Chapter 7

5 1 0
                                    

Its been five freaking hours pero wala parin siya. Saan naman kaya nagsusuot yung babaeng yun? Bigla akong naguilty sa mga nagawa ko kanina. Baka nagtampo siya sa akin kaya bigla siyang nawala.

Bakit ba kasi naramdaman kong bigla na ayaw kong magpahawak sa kanya, parang natakot ako sa kanya na walang tamang dahilan. Ano bang nakain ko at nagkakaganito na ako?

Sinuyod ko na ang buong garrison pero wala akong nakitang Racle sa paligid. Nagsimula na akong kutuban, feeling ko may nangyaring masama sa kanya kaya siya nawala. Dahil sa hindi maipaliwanag na kaba ay pumunta ako sa kinaroroonan ni Leib

"Leib I need your help" sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa room niya.

"Why?" Tanong niya na tutok na tutok ang mata sa kanyang laptop

"Si Racle nawawala" sabi ko na parang aligaga

"Ngayon mo lang narealize?" tanong niya sa akin na parang nang-iinis na ikinakunot ng noo ko.

"Ano?"

"Tina-track ko na siya ngayon. Nang lumabas ako sa conference room na walang nakitang Racle ay bigla na akong nagduda. Alam mo naman siya diba, wala siyang pinapalampas na meeting kaya kapag hindi siya sumipot anong ibig sabihin noon?"

Napatiim bagang ako, kailan niya pa nalamang walang pinapalampas na meeting si Racle?

"Then hurry up and track her!" sigaw ko sa inis.

He chuckled,"Easy X11, I bet isa sa mga tauhan ni A ang nangidnap sa kanya. At hindi madaling pasukin ang system nila. Nagawa ko lang yun dati dahil open acess tayo dahil nagpadala siya ng message para sa atin pero ngayon, di ko masasabi" sagot niya at mabilis na nagtitipa sa keyboard niya.

Gusto kong sumigaw sa inis. Bakit ba kasi pinabayaan niya ang sarili niya? Racle please....

"Hey!" Leib snapped out. "Tawagin mo sila Doc,malapit ko nang makuha ang location kung nasaan si Racle!

Agad kong kinuha ang cellphone ko at di'nial ang number ni Doc. Agad naman niyang sinagot ito sa ikalawang ring.

"Doc! Something bad happened to Racle, I think she's kidnapped nandito ako ngayon sa room ni Leib, tina-track niya na kung nasaan si Racle!"

"Okay we'll be there." Sabi niya at binaba ang tawag

"Yes!" Napatingin ako kay Leib dahil sa pagsigaw niya. "Nakuha ko na ang exact location"

Agad akong napalapit sa kanya para makita ang map na nasa laptop niya.

Nasa isang abandoned building?

"Nasa isang abandoned building si Racle?" tanong ko. Bakit pag nangingidnap sa isang warehouse o abandoned building talaga dinadala ang victim?

"It is not abandoned idiot! Isa yan sa mga building ni A na aakalain mong abandoned dahil sa itsura nito. But take note, sa loob niyan ay hundreds or should I say thousands of bombs. Kaya wag mong maliitin yan" Sabi niya with a weird expression painted on his face. Is that anger?

"Paano mo nalaman lahat nang yan?" Its weird na ilang minuto lang ang iginawad niya dito pero nakuha niya na nag exact location and information about sa stupid building.

"Simple. Because I'm a genius" pagbubuhat niya ng sariling bangko.

Sasagot pa sana ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"What happened" Doc entered the room kasama ang iba pa.

"She's kidnapped" Ani Leib na prenteng nakaupo lang. Pagpipirasuhin ko to eh.

"Where is she now?" Altera

"One of the buildings of A na pinaglalagyan niya ng mga baril at bomba. And---" hindi natuloy ni Leb ang sasabihin niya nang malakas na tumunog ang laptop niya.

Agad niyang kinuha ito at mabilis na nagtipa sa keyboard.

"They send us a message." Agad kaming pumunta sa kinaroroonan niya kaya bigla siyang naipit. "Calm down humans"

Ini-screen mirror niya ang laptop niya sa hologramic projector na nasa harap niya. Nagdilim ang paningin ko naang mabasa ko ang sulat.

Can't you move a little bit faster?

They'll pull the trigger

I'd love to end this life of hers

And put an end to this curse

Move a little bit faster dear,

Your angel is here

-A

"Ready the van Aesir, let's go get that lady back" ani Doc

Nagsilayasan na silang lahat, pero hindi ako makagalaw dahil sa sulat.

"Hey come on! There's a damsel in distress" Ani Leib at kinaladkad ako palabas

Nang makasakay kami sa van ay wala ako sa tamang pag-iisip. Mas malala pa itong nararamdaman kong kaba ngayon kesa nung araw ng surprise ni Aeshma. Hindi ako mapakali, pakiramdam koy may nangyayaring masama kay Racle.

Pagkarating namin doon ay bigla kaming hinarang ng mga tauhan ni A. Ang eksena ay parang ang eksena na palagi mong nakikita sa isang drama. Pagkababang pagkababa namin ay biglang may nagpaputok sa amin at pinaulanan kami ng bala. Good thing that we wear our bulletproof suits kaya walang nasaktan maski isa sa amin.

"X10 and X11, kayo na ang magligtas kay X15. Kami na dito" Sigaw ni Altera

Tumango naman kami ni Leib at tinahak ang daan papunta kay Racle. Hang in there babe..

May biglang humarang sa akin na lalaki at tinutok sa akin ang baril niya but before he can pull the trigger ay bigla ko na siyang tinuhod at pinaputok sa mismong bungo niya ang bala.

Ganoon din ang ginawa ko sa iba. Before they could fire the bullets I already pulled the trigger that destroys thier ugly faces.

Nabahala kami ni Leib nang bigla kaming may narinig na sunod-sunod na putok sa itaas kung nasaan si Racle. At base sa tunog hindi ito nag-iisa lamang. Marami ang nagpapaputok kaya bigla akong kinabahan.

Mabilis naming tinapos ni Leib ang mga nakapaligid sa amin at dali daling pumunta sa itaas.

Bigla kaming huminto nang makarating kami sa pinto kung saan ikinulong si Racle. Nakarinig pa kami ng tunog ng napakaraming putok kay dali dali naming binuksan ang kwarto pero nagulat nalang kami sa nasaksihan namin.

Hundreds of shells of the bullets and cadavers are everywhere. Para itong sinadyang isaboy sa paligid ng kwarto. The floor is full of blood. Ang mga taong nakahandusay ay hindi man lang nag abala na ipikit ang kanilang mata dahil sa biglaang pagkamatay, parang nagpaulan ng napakaraming bala at sinalo nila ito gamit ang kanilang katawan pero ang nakapagkakata ay ang babaeng nakatayo't nakatalikod sa amin.

Her white blouse and faded blue maong pants became red because of the too much blood. Her back is exposed dahil parang pinunit ang suot niyang damit. Her hand where the gun is, is painted with red.

The air almost knocked out of my lungs when she slowly faced us. Those tantalizing and intimidating blue eyes again. Her ethereal face is void of emotions.

Why am I so scared?

She take a step forward but my feet are glued on the floor.

Her knees suddenly trembles and she's collapsing.

I've wished that I was the one who can catch her but there's a man who's much more ready to catch and protect her from that fall.

And it wasn't me. It was Leib.

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon