"Well as you can see, mayroon nalang tayong one month and two weeks para mag handa and at the same time, magpahinga." Doc
Bigla akong nanlumo hindi dahil sa wala na kaming pahinga kundi dahil sa baka ito ang huling masasalihan kong laban.
"Get your bags and clothes and other necessities sa kanya kanya niyong bahay dahil simula ngayon dito na kayo matutulog. And we'll start our practice pagbalik niyo." Ani Doc at biglang pumalakpak.
Kanya kanya naman kaming tayo sa mga upuan namin at lumabas ng bagsak ang balikat dahil sa ngayon na nga uumpisahan ang practice.
"Excited na ko!" sigaw ng nasa gilid ko at ngayon ko lang napansin na si Altera pala ang nasa gilid ko. "Excited ka na ba?" tanong niya
"Really? Baka ito na nga ang huli kong laban eh" nakangusong sabi ko.
"Bakit babe?" biglang sulpot ni Vaughn sa gilid ko
"Baka kasi kunin na siya ni Lord, alam mo naman hindi magaling lumaban yan diba?" Sagot ni Altera kay Vaughn.
Magpapasalamat sana ako sa kanya dahil sa ginawa niya pero agad na kong kinalimutan dahil minaliit naman yung kakayahan ko.
"Hoy! Sa pagkakaalam ko, hindi makakasali dito ang mga mahihina, so ibig sabihin nun, malakas ako!" Sabat ko sa kanya at pinandilatan siya ng mata.
"Magpasalamat ka nalang" bulong niya para hindi marinig ni Vaughn.
Biglang may kamay na umakbay sa akin kaya nahila ako papunta sa pintuan.
"Halika na, dalawang oras lang ang binigay sa atin ni Doc. Mag-eempake pa tayo." Vaughn.
"Bye Altera" kinawayan ko siya at nginitian. I also mouthed 'thank you' pero sinigurado kong hindi iyon napansin ng katabi ko.
Tuloy-tuloy lang ang lakad ni Vaughn papunta sa kotse at hindi man lang ako hinintay.
"Babe, may problema ba?" tanong ko sa kanya. Dumiretso lang kasi siya sa driver's seat at hindi man lang ako pinagbukasan ng pinto.
Alam kong galit siya sa akin dahil nawawala ang pagiging gentleman nun kapag galit.
Binuksan ko ang pinto ng kotse at agad sumilid doon. Hinarap ko siya pero ang tingin niya ay diretso sa daan.
"Babe" sinubukan kong hawakan ang kamay niya ngunit iwinaslik lang niya iyon. "Babe kausapin mo 'ko" sabi ko at nag puppy eyes.
"Bakit ganoon yung usapan niyo ni Altera?" Tanong niya pero sa daan parin ang tingin. Hindi naman umaandar yung kotse pero bakit titig na titig siya sa daan?
"Ang alin?"
"Yung mga 'huling laban', 'pagkuha ni Lord', sabihin mo nga sa akin may sakit ka ba? Ba't parang namamaalam ka na? "
Natigilan ako sa tanong niya at bigla nalang napayuko.
"Ba't di ka makasagot? May sakit ka ba talaga?"
Parang gusto ko pa ata yung mga mata niyang sa daan lang diretso ang tingin, ngayon kasi parang hindi ako makahinga dahil sa lalim ng pagkakatitig niya.
"Babe, may sakit ka ba?" pag-uulit niya. Hinawakan niya yung kamay ko at pinisil ito dahilan para mapatingin ako sa kanya ng diretso sa mata..
Ngumiti nalang ako, "Wala" sabi ko na nagpakunot ng noo niya.
"Nakita mo na ba akong nahihirapan dahil sa sakit? Wala naman diba? Biro lang yun ni Altera kaya wag kang magpapaniwala dun, okay? Ihatid mo na ako sa condo mag-eempake na ko"
BINABASA MO ANG
Cryptic Oracle
Fantasy"Even when the ocean separates from the sea, Even when the fishes will live in lea, And forever will be the opposite of infinity, I won't let anyone, even God take you away from me, Hear my plea baby, stay with me" When I heard those words there's a...