Nahinto ako sa pagmumuni-muni ko nang maramdaman ko ang pagvibrate nga cellphone ko sa bulsa ko.
Tumatawag pala si Vam.
"Hey Vaughn, where are you?" tanong niya
"Nasa kalangitan na ako bakit?"
"Its Racle-----"
"Pupunta na ako dyan. Bye"
Hindi ko na siya hinayaang magsalita. Gising na kaya si Racle? May nangyari kayang masama sa kanya?
Tumatakbo akong pumunta sa hospital. Agad akong nagtungo sa room ni Racle at naabutan ko doon sina Vam, Gavin, Leib, Altera at Doc.
Pinalabas ni Doc sina Vam, Gavin, Leib, at Altera nang makita niya ako.
"May pag-uusapan lang kami" sabi niya
Tumango naman ang apat at lumabas na ng kwarto. Agad akong bumaling kay Doc.
"Doc anong nangyari?" kinakabahan kong tanong
"Mas lumalala na siya ngayon Vaughn. Hindi niya na tinatanggap ang nutrients na naggagaling sa chamber. Kung ordinaryong doctor lang ako ay iisipin kong patay na siya Vaughn. Wala nang buhay sa loob niya." Naghihinayang na sambit ni Doc
No! Hindi pwede! Napahawak ako sa Winged Labyrinth na nasa leeg ko. Ganoon ba talaga kadamaged ang void niya para hindi siya magising? Napayuko ako. Hinawakan ko ang takip ng chamber niya. Babe, I'm sorry. Wake up.
Tinignan ko ang kabuuan niya. Mas pumuti siya ngayon at mas naging visible ang ugat niya.
"Gusto mo ba talagang mabuhay siya?" tanong ni Doc
Agad akong napatingin sa kanya. Seryoso ba siya? Syempre gusto kong mabuhay ang bestfriend ko.
"Doc nagbibiro ka ba? Syempre oo!" sigaw ko sa kanya
"Wag na wag mo akong pagtaasan ng boses Vaughn. Baka nakakalimutan mong ikaw ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan." Sabi niya
"Pasensya na Doc, hindi napigilan." Pagsusumamo ko "Hindi ko lang kasi kayang mawala sa akin yung bestfriend ko. Doc importante sa akin yung bestfriend ko Doc. Di ko kayang mawala siya" naiiyak kong pag-amin kay Doc
"Kung bakit ba naman kasi siya pinagpalit sa walang kwentang bagay. Tsk" sabi ni Doc habang papalapit sa akin.
May pinindot si Doc sa gilid ng chamber at may bumalot na robe sa katawan ni Racle.
Kinuha niya ang Winged Labyrinth sa leeg ko at inilahad ito sa kamay ko.
"Gumawa ka ng paraan para pumasok sa sistema mo ang void ni Racle, at pagkatapos, itransfer mo na kay Racle nang sa gayon ay gumaling na yang batang yan" turo niya kay Racle pagkatapos ay iniwan ako.
Paano ko to ipapasok sa sistema ko? Mayroon ba akong chant na dapat sabihin?
Nagconcentrate ako at iniharap sa chamber ni Racle ang Winged Labyrinth.
'Abrakadabra,
maawa ka sana,
pabalikin mo na siya'
'Abrakadabra,
maawa ka sana,
pagalingin mo na siya'
Binukas ko ang isang mata ko at sinilip si Racle, nung wala pa ring nangyayari ay pinagpatuloy ko ito.
'Abrakadabra,
maawa ka sana,
gisingin mo na siya'
'Abrakadabra,
![](https://img.wattpad.com/cover/126500402-288-k696388.jpg)
BINABASA MO ANG
Cryptic Oracle
Fantasia"Even when the ocean separates from the sea, Even when the fishes will live in lea, And forever will be the opposite of infinity, I won't let anyone, even God take you away from me, Hear my plea baby, stay with me" When I heard those words there's a...