospital ay nagmamadali ako pumunta sa front desk. Ang sabi nasa room 1002 daw si Dexter. Pagpunta namin doon may lumabas na doctor galing sa kwarto ni Dexter.

"He still here?" Rinig kong bulong ni Greg. Tumingin ako sa kanya.

"Kilala mo?"

"Yeah, siya na ang doctor na suki sa aming tatlo. Simulang nacomatose si Zach siya ang doctor na tumingin sa kanya. Noong binubuntis si Alexis ang pangalawang anak nila ni Zach, siya."

My Hot Husband Is A MafiaMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon