Chapter 17

6 1 0
                                    

Nakita ko siya na kausap si A kaya nagduda ako. At dahil sa kagaguhan ko, napunta sa akin ang Void Genome, sa isang taon na pagtulog ko ay hindi ko alam kung anong ginagawa nila sa akin, syempre tulog nga diba. Pero noong gumising ako kay bigla nalang akong nakaramdam ng kung anong lakas na kumakalat sa katawan ko.

Noong una ay natatakot pa ako kung anong sakit ang maidudulot ko sa mga tao na kukuhanan ko ng void, pero sabi ni Doc masasanay din ako kaya okay lang din.

At dahil nasa akin na ang Void Genome ay pinangalanan ako ni Doc na Hvenswill MacVaughn Lafierre. Kasi nga diba? The Void Genome is the evidence of the coalition of the heavens and science. Kaya sabi ni Doc, ang Genome na ito ay Heaven's will kaya pinangalanan niya akong Hvenswill.

Syempre pati ako tumakbo dahil hindi naman ako ganoon ka galing pagdating sa swords, naiingit nga ako noon kila Yttrium at Vam dahil para lang silang naglalaro ng jack-en-poy kapag naglalaban pero nang tumagal ay namaster ko na lahat, may isa pa palang mahina ako.

Magaling na ako ngayon sword fight, hand-to-hadn combat, archery etc. Ang hindi ko lang talaga makaya ay ang pag gamit ng baril.

Natatamaan ko naman lahat ng pinupuntirya ko kaso nga lang hindi ako ganoon ka galing parehas kay Racle na bawat labas ng bala sa baril ay natatamaan nito ang mga vital organs kaya parating fatal o di kaya ay patay ang tinitira niya. Dun ako humanga sa kanya and she never misses.

Mayroon atang x-ray at zoom-in yung mata niya kaya klarong-klaro lahat.

Naalala ko pa yung una naming pagkikita.

Ine encourage ako nilang lahat pero minsan ay natatakot parin ako sa sarili ko dahil nga sa baka kung ano ang sakit na maidulot ko sa kanila. Naging ka close ko si Keon at Aesir paglaon.

One time, sinabihan kami ni Doc na mag practice ng katana pero sabi ng iba ay takasan namin si Doc. Narinig iyon ni Doc kaya pinagalitan niya kami, pero hindi nagpadala sa galit yung iba kaya nagsilayasan sila.

Hinihingal na ako pero mas binilisan ko pa yung pagtakbo ko.

Akala ko sumuko na si Doc noong una dahil tinignan niya lang kaming nagsilayasan at bumalik na sa office niya pero nagulat ako nang may humahabol sa aming robot at isa-isa kaming hinuli at binalik sa conference room.

Naunang nahuli yung mga babae at yung mga hindi mabibilis tumakbo, mabibilis naman kaming tumakbo lahat pero sadyang mas mabilis ang mga robot kaya kami nahuli.

Imbes na sumama sa kanila ay lumihis ako ng daan at pumasok sa hospital. Dahil sa malalaki ang mga robot ay hindi sila makapasok sa ospital.

Pumasok ako sa kwarto ko. Lahat kami ay may sariling kwart dito sa hospital. Bale fifteen ang kwarto at hindi pa kasali ang mga operation rooms na fifteen din ang bilang. Sa tantya ko ay may thirty five na rooms dito at para lang yun sa amin lahat.

Dalawang rooms at dalawang operation rooms bawat floor sa ibig sabihin ay mayroong 17 rooms ang nasa hospital na ito. Ang natitirang one room ay para kay Doc.

Napaka spacious ng kawarto, ang space nito ay kagaya siguro ng space ng average na bahay. Mayroon itong sariling tv, cr, refrigerator na laging puno ng pagkain at kung ano-ano pa.

Tatlong minuto na akong nakahiga sa hospital bed at pinapakalma ang tibok ng puso ko nang may marinig akong impit na sigaw. Shit! Ano yun?

Tumigil ako sa paghinga dahil baka epekto ito ng pagkapagod dahil sa pagtatakbo pero nanindig yung mga balahibo ko nang mayroon ulit akong narinig.

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon