Chapter 22

5 1 0
                                    

Racle's POV

"There's a monster inside me Vaughn. I'm not as good as you knew."

Bumuka yung bibig ni Vaughn na parang may pero sinara niya ulit ito. Tumingin siya sa akin ng seryoso-ka-ba-sa-pinagsasabi-mo-look. Binitawan niya ang kamay ko at naglakad palayo.

The sight of him walking away from me made me want to fill the ocean with all the tears I've cried.

Vaughn's POV

I can't believe na tinago niya sa akin yun. Wala na ba talaga siyang tiwala sa akin. Kahit ano pa man siya tatanggapin ko siya. It's just that nakakatampo na may alam sila Gavin at Altera tapo ako wala.

Pumunta ako sa Labyrinth at doon nagmuni-muni.

"It is a necklace made by diamonds. It cost billion dollars and more. Ito ang magsisilbing bayad ni A kay Doc para makuha ang Void Genome. But A miss something, wala na sa kamay ng family ko ang Winged Labyrinth, mom dropped it in the middle of the ocean. She said that Winged Labyrinth conveys great danger, noong una ay hindi ko maintindihan ngunit nang makidnap kami ay alam ko na"

So that's why her void 's name is Wined Labyrinth, doon niya pala iyo kinuha.

Speaking of void, kaya pala ganoon nalang kalakas ang void ni Racle kasi may tinatago siya sa loob niya.

"There's a monster inside me Vaughn. I'm not as good as you knew."

Pilit kong sinasagot ang mga tanong sa isip ko at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising ako nang may mga kuko sa braso ko. Napabangon ako nang makita kong isa itong ibon. Raven? At dahil sa itim ang raven ay kitang kita ang papel na puti na nakaipit sa kuko niya.

Kinuha ko iyon at nagtaka sa sulat na nabasa.

'Wrong move'

Tinignan ko ang paligid pero wala akong makitang kahina-hinala. Ipinasok ko ito sa bulsa ko at nagsimula nang maglakad pabalik sa dorm.

Naglalakad ako sa hallway nang madaanan ko ang conference room at may narinig akong nag-uusap. Binuksan ko ang pinto at nagulat ako nang makita ko si Racle at Gavin na magkasama.

Umiiyak si Racle at pinapatahan siya ni Gavin. The view of them into each others arms, hurts me, a lot, because of some reasons. Those reasons that I wanted to deny.

Patakbo kong tinungo ang kwarto ko at pasalampak na nahiga sa kama. Pinilit kong matulog ulit at naging successful naman ako.

Naalimpungatan ako sa pagtapik-tapik ng kamay sa pisngi ko. Gusto ko pang mahiga sa kama kaya binalewala ko ito pero napabalikwas ako ng bangon ng sampalim ako ng pagkalakas-lakas ng taong yun.

"Gising na!!!!!" malakas na sigaw ni Altera.

"Ano bang problema mo?" habang hinihimas himas yung pisngi ko. Ang sakit ng pagkakasampal niya.

"Magready ka na kasi in 10 minutes pupunta daw sa dome, may ipapakita si Doc kaya maligo ka at magbihis. Dalian mo" sermon nya at umalis na ng kwart.

Padabog akong nagtungo sa banyo at ginawa ang mga sinabi niya.

Hinihingal ako pagkarating ko ng dome dahil tinakbo ko ang pagitang ng dome at dorm dahil isang minuto nalang ay male-late na ako.

Pumunta ako sa gawi nila Altera na parang nagkukumpulan sa isang banda. Nang makita ako nila ay bigla silang nagsilayasan at nagpunta sa kani-kanilang upuan.

"Ano yung tinitignan niyo?" tanong ko

"Panuorin mo nalang" sabi niya at nginuso ang screen sa hrarapan.

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon