Nagising ako nang biglang nakaramdam ng gutom. Hindi pa kasi ako nakakakain ng hapunan dahil tinatamad akong bumaba at dahil narin siguro sa sobrang pagod.
Bigla akong may narinig na pagpihit ng doorknob sa pinto ko sa baba kaya napabukas ako ng drawer ng mesa na katabi lang ng kama ko.
Kinapa ko ang maliit na kutsilyo at ready na sana akong ibato ito sa kung sinuman nang bigla siyang sumipol, bwisit akala ko kung sino na. Saktong pagbukas niya ng pintuan ay ang pagbato ko ng kutsilyo, mabuti nalang at sinarado niya ang pinto ulit dahil siguro sa naradaman niyang may gagawin na naman akong masama sa kanya.
"God babe! ano bang problema mo?!" Sigaw niya sa labas ng kwarto.
Nakita kong nasa gitna na ng pinto ang kutsilyong ibinato ko kaya kung hindi siya agad nakiramdam, malamang nakatarak na sa tiyan niya ang kutsilyo ngayon.
"Wala! Naiinis ako, bwisit!" sigaw ko pabalik
"Pwede ko na bang buksan yung pinto?"
"Bakit ba?!"
Palalayasin ko na sana kaso nacurious ako dahil hindi naman yan pumupunta dito ng maaga.
"Bukas yan!" sigaw ko at inilublob ang mukha sa gitna ng unan.
"Ang aga aga pumapatay ka" sinamaan ko siya ng tingin pero natawa na rin dahil sa sinabi niya.
"Ano bang kailangan mo? Alam mo, kulang ako sa tulog kaya please umalis ka na. Alis!" sabi ko at tumayo sa higaaan at bigla nalang siyang itinulak palabas ng condo.
Nagpumiglas siya pero hindi ko siya hinayaang manatili, gusto ko pang matulog kaya hindi ko siya hahayaang mambulabog.
"Okay, fine, aalis ako, nag-aalala lang naman ako sa'yo" bulong niya
"Nung sabi mo?" Hindi ko kasi narinig ng maayos dahil mayroong dumaan na nagtatawanan sa gilid ko.
"Wala, aalis na ko" sabi niya nang nakayuko
Bigla naman akong naguilty.
"Ano bang hawak mo?" Kanina ko pa kasi napapansin na iniingatan niya yung hawak niya.
Bigla niyang itinaas ang dalawang supot na hawak hawak niya at biglang nagpaawa.
"Pagkain mo" pagkasabing pagkain ay biglang kumalam yung sikmura ko
"Alam ko kasing hindi ka pa kumakain kaya dinalhan kita kaya lang halos patayin mo na ako at pinapaalis pa sa condo mo" Bakit ang galing niyang mag-inarte?
"Hindi ako nag-iinarte, nasasaktan talaga ako" sabi niya na parang nababasa ang isip ko
"Aalis na ako" gusto kong matulog pero mas gusto kong kumain
"Babe sandali lang! Babe!" tuloy tuloy lang ang lakad niya at parang walang naririnig.
Bakit mo naman kasi tinarayan Racle! Ready'ng ready na ang pagkain oh. Binibigay na sa'yo tinatanggihan mo pa?
Hinabol ko siya at pumunta sa harap niya. Tumigil naman siya sa paglalakad.
"Sorry na okay, mali na 'ko" Tumango siya. Akala ko okay na pero bigla naman siyang nagpatuloy sa paglalakad. Hala!
"Babe! Pakainin mo na ako!" tuloy- tuloy parin siya sa paglalakad
"Baby uwi ka na di na ako galit!"
"Uuwi na talaga ako, sa bahay ko!" sigaw niya sa akin.
Hindi pwedeng hindi ako makakain, mababaliw ako. Pinagtitinginan na kami ng mga taong lumalabas sa kanilang sari-sariling kwarto. Ayaw mo ha!
BINABASA MO ANG
Cryptic Oracle
Fantasy"Even when the ocean separates from the sea, Even when the fishes will live in lea, And forever will be the opposite of infinity, I won't let anyone, even God take you away from me, Hear my plea baby, stay with me" When I heard those words there's a...