"Even when the ocean separates from the sea,
Even when the fishes will live in lea,
And forever will be the opposite of infinity,
I won't let anyone, even God take you away from me,
Hear my plea baby, stay with me"
When I heard those words there's a...
Nang matanaw ko ang hall kung saan ginaganap ang celebration ay namangha ako sa nakita.
Alam kong hologram lang ito dahil hindi naman makagagawa si Doc ng ganitong building in just one week. But it's fantastic!
Malapalasyo ang building. Sa gilid nito ay kitang kita mo ang malaking moon na minsan natatabunan ng maiitim na ulap dahil sa hangin. Mayroon itong bridge sa harap kung nasaan ako ngayon.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Habang papalapit ako ay hindi ko maiwasang mamangha. Pati ba naman ulap at buwan pinakialaman din ni Doc, ginawa ring hologram.
Nagulat ako nang may biglang kumalabit sa akin. Si Vaughn lang naman pala.
"You should see your face, nakakatawa" sabi niya at humalakhak nang malakas. "Ang laki ng pag nganga mo." Tumawa naman siya ulit.
Kinurot ko yung tagiligan niya dahil naaasar na talaga ako. Bwisit! Naglakad nalang ulit ako at iniwan siya dun. Maya maya ay may kumuha ng kamay ko at ipinulupot iyon sa braso niya.
"Ang lakas ng topak ni Doc" pagbasag ko sa katahimikan. Ang tahimik niya kasi habang naglalakad.
"Bakit?"
"Pati ba naman ulap at buwan pinakialaman, ginawa ring hologram."
Natawa siya sa sinabi ko. Magsasalita pa sana siya nang mayroon kaming narinig na sinambit ang buo naming pangalan.
"Ladies and Gentlemen, the entrance of the King and Queen. Hvenswill Mcvaughn Lafierre & Krosiphyxx Oracle Nixon" narinig kong sabi ni Leib at agad silang nagsitayuan.
Ngumiti ako sa kanila habang si Vaughn naman ay kumaway na parang nangangampanya. Napatawa ako dahil sa ginagawa niya.
Tinatawag si Vaughn na King dahil nasa kanya ang Void Genome which bestows King's Power. Habang ako ay tinawag na queen dahil sinabi lang ni Doc. Ang sakit nga sa puso eh!
Naupo kami ni Vaughn at inenjoy ang message ni Doc para sa amin.
Pagkatapos ng message ni Doc ay kinuha ni Leib ang mic.
"Okay everyone. The queen, Krosiphyxx Oracle Nixon will confess her feelings. Everyone, this is a dare from Leib Yale Raffa and Vampress Miracle Sonata." Hayup! Pinagkaisahan ako ng dalawa ah.
Bigla namang napuno ng tawa ang hall. Shit! Alam naman nila, sana hindi naman sila nagpahalata. Tinignan ko si Leib at pinandilatan ng mata. Bwisit!
Nakalimutan ko na dare pala to.
"Around of applause please everyone." Napakalapad ng ngiti ni Leib. Habang ang iba naman ay tawa ng tawa at sinisigaw yung pangalan ko.
Tinignan ko si Vaughn na mukhang naguguluhan pero binigyan ako ng goodluck-look.