Chapter 19

5 1 0
                                    

Racle's POV

Biglang nawala yung sakit na nararamdaman ko sa leeg at braso kahit tumutulo na yung dugo doon nang sabihin ni Vaughn na sasama siya?

Nababaliw na ba siya? Bakit siya sasama?

Pagkawala ng van na sinasakyan ni Vaughn ay tinawagan ko agad si Doc.

"Hel---"

"Doc si Vaughn nakidnap"

"Na naman? Bakit palagi nalang kayon nakikidnap? Ita-track namin ni Leib, nasaan ba kayo---I mean nasaan ka?" nga naman bakit kami palagi ang nakikidnap?

"Nandito ako ngayon sa harap ng condo ko Doc."

Magsasalita sana ako nang biglang naputol yung tawag. Binabaan ako?

Maya-maya ay may nakita akong pamilyar na van. Tumigil ito sa harapan ko at bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Vam.

Tinulungan ako ni Vam na makapasok sa loob at nakita kong nakasuot silang lahat ng bulletproof suits. Si A na naman ang may gawa nito?

"Racle ihahatid kita sa garisson. Doon ka mun---"

"Hindi Doc, sasama ako" putol ko sa sasabihin ni Doc.

"Wag nang matigas ang ulo Racle. Hindi mo pa ka---"

"Kaya ko na Doc. Malakas na ako kaya please. Isama niyo ako" pagmamakaawa ko. Kailangan nila akong isama.

Ako ang papatay sa kung sino man ang mananakit kay Vaughn, walang mananakit sa mahal ko.

Narinig ko ang buntong hininga ko. Hindi sumagot si Doc kaya itinuring ko nalang ito na pinapayagan niya akong sumama.

Pumwesto ako sa upuan ko. May pinindot ako sa arm chair ng upuan dahilan para mayroong jeans at t-shirt at bulletproof suit na kumover sa buong katawan ko.

Nakarating kami doon sa lugar kung saan nanatili si Vaughn. Isa na namang warehouse.

"Warehouse? Na naman?" tanong ni Altera kay Leib

Umiling si Leib

"Hindi yan simpleng warehouse lang. Kapag nakarating tayo sa itaas, sa pinakadulong room---" itinuro niya ito gamit ang nguso niya "mayroong sirang elevator doon na kapag pinindot mo ang tamang floor mapupunta ka sa kinaroroonan ni A"

"Ano naman ang mangyayari kapag maling button ang napindot mo" usisa ni Vam

"Mapupunta ka parin kay A" sabi ni Leib

"Oh, eh anong pinagkaiba ng maling button sa tamang button?" ani Altera

"Kapag tamang button ang napindot mo, makakapunta ka kay A, mahaharap mo siya, maliligtas natin si Vaughn at maaari tayong makalabas ng buhay. Pero kapag maling button ang napindot mo, mapupunta ka kay A, mahaharap mo siya pero hindi natin maililigtas si Vaughn at hindi tayo makakalabas ng buhay dahil gagawin niya tayong variable for his experiment which is the Apocalypse Virus" mahabang paliwanag ni Leib

Shit!

Nagsimula na silang maglakad kaya sumunod ako. Narating namin ang itaas pero wala kaming makitang elevator.

"Nasaan ang elevator?" tanong ko

"Right here" sabi ni Gavin

Nang lumingon ako sa kanya ay wala akong makita maliban sa isang lumang pader. Lumapit si Leib at pi-nush ang isang brick roon. Biglang may lumabas na hologramic keyboard doon.

Nagsimulang magtipa si Gavin doon habang yung iba ay sumalampak sa sahig. Ganito rin kaya ang mga ginagawa nila nung nakidnap ako? Hayy...

"Masyadong malakas ang security system nila. Aabutin tayo ng three hours kapag wala tayong gagawin." Sabi ni Gavin

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon