Chapter 8

4 1 0
                                    


Racle's POV

Nagising ako nang makitang nasa loob ako ng isang chamber.

I'm almost naked, lahat ng parte ng katawan ko ay kita at isang pahabang tela lang ang tumatakip sa pagkababae ko at ang mahaba kong buhok lang ang tumatakip sa dibdib ko at ang daming nakakabit na tubes sa akin. Nangyari na naman ang kinatatakutan ko.

"Racle! Oh my god! You're okay!" mangiyak-ngiyak na sambit ni Altera.

Narinig ko naman na ni-congratulate ako ng mga kasamahan namin. Para naman akong isang babae na bagong panganak na ki-no-congratulate at pinalakpakan ng mga kamag-anak. Ang awkward!

Gayunpaman, nakikita ko ang saya sa mga ngiti nila. Pakiramdam ko ay gusto akong hawakan ni Altera ngunit hindi pwede. Nasa iisang room kami pero hindi nila ako mahahawakan dahil nasa loob ako ng chamber.

Ang chamber na ito ay nagtataglay ng nutrients na pumapasok sa katawan mo using tubes na nakakabit sa katawan mo. Makakarecover ka kahit wala kang ti-ne-take na gamot three times faster than you are in the hospital.

Ang lab na ito ay itinayo ni Doc mismo when he's in love with a goddess yun ang sabi niya.

"Racle, bakit ka ba nakidnap? To think na ikaw ang may pinakamatalas na pakiramdam dito sa atin? Asyuso ni Altera.

"P-Pre occupied l-l-lang ang i-isip ko" Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil parang mayroong bara sa lalamunan ko.

Bumaling ang mga kasamahan ko at ako sa nagbukas ng pinto. Nakita kong papasok si Vaughn, Doc at Leib.

"Babe! You're awake! Okay na ba ang pakiramdam mo?!" masiglang tanong ni Vaughn. Tumango lang ako.

"Hey beautiful!" kaway sa akin ni Leib. Tinanguan ko lang siya.

"Doc, bakit ba tayo ang pinupuntirya ni A?" Tanong ni Altera. Mukhang okay lang naman sila at wala namang nasugatan at nasaktan sa kanila.

Umupo si Doc sa isang monobloc chair at nagsimulang magkwento.

"Pumayag si Vaughn na magpaeksperimento sa akin noon kaya dinala ko siya sa lab. Isang araw pumunta si Vaughn sa akin noon at tinanong niya kung ano ang gagawin ko sa kanya" He chuckled

"Hindi niya sinabi sa akin noon kaya nagtaka ako" Sabat ni Vaughn "And then may nakita akong weird chemical sa loob ng isang vial sa lab niya habang nag-iikot-ikot ako. Tinanong ko siya kung ano yun. Sinabi ni Doc na isa ito sa dalawang pinakamakapangyarihang genome na naimbento niya."

Isa sa pinakamakapangyarihan? At yung isa?-------kaya pala.

"This genome or should I say the Void Genome is the evidence of the coalition of the heavens and science. I know its impossible pero totoo yun. The power it bestows on its user is The King's Power because you can feel the heart of the people and use it through weapons. Then one day may ginawa itong masama" sabay turo kay Vaughn

"Nakita ko si Doc na nag-uusap kasama si A at nalaman kong ang Void Genome ay para sa kanya. Ang laking galit ko kay A dahil sa pagkuha niya ng mga minamahal ko sa akin. Nawala ako sa tamang pag-iisip at itinurok ko sa sarili ko ang genome and everything went black." Kwento ni Vaughn habang nakatulala.

"Isang taon itong nakatulog dahil sa kagaguhan niya. Akala niya kasi kalaban ako, pero mabait ako hindi ako kalaban no...." napangiti kami nang biglang naging childish ang attitude ni Doc minsan lang yan maging ganyan. Para itong nasusumbong sa mga magulang niya na wala talaga siyang ginawang masama sa school.

"Kapag itinurok sa iyo ang Void Genome ay makakatulog ka ng isang taon o higit pa, because that is its side effect, ginawa ko ito para kay A para habang natutulog siya ay gagawa ako ulit ng isa pang genome na kapag itinurok sa tinurukan ng Void Genome ay makakalason. Ang Void Genome na unti-unting kumakalat sa katawan ng isang taong tinurukan nito ay mag-me-meet sa ginawa kong genome at magiging poison. At hindi na makagigising pa ang taong ito. Pero dahil binulilyaso ni Vaughn wala akong nagawa." Nagkibit-balikat si Doc.

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon