Chapter 20

7.9K 169 5
                                    

Kung saan-saan na ako pumunta pero hindi ko pa makita si Jaypee. May mga tao rin akong pinagtatanungan.

"Excuse me, have you seen this boy?" Pinakita ko sa mga tao yung picture ni Jaypee.

"I'm sorry." Umiling pa sila ng ulo.

"Thank you."

Tumuloy na ako sa paghahanap sa bata. Hanggang may pumatak na tubig sa braso ko. Tumingala ako dahil itim ang kalangitan at mukhang uulan. Pero hindi ako hihinto makita ko lang si Jaypee.

Umulan nang malakas pero tuloy pa rin ako sa paghahanap. Gusto ko na sumuko pero hindi pwede. Napamahal na rin sa akin ang pamangkin ko.

Nakaramdam ko ng vibration sa bulsa kaya kinuha ko ang phone ko. Nakita ko ang pangalan ni Greg sa ID caller.

"Hello?"

"Seems like I saw your nephew is here.."

"What? Saan, Greg?"

"Nandito ako ngayon sa Moon Cafe."

"Salamat naman. Sige, pupunta na ako diyan." Binaba ko na yung tawag.

-----

"Jaypee!" Tumakbo ako noong makita ko si Jaypee at niyakap niya kahit basang basa ako. "Salamat naman walang nangyaring masama sayo. Wag ka ng umalis sa inyo dahil pati ang mama mo nagaalala sayo."

"Sorry, uncle. Ayaw ko lang po makitang nagagalit si mama."

Narinig nga pala ni Jaypee nagaaway sina ate Hera at Marcus. And Jaypee doesn't have any idea Marcus is his father.

"I will call your mama na doon ka na muna sa bahay."

"Salamat po, uncle."

May naramdaman akong parang may isang bagay ang nasa ulo ko. Isang tuwalya pala at tumingin ako sa likuran.

"Magpunas ka na muna. Pati ang bata binasa mo na rin." Sabi ni Greg.

"Salamat, Greg. Kung hindi ka tumawag sa akin kanina hindi ko mahahanap si Jay." Pinupunasan ko na ang buhok ko.

"Wala yun. Nagulat ako kanina noong makita ko siyang pumasok sa cafe. Akala ko kasama ka niya pero hindi siya nagsasalita at biglang umiyak. Kaya pinaupo ko na lang siya muna."

Hinatak ko si Greg palayo sa bata para magusap kaming dalawa.

"May sasabihin ako sayo."

"Ano yun?"

"Kaya umalis si Jay sa kanila dahil narinig niyang nagaaway ang mama niya at ang kanyang ama na si Marcus. For fucking four years, Greg ngayon lang siya nagparamdam."

"Wala bang ideya ang bata tungkol sa ama niya?"

"Wala. Dahil hindi naman niya pinagutan si ate Hera at bigla na lang siya nawala."

"Kawawa naman pala yung bata. Lumaki ng walang kinalalang ama."

"Wala siyang karapatang maging ama ni Jay."

"Pero naghahanap ba siya kung saan ang ama niya?"

"Yes, he did asked me once or twice. Pero sinabi ko sa kanya patay na."

"Pero kawawa pa rin ang bata." Tumingin si Greg kay Jaypee.

"Tatawagin ko na muna si ate Hera."

"Sige, babalik na muna ako sa trabaho." Tumango na ako kay Greg. Naglakad na siya para bumalik sa trabaho.

Lumapit na ulit ako kay Jaypee bago ko tawagan si ate Hera.

"Nahanap mo na si Jaypee, Dex?"

"Oo, ate. Pero pwede ba sa bahay na muna si Jay tumuloy ngayong gabi lang?"

"Sige."

"Salamat. Ibabalik ko siya sayo bukas ng umaga." Binaba ko na yung tawag. Tumingin ako kay Jaypee at ginulo ang kanyang buhok. "Pumayag na ang mama mo na sa bahay ka na muna. Tara na."

Lumapit ako kung nasaan si Greg. Hinampas ko ang tuwalya sa kanya.

"Uuwi na kayo?" Tanong niya. Inabot ko sa kanya ang tuwalya kaya kinuha na rin ni Greg.

"Oo. Salamat."

Umupo si Greg sa harap ni Jaypee at ginulo ang buhok nito.

"Sa susunod wag ka ng umalis sa inyo baka ano mangyari sayo. Mabuti na lang pumunta ka dito."

"Sorry po."

"You're always welcome here, Jaypee." Tumingala sa akin si Greg. "Mukhang tumila na rin ang ulan."

"Sige, kailangan na namin umalis ni Jay. Salamat ulit, Greg."

"Wala yun, Dex."

------

"Bakit nandito si Jaypee, Dex?" Tanong ni Kristina.

"Dito na muna yung bata. Pinaalam ko na rin kay ate Hera na dito na muna siya at bukas ko na ibabalik sa kanila."

"Ganoon ba? Sige."

"Salamat po, auntie." Nakangiting saad ni Jaypee.

"Maligo na kayong dalawa. Baka magkasakit pa kayo."

Pagkatapos namin maligo ni Jaypee ay binihisan ko na siya. Mabuti na lang may naiwan pa siyang damit rito sa bahay.

Pumunta na ako sa kusina para magluto nang hapunan naming tatlo. Sina Kristina at Jaypee naman ay nasa sala. Nanonood sila ng cartoons. Mahilig talaga ang mga bata sa cartoons.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na si Jaypee papunta sa kwarto niya. Tatlo ang kwarto rito sa bahay. And I don't know know why. Alam rin ni Jaypee kung siya pwedeng matulog pero minsan sinasamahan ko siya sa kwarto niya. Hindi ko na nga namamalayang nakatulog na ako sa tabi niya sa sobrang pagod ko noon dahil sa trabaho.

Umakyat na ako pero sumilip na muna ako sa kwarto ni Jaypee. Nakita ko si Kristina binabantayan si Jaypee. Napangiti na lang ako pero mukhang napansin yata ako ni Kristina.

"Ang bait na bata talaga ni Jaypee." Sabi niya habang papalapit sa akin.

"Yes, he is. Mabait talaga si Jay."

"Ang swerte ng ate mo sa kanya dahil may mabait siyang anak."

"At matalino rin." Dagdag ko sa sinabi niya. Tango tango rin ng ulo. "He is only four years."

"Wala na ako masabi sa pamangkin mo, Dex."

Wala rin ako masabi kay Jaypee dahil isa siyang mabait na bata. Alam rin niya ang mali at tama.

Kinabukasan, tapos na rin kaming kumain kaya nagpaalam na ako kay Kristina ihatid ko lang si Jaypee sa kanila.

Pagkapunta namin sa bahay nila ay si kuya Eros ang nakasalubong ko sa bahay.

"Brother." Nagulat noong makita niya ako pero napatingin siya kay Jaypee. "Kung si Hera ang hinahanap mo, wala siya rito."

"Nasaan siya?" Tanong ko. Kibit balikat lang ang sagot niya sa akin.

"Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero ang alam ko kasama niya si Marcus kanina." Sabi ni kuya Eros. Nanlaki na lang ang mga mata ko pero hindi ko alam ang dahilan dahil bigla na lang kumukulo ang dugo ko sa tuwing nababanggit ang pangalan na iyan. Parang gusto ko siyang patayin pag nakita ko siya.

"Uncle, wala po ba si mama?" Tanong ni Jaypee sa akin. Tumingin ako sa kanya.

"Sabi ng uncle Eros mo may pinuntahan lang ang mama mo. Baka mamaya uuwi na rin siya. Hintayin na lang natin siya."

Tumango lang ang bata sa akin. Umupo na kami sa sofa at nilalaro ko si Jaypee. Pero hindi pa rin umuuwi si ate Hera. Saan naman sila pumunta? Nakalimutan ko kasi ang phone ko sa bahay kaya hindi ko matawagan si ate Hera.

~~~~

Baka hindi ako makaUD bukas. Busy ako sa Halloween at buong araw wala ako sa bahay. 😥 Balik ko pa sa Nov. 1.

-Skye

Leave a comment and press ☆ to vote.

My Hot Husband Is A MafiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon