Napaluhod si Vaughn sa narinig. Ako naman ay hindi makapaniwala dahil sa mga narinig at sa mga sinabi ni Aeshma.
Bigla ko nalang narinig si Vaughn na humihikbi. Gumagalaw in yung balikat niya kaya alam kong siya yung umiiyak.
Pinat ko ang likod niya para i-comfort siya. Hindi ko din alam kung anong gagawin ko dahil maski ako ay naguguluhan dahil sa mga nangyari.
Ilang minuto kaming naroroon lang sa harap ng cafe at pinagtitinginan na din kami ng dumadaan pero wala akong pakialam, kailangan ako ngayon ni Vaughn kaya hindi ko siya iiwan. Mabuti nalang at dis oras na ng gabi kaya wala masyadong tao na sa paligid.
Nang mahimasmasan si Vaughn ay sinabihan ko siyang umuwi na sa condo ko.
Inalalayan ko siyang makatayo at maglakad papunta sa kotse niya. Nanginginig rin siya, hindi ko alam kung dahil sa pag-iyak o sa galit kay Aeshma.
Pinapunta ko siya sa passenger's seat at habang ako naman ay papunta sa driver's seat. Gusto niya sanang siya ang mag drive pero pinigilan ko siya.
Hindi ko naman hahayaang siya ang mag drive in that conditon. Nanginginig siya tas siya ang magmamaneho? Pareho lang kaming mapapahamak niyan.
Wala kaming imik sa isa't isa. Nakatingin lang siya sa bintana at parang wala sa sarili at ako naman ay focus lang sa pagmamaneho.
Nang makarating kami sa condo ay agad ko siyang hinila dahil wala atang balak na bumaba.
Pumasok kami sa elevator at narinig ko siyang humihikbi na naman. Humanda ka Aeshma papatayin talaga kita!
Nag bumukas ang elevator ay nakayuko at umiiyak parin siya. Pasalamat nga lang ako dahil walang tao sa elevator na iyon maliban sa amin.
Binuksan ko at sinara ang pinto ng unit pero wala parin siyang imik.
"Vaughn?" tanong ko.
Bigla niya akong niyakap ng mahigpit na mahigpit. Naramdaman ko rin na nababasa ang leeg at t-shirt ko dahil sa luha niya.
Kumalas ako sa yakap at pinaupo siya sa couch. Pumunta rin ako sa kitchen para kumuha ng five cans of beer. Hindi ito makakatulog at iiyak nalang ng iiyak kaya papainumin ko. Para naman makapagpahinga.
"Oh" Abot ko sa kanya ng isang lata.
Tinanggap niya naman ito pero pagkaupong pagkaupo ko ay bigla niya naman akong niyakap.
"Ang sakit. Ang sakit sakit. May nasaktan ba akong tao kaya ako sinasaktan ng ganito?" tanong niya
Oo Vaughn, may nasasaktan ka. Kayakap mo pa. Vaughn nasasaktan ako at sinasaktan mo ako dahil sa mga ginagawa mo.
Gusto kong sabihin yun sa kanya pero hindi ko ginawa. Tama nang hindi niya alam ang nararamdaman ko sa kanya.
Kumalas siya sa yakap at sinabunutan ang sarili niya.
"I'm so f*cked up. F*ck! Ang sakit. Hindi ako nakikipag s-x sa kanya dahil ginagalang ko siya. Yun pala may kalampungan nang iba. Hindi ko gustong magpakasal sa kanya dahil sa hindi ko alam. Pero ang alam ko mahal ko siya. Bakit ang dali niyang bumitaw?" lumagok siya ng beer bago nagsalita ulit.
"Spoiled brat siya kaya sinasabi kong dapat paghirapan niya ang pera. Minahal niya lang ako dahil sa pera?" Nakita kong nalilisik yung mga mata niya.
"Gaano ba siya kamahal ng g*gong yun para iwan niya ako?" Binato niya ang isang lata sa vase. Basag!
Hindi ko alam kung paano ko siya i-co-comfort. Hinagod ko nalang yung likod niya.
"Sana hindi ko nalang nakita yun. Sana hindi ko nalang nakita kung paano nniya tignan yung matandang yun. Yun yung tingin na hinahanap hanap ko kapag kasama ko siya pero hindi niya maibigay sa akin, yun pala may pinaglaaanan na siyang iba. Yung tingin na nagpapatunay na mahal talaga nila yung isa't isa."
"Sana may nakapagsabi sa akin na mangyayari to para sana naman nakapaghanda ako." Natigilan ako sa sinabi niya.
Kanina, noong papaalis pa lang kami sa garrison, sumakit yung ulo ko tapos mayroon akong nakitang kung ano anong mga imahe.
Ngayon ko lang nakita, klaro na ang lahat. Si Aeshma at yung kasama niyang lalaki. Sila yun.
Nalaman ko kung anong mangyayari sa hinaharap? Paano yun?
Nabalik ang atensiyon ko kay Vaughn nang marinig ko ang isang lata na biglang nag crack. Kinuyumos ni Vaughn ang lata kaya lumabad ang beer sa lata pero pagpatak noon sa sahig ay kulay pula.
Nakita kong dumudugo ang kamay ni Vaughn pero parang wala lang sa kanya, siguro natabunan ng sakit na idinulot ni Aeshma ang sakit na dinudulot ng lata.
"I wanna kill someone." Sabi niya at hinawakan ng mas mahigpit ang lata.
"Pumatay ka ng mga tauhan ni A. Sigurado akong hindi ka papagalitan ni Doc." Nagbibiro kong saad pero seryosong nakatingin sa kaniya.
"Pwede ba yun?" tanong niya
Shit! Racle! Wag kang magbibiro sa lasing! Tumango nalang ako.
"I wanna kill all of them"
"You wanna use me?" tinutukoy ko ay ang Winged Labyrinth.
Hindi siya sumagot sa akin bagkus tinignan ang ako sa mata. Napabuntong hininga ako. Kaya niyang isakripisyo ang buhay ko para lang mawala ang sakit na idinulot ni Aeshma.
"Okay" ako na ang sumagot sa sarili kong tanong. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya palabas ng unit.
Napakabilis ng pagpapatakbo ni Vaughn na akala mo hinahabol kami ng pulis dahil nangnakaw kami.
Papunta kami ngayon sa lumang building kung saan ako pinagstay dahil kinidnap ako.
Pagkarating namin doon ay agad kaming lumabas ng kotse ni Vaughn. Nagsilapit naman ang mga tauhan ni A sa amin. Itinaas nilang ang baril na hawak at ikinasa pagkatapos ay itinutok ito sa amin.
BINABASA MO ANG
Cryptic Oracle
Fantasía"Even when the ocean separates from the sea, Even when the fishes will live in lea, And forever will be the opposite of infinity, I won't let anyone, even God take you away from me, Hear my plea baby, stay with me" When I heard those words there's a...