Vaughn's POV
I was very busy slashing Winged Labyrinth to the three Endlaves when I heard a low growl on my back.
Tinignan ko kung ano yun at nakita ko papalapit na yung kamao ng isang Endlave sa akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko at dahil na rin siguro sa pag pa-panic ay ginawa ko nalang kung ano ang nasa instinct ko.
Naisalag ko ang Winged Labyrinth para hindi ako irektang mataaan ng atake niya.
Napakalakas ng pagkakasuntok ng Endlave sa Winged Labyrinth kaya pagkadikit na pagkadikit ng fist ng Endlave doon sa Winged Labyrinth ay nagliwanag ito at kumalat ang liwanag na ito sa bung paligid at nakapagpatumba ng lahat ng Endlave na naroroon pati narin ang mga tauhan ni A.
Hindi pa ako nakakarecover ay nakarinig ako ng sigaw na nakapagpakaba sa akin.
"Racle!"
Nakasakay ngayon si Racle sa isang stretcher habang kaming tatlo ni Leib at Doc ay tinutulak papunta sa lab.
Pagkarating namin sa lab ay inilipat namin si Racle sa isang chamber at sinimulan na naman ni Doc na i-examine siya.
Nanginginig parin ako ngayon sa hindi malamang dahilan habang inaalala ang nangyari at kung ano ang sinapit ni Racle kanina.
"Racle!" Narinig kong sigaw ni Leib kaya napatingin ako sa direksiyon niya. Paano siya napunta rito?
Dumoble ang dami ng katanungan sa isip ko nang sundan ko ng tingin ang tinitignan ni Leib. Si Racle....
Nakamulat lang ang mga mata niya habang nakahandusaysiya sa sahig at walang malay.
Pupunta sana ako sa kanya nang maramdaman kong may mali sa hawak ko.
Napatingin ako sa Winged Labyrinth at nagulat ako nang mapansin kong may biyak iyon. Dahil narin iguro sa pagkakasuntok ng Endlave dito kaya ito nadamag.
Bumaling ulit ako kay Racle at dumoble ang kaba ko nang makita kong ang maputi niyang balat ay mas lalong pumuti at nagsisimula ring magpakita ang mga ugat niya.
Klarong klaro ang mga ugat nbiya kahit nasa malayo ka pa. Para itong nasa zombie movie na kung saan nagiging visible ang mga ugat sa outer layer ng skin sa lahat ng parte ng katawan.
Naka shoets si Racle at t-shirt kaya kitang kita ang mga ugat na nasa braso at legs niya.
Natauhan ako nang makita ko si Leib na umupo sa tabi ni Racle. Kinuha niya ang ulo ni Racle at pinaunan sa hita niya.
I'm literally shaking while I'm reaching for her. A hand uddenly squeezed my chest when I saw her eyes. The dark violet veins are not only visible to her body but up to her beautiful eyes.
Hinawakan ko ang palapulsuhan niya at halos maiyak ako nang hindi ko na maramdaman ang pulso niya.
Tumayo ako dala yung Winged Labyrinth.
"Hawakan mo" sabi ko kay Leib na ang tinutukoy ay hinawakan si Racle.
Napakunot- noo naman si Leib dahil hindi siguro alam ang gagawin ko.
Lumayo ako sa kanila. Itinaas ko ang kamay kong may hawak sa Winged Labyrinth at ipinusisyon ito katapat ng dibdib ni Racle.
Baka ito ang dahilan kung bakit nagkakaganyan si Racle. Baka na over use ko ang Winged Labyrinth kaya naging ganyan ang sinapit niya.
Dahil sa wala akong maisip na ibang dahilan kung bakit nasa ganyang sitwasyon siya, pinipilit ko nalang ang sarili kong paniwalaan ang mga bagay na alam kong malayo sa totoong dahilan.
Ibabalik ko na saana ang Winged Labyrinth kay Racle nang may marinig akong malakas na sigaw.
"Shit! No!"
Sabay kaming napatingin ni Leib sa kung saan nanggagaling ang boses. Si Doc....
"Wag! Wag mong ibabalik kay Racle ang Winged Labyrinth. Let's bring her to the lab, I need to examine her. Vaughn, dalhin mo ang Winged Labyrinth" napatingin siya sa biyak na nasa voi ni Racle.
Tinignan niya ako ng napakasama.
"What have you do?"
Yeah, what have I done?
Si Leib, Gavin at Doc ang umasikaso kay Racle mula sa pagbubuhat sa kanya patungo sa isang stretcher papunta sa van.
"Let's go" ani Doc.
"Doc, magpapaiwan na ako dito. Lilinisin ko lang yung kalat" tumango si Doc sa suhestiyon ni Gavin.
Maingat niyang kinuha ang Winged Labyrinth at mayroon siyang sinabing chant na nakapagpaconvert sa Winged Labyrinth into pixels pagkatapos ay pumorma itong necklace.
Its a white gold necklace na mayroong white gold wings pendant.It's beautiful.
"Keep it. Dyan lang muna yan sayo habang hindi pa siya nagigising. Let's go" Tumalikod na si Doc at tumatakbong pumunta sa van. Isinuot ko ang Winged Labyrinth necklace at sumunod nalang ako sa kanya.
"Vaughn, sa office ko" lumabas si Doc sa kwarto kung saan naroroon ang chamber ni Racle. Agad naman akong sumunod sa kanya.
Pagkarating namin sa office niya at napaatras ako kahit hindi pa ako nakakapasok nang tuluyan sa office niya dahil sa lakas ng pagkakabasag ng vase.
"What did you do? Anong nangyari?! Bakit siya nagkaganun?" Sunod sunod na tanong niya pero sinagot ko parin.
Pumasok muna ako sa office niya at umupo sa isang swivel chair at nagsimulang magkwento. Sinabi ko sa kanya ang totoo, kung bakit nagkaganoon, kung ano ang dahilan nun. Lahat lahat.
"Alam mo bang pwede siyang hindi na magising dahil sa kagagawan mo? Alam mo bang pwede niyang ikamatay ang nangyari sa kanya?! Ha?!"
Napatingin ako kay Doc at napalaki ang mata. SHIT! Seryoso?
"Vaughn kung ano ang nararamdaman mo ay may koneksiyon ang Void dito. The parts of the Winged Labyrinth didn't break because you weren't careful enough. It broke on its own because it couldn't withstand all the emotions and sensations that you have felt and gathered becasue of that said happening." Paliwanag ni Doc sa akin.
"Vaughn kapag tuluyang naputol o nasira ang Winged Labyrinth o ang isang void, the person who owns the void will die. At hindi mo na ito maibabalik pa. Be careful next time. Control your emotions please. Wag mong sirain ang isang bagay na pinapahalagahan ng iba."
Pagkatapos sabihin ni Doc ang mga yun ay aga siyang lumabas. Ako naman a naiwan ito sa office niya dahil hindi parin nag si-sink in sa uta ko ang mga sinabi niya.
Malapit nang mamatay si Racle nang dahil sa akin?
Wala sa sariling pumunta ako sa kwarto kung nasaan si Racle at tumabi sa chamber kung saan siya nakahiga. Visible parin ang mga ugat sa katawan niya sa labas ng skin niya.
Makikita mo ito dahil isang tela lang ang nakatabon sa pagkababae niya at ang mahaba niyang buhok lang ang tumatakip sa dibdib niya.
Naiiyak kong hinilig ang ulo ko sa chamber niya.
"I'm sorry. Don't leave me babe please. Stay with me"
![](https://img.wattpad.com/cover/126500402-288-k696388.jpg)
BINABASA MO ANG
Cryptic Oracle
Fantasi"Even when the ocean separates from the sea, Even when the fishes will live in lea, And forever will be the opposite of infinity, I won't let anyone, even God take you away from me, Hear my plea baby, stay with me" When I heard those words there's a...