"Even when the ocean separates from the sea,
Even when the fishes will live in lea,
And forever will be the opposite of infinity,
I won't let anyone, even God take you away from me,
Hear my plea baby, stay with me"
When I heard those words there's a...
Pinaputukan ko sa bungo yung lalaking gusto sana akong barilin.
"Nagulat ako nang may tumapik sa balikat ko. Tinignan ko kung sino ito pero bigla niya akong sinuntok. What the---!
"Gavin?" nagtatakang tanong ko.
"Nakidnap si Racle" sabi niya
"What? Sinong kumidnap?" nag-aalalang tanong ko.
"Ako" napanatag naman ako.
"Gi-no-good time mo lang ako eh" sabi ko at humarap sa taong may dalang espada at puputulin sana yung leeg ko.
Umilag ako sa espada niya at tinudod siya at pinaputukan yung noo niya.
"Seryoso ako Vaughn. Tauhan ako ni A!" natigil ako sa sinabi ni Gavin
Tumingin ako sa kanya at nakikita kong nagsasabi siya ng totoo. Sinikmuraan ko siya at kinuwelyuhan.
"Gago ka! Ikaw pala yung masama eh" sabi ko nang nanlilisik yung mata. Naiinis naman na tumingin si Gavin sa akin.
"Hindi ako masamang tao alam mo yan Vaughn!"
"Hindi ka masama? Nasa panig ka ng mga kalaban natin pero hindi ka masama?"
"Ginawa ko lang yon dahil mahal ko si Racle! Mahal ko siya. Nung kinidnap siya, alam mo bang ang sakit isiping baka huli na ang lahat, baka patay na siya pagkarating natin doon?" so may nararamdaman palaa talaga siya kay Racle. Mas lalo akong nagalit sa kanya.
"Ganon? Ganon na katagal na nasa panig ka ni A?" tanong ko sa kanya. Napa-irap naman siya.
"Tanga ka rin kung minsan no? Hindi mo man lang ba napansin na kung bakit sa mga oras na sinugod mo ang quarter ni A si Leib ang unang nakarating doon? Pinapunta ko siya roon para alagaan si Racle dahil wala ka nang ginawa kundi ang saktan siya. At ako, nagpaiwan ako roon para kausapin si A na huwag niyang sasaktan si Racle. At nung nakidnap ka, ikinwunto sa'yo ni Vam ang lahat at hindi ka man lang nagtaka kung paanong ako ang nakahanap ng elevator? Hindi mo lang ba yon napansin?"
Napatulala ako. Napansin ko ang lahat ng iyon pero binalewala ko lang.
"Puntahan na natin si Racle. Sumunod ka sa akin"
Sumunod ako sa kanya ng hindi nagsasalita. Ang dami naman naming nagmamahal sa'yo.
Pumasok kami sa isang napakalawak na kwarto at naabutan naming nakapako ang magkabilang kamay ni Racle at paa ni Racle. Ngayon ko lang nahalata 'Krosiphyxx' from the word 'Crucifix". She's crucified.
Punit-punit ang damit niya at kita siguro ang dibdib niya kung hindi lang ito natatabunan ng buhok niya. Ang dating maitim niyang buhok ay naging puti. Dumadaloy rin ang dugo sa kanyang kamay papunta sa kayang pakpak.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.