Chapter 4

8 1 0
                                    


Vaughn's POV

Nagkakasiyahan kami nang bigalang tumunong ang phone ko.

It's my girlfriend. Matagal tagal din kaming hindi nagkausap, busy baby ko sa work.

"Baby, I need you here, please. May kumidnap sa akin baby." Umiiyak na sabi niya sa kabilang linya,.

"What?!" sigaw ko.

"Baby, kinidnap ako baby, tulungan mo ako please. Bigla nalang siyang pumasok sa apartment ko.Iligtas mo ko please" Nahihirapan niyang sabi.

Hindi na siguro siya makahinga dahil siguro sa niyerbyos na nararamdaman niya.

"Where are you? Are you okay? Do not let him hurt you, okay? I'll be there." Hindi na ako makapag-isip ng maayos. Nag-aalala ako para sa kalagayan niya.

Agad kong ibinaba ang telepono at humarap kay Doc.

"Doc I need your help. My girlfriend is being kidnapped. Nandoon siya sa apartment niya. Please Doc. I need your help. Please" pagmamakaawa ko kay Doc.

"We should check first kung isa ba sa mga kalaban natin ang kumidnap sa kanya. Hindi tayo pwedeng basta-basta nalang pumunta doon. Paano kung makapangyarihan pala yung taong yun? Marami siyang pwedeng gawin kay Aeshma." Opinyon ni Racle

"So ibig sabihin wala tayong gagawin hanggang sa malaman natin ang backgroung ng kidnapper?" Tanong ko sa kanya, naiinis na ko.

"Hindi ganun. Isipin mo ang kaligtasan ng girlfriend mo hindi yung basta-basta ka nalang sumusugod. At kapag may mangyaring masama sa kanya, anong gagawin mo? Isipin mong kailangan mo siyang iligtas at dapat mahuli natin yung kidnapper para mapagbayaran niya ang ginawa niya." May punto naman si Racle pero nag-aalala parin ako sa kalagayan niya.

"Okay, I'm sorry." Tumango ako at humingi ng paumanhin kay Racle

Nagsimula nang ihack ni Leib ang mga CCTV camera's sa paligid ng apartment pero wala kaming nakitang kidnapper na pumasok sa loob.

"Anong ibig sabihin niyan? Multo yung kidnapper?" Tanong ni Altera

"Wala tayong choice, kailangan nating puntahan para malaman natin." Sabat ni Racle.

Humarap siya sa akin at pinagaan ang loob ko. "Babe relax, magiging okay rin ang lahat."

Habang patungo kami sa apartment ni Aeshma ay hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Paulit-ulit na nag pe-play sa utak ko yung mga hikbi at iyak niya kanina nung tinawagan niya ako. Hang in there baby. I'm coming.


Racle's POV

"Mahal na mahal talaga ni Vaughn yung gf niya no? Tingnan mo, kanina pa yan hindi mapakali." Bulong ni Leib habang itinuturo si Vaughn na kinakagat ang kuko sa hinlalaki.

"Alangan namang hindi siya mag alala, mag-panic, eh girlfriend nya yun eh. Mahal niya yun" Sabat ko

"Eh ikaw? Mahal ka niya?" Bigla ko siyang siniko sa tagiliran dahil pang-aasar niya sa akin.

Kung hindi ba naman gago't kalahati eh. Inaasar pa ko about sa relationship ko sa bestfriend ko. Ang sakit.

"Mahal niya ako" Pagmamalaki ko

"Di nga?" Pangongontra niya

"Bilang bestfriend" sabi ko sabay yuko. Nanlulumo na ako sa sitwasyon ko ngayon tas inaasar pa talaga ako nitong katabi ko.

Wala akong choice kundi tumabi kay Leib, gusto ko sanang tumabi kay Vaughn kaso lang sa passenger seat siya naupo, alangan namang sa driver's seat ako maupo diba, eh teritoryo naman yun ni Doc. Kaya eto, no choice ako, Nasa gilid ako ng bintana sa pinakalikod katabi ang playboy na 'to.

"Aray! Yan ang masakit pag umiibig. Friendzoned! Yung tipong yung pagmamahal mo para sa kanya buong buo, pero siya, manhid sa nararamdaman mo. Agay kasakit!" Pasigaw na bulong niya kasabay pa ng pag eemote niya at paghawak niya sa bandang dibdib na parang nasasaktan.

"Ano ba! Tumigil ka nga!" naiinis na bulong ko at siniko ulit siya sa tagiliran. "May huhulihin tayong kriminal tas ganyan ka" napairap ako.

".....di..n---man---totoo ---un eh..." bulong niya.

"Ano? Kung may ibinubulong ka isali mo naman ako. At saka, playboy ka diba? Ba't parang hopeless romantic ka?" tanong ko sa kanya at binalewala ang binulong niya kanina.

"Hindi naman ibig sabihin playboy hindi na nagmamahal. Pwede ring gusto na naming mahanap yung 'forever' namin diba, kaya pa-palit-palit kami ng babae. Pero yung sa akin nakita ko na, pero yung mahal ko hindi ako mahal eh, dahil may mahal siyang iba. Ang sakit diba?" Sa mga salitang binitawan niya ay alam kong totoo ang mga iyon.

Habang sinasabi niya yun, ramdam na ramdam mo ang sinseridad sa boses niya. Ang tanga naman nung babae, hindi niya alam na minamahal siya ni Leib. Ang swerte kaya niya. Ang manhid niya.

"Okay lang yan." Sabi ko sabay tap sa balikat niya.

"Mabalik tayo sa minamahal mo. Anong pangalan ng girlfriend ni Vaughn? Maganda ba?" tanong niya na may nakakalokong ngiti

"Ayokong sabihin, baka ahasin mo sa kanya, masaktan pa yung bestfriend ko"

"Hoy! Grabe hindi naman ako ganun. Sige na, anong pangalan? May pera ba? Maganda no? Mas maganda sa'yo? Kaya hindi ka nagugustuhanng bestfriend mo dahil tamang-tama lang yung kagandahan mo" Sabi niya sabay halakhak ng pabulong parin.

"Grabe ka! Okay. Aeshma Romanov. Mag fo-four years na sila next January.Steady lang ang status sa buhay. okay na?"

"Okay."

Nang tumigil ang van sa harap ng apartment ni Aeshma, ay agad agad na lumabas si Vaughn dito. Kanya-kanya kaming kuha ng baril at sinundan namin siya. Pagkarating namin sa harap ng kwarto ay bigla kaming pumagild para kung sakaling buksan ang pintuan at magkabarilan ay hindi kami agad matatamaan.

Biglang sinipa ni Vaughn ang kwarto ni Aeshma ngunit natigilan siya, nagtaka naman kami kung bakit ganoon ang reaksiyon niya kaya sinundan namin ang tinitignan niya, nabigla nalang kami nang may makita kaming mga banderitas na nakakabita sa bawat sulok ng kwarto at isang tarpaulin na may "HAPPY 42ND ANNIVERSARY BABY" at sa gitna nito ay naroroon si Aeshma na nakahawak ng cake.

Si Vaughn ang unang nakarecover at ilang segundo pagkatapos noon ay ang pag recover din ng mga kasamahan namin. Leche! Si Vaughn lang dapat ang masurprise pero bakit pati kami?

"Mas maganda ka naman kumpara dyan." Sabi nI Leib.

"Anong pakialam ko? Mas mahal naman niya yan." Sabat ko sa kanya. Pinandilatan ko pa siya ng mata. Bwisit. Kinikumpara pa talaga ako sa gf ni Vaughn. Alam ko namang ako yung talo eh.

Alam naman nila sigurong nanood kami sa mga ginagawa nila pero bakit nagawa pa nilang magharutan? Bwisit, napaka-PDA. May pahug-hug pang nalalaman.

Sabay-sabay kaming napasinghap nang biglang kinabig ni Aeshma si Vaughn at hinalikan sa labi.

Shet! Ang sakit sa puso. Di ko kayang tumingin. Ang sakit sa mata. Ang sakit makitang masaya ang mahal mo sa iba pero mas masakit kapag nakita mong nagmamahalan talaga sila. Inilayo ko ang paningin ko sa dalawa at bumulong nalang sa kay Leib na katabi ko parin hanggang ngayon.

"Kailangan na ata nating umalis" sabi ko sa kanya

Tumango siya "Kasi nasasaktan ka na."

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon