Napatulala ako nang makita ko si Vaughn. Ba't ang gwapo niya?
Striking emerald eyes, perfect jaw, perfectly cut hair, he looks intimidating in suit. Naiinlove ako lalo!
"I should stop fantasizing" sabi niya at tinapik tapik yung pisngi niya.
""What?" sabi ko nang naguguluhan.
Tumayo siya at pumunta sa harap ko. Isang ruler lang ang pagitan ng mga mukha namin pero hindi na ako makahinga at gusto ko nalang yumuko.
"The enchantress that once and only existed on my reverie is now real and standing in front of me. Your looking way too hot right now baby." Sabi niya na parang hindi parin makapaniwala sa nakikita
Napangiti ako at tuluyang napayuko dahil sa sinabi niya. Shet! Kinikilig ako. Napa iling ako at tumingin ulit sa mga mata niya.
"Let's go. We're running out of time" sabi ko sa kanya ng nakangiti
"Okay" kinuha niya ang kamay ko at ipinulupot ito sa braso niya.
Napapatingin sa amin ang mga saleslady sa kanya kanyang boutique at nagsimula ang nagbulong-bulungan. Paano ba naman, naka gown kami at tux sa loob ng mall, sinong hindi mapapatingin niyan? Ang bagal din ng paglalakad ko dahil sa gown na suot kaya para kaming rumarampa. Pasalamat nalang ako at kaming dalawa lang ang tao dito dahil maaga pa, ni hindi pa nga sumisikat yung araw.
Nagulat ako nang bigla silang pumalakpak at naghiyawan. Mayroon silang sinisigaw pero hindi ko maklaro. Namumula na yung buong mukha ko kaya tinago ko ang mukha ko sa likod ng leeg ni Vaughn.
Kahit naka heels ako, hindi parin pantay ang height namin, ang tangkad kasi. Kapag hindi ako naka heels hanggang balikat niya ako pero kapag mayroon naman akong suot na heels ay hanggang chin niya ako.
Pagkalabas namin ng mall ay nakita ko ang isang pamilyar na kotse na paparating, kotse ni Vaughn. Tumigil ito sa harap namin ay lumabas ang isang matanda na may dala dalang supot.
Lumapit siya sa amin at ibinigay niya kay Vaughn ang susi.
"Salamat tay. Pasensya na po sa abala" sabi ni Vaughn at nag bow. Nag bow na rin ako bilang pagrespeto sa matanda
"Naku, wala lang yun hijo. Maliit na bagay lang yun kumpara sa kung ano ang naitulong mo sa pamilya ko" Pinat niya ang balikat ni Vaughn bago umalis
Iginaya ako ni Vaughn sa kotse niya at pinagbuksan ako ng pinto.
"Sino yun?" tanong ko sa kanya nang makapasok siya sa kotse at sinimulang i-start ang engine.
"Isa sa mga bumibilib sa akin" pagmamayabang niya.
Irirapan ko nalang siya at pinatunog ang radyo. Bigla akong na excite dahil sa tugtog.
Sumabay ako sa kanta habang si Vaughn napapa iling dahil kung ano anong aksyon ang mga ginagawa ko dahil ineenjoy ko ang music.
"Can you be my date?" biglang sabi ni Vaughn kaya napatigil ako sa pagkakanta.
"Yep" Nagulat ako pero hindi ko lang ipinahalata at um-oo nalang kaagad.
Nakita kong napangiti siya pero bigla itong nawala nang tumikhim siya. Tumigil ang music kaya tumigil na rin ako sa mga kabaliwang ginagawa. Hinintay ko ang susunod na music pero hindi ko alam kung paano kantahin kaya tumingin nalang ako sa labas ng bintana.
Mayroong nakakasilaw na liwanag na nahagip ang mata ko at may shutter akong narinig. Napatingin ako kay Vaughn dahil alam kong siya ang may gawa noon.
BINABASA MO ANG
Cryptic Oracle
Fantasy"Even when the ocean separates from the sea, Even when the fishes will live in lea, And forever will be the opposite of infinity, I won't let anyone, even God take you away from me, Hear my plea baby, stay with me" When I heard those words there's a...