"Even when the ocean separates from the sea,
Even when the fishes will live in lea,
And forever will be the opposite of infinity,
I won't let anyone, even God take you away from me,
Hear my plea baby, stay with me"
When I heard those words there's a...
One week na pero hindi parin nagigising si Racle. Habang tumatagal ay mas lalo akong nagui-guilty sa kung ano ang nagawa ko.
Ako ang may kasalanan kung bakit siya nagkaganon. Sana may magawa ako para magising na siya. Namimiss ko na siya. Nami-miss ko na yung mga tawa niya, yung yakap niya, yung lahat sa kanya.
Nabalik ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto.
"Pasok"
"Vaughn, ako na muna ang magbabantay kay Racle" prisinta ni Gavin.
"Hindi, okay lang"
"Ako na. Isang linggo ka nang nagkukulong dito sa kwarto ni Racle, lumabas ka naman." Sabi niya habang inilalapag ang dalang pagkain at prutas sa gilid ng kama ni Racle.
Tumango ako. Kailangan ko rin sigurong lumabas para makapag freshen-up. Hindi ko na rin siguro matiis ang makita si Racle na nakaratay lang sa loob ng isang chamber at walang malay.
Hindi pa rin natatangal ang mga marka ng ugat niya sa katawan niya. Idagdag mo pa yung mga kung ano anong tubes na nakakabit sa katawan niya, nakakaguilty lalo.
Lumabas ako sa kwarto niya at nag-ikot-ikot sa hospital.
Nang magsawa ako ay lumabas ako at natagpuan ko nalang ang sarili kong tinatahak ang isang pamilyar na daan papunta sa isang napakagandang lugar.
"Sorry na!" malakas na sigaw ko nang makarating ako doon.
Si Racle ang nag introduce sa akin sa lugar na ito. Noong una ay hindi ko nagustuhan sapagkat walang kulay ang lugar na ito pero nang tumagal ay minahal ko na rin.
Tinawag namin itong lugar na ito na Labyrith. Dito ko kasi unang nawield yung Winged Labyrinth.
Isang puno lang ang naroroon na may dahon. Lahat kasi ng puno dito sa garisson ay puro sanga lang at walang dahon. Kung hindi mo alam na may tao rito ay aakalain mong daan ito patungo sa lumang sementeryo.
Ang nag-iisang puno na iyon ay nakabase sa gilid ng cliff. It' a weeping tree. Sa ibaba ng cliff ay mayroong usok na naggagaling sa lupa sa lilalim ng cliff. Mayroon ding maliliit na waterfalls at ang tubig ay dumadaloy palabas sa lupa na galing sa ibaba ng cliff.
Kakaiba ang tubig dahil kapag lalabas ang tubig mula sa maliliit na waterfalls, hindi pa nakakadikit sa lupa ang tubig ay nawawala nalang ito basta-basta.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sabi sa akin ni Racle na kapag gusto ko daw mag-emo ay pupunta lang ako rito.
Pulubi lang ako noon. Isang batang walang kamuwang muwang sa mundo na nakakalat sa daan. Six years old ako nung mamatay ang papa ko na siyang bumubuhay sa amin.
At nung namatay yung papa ko, wala nang panggastos si mama sa gatas at pagkain namin kaya iniwan niya ako sa tabi ng daan. Sabi niya babalikan niya ako kaya naghintay ako, pero tatlong araw nalang ang lumipas pero walang mama ang bumalik.
Iyak ako ng iyak noon. Hindi ko alam kung dahil sa gutom, o sa lamig, o dahil sa pangungulila. Halo halong emosyon na ang naroroon sa loob ko ng mga panahong iyon.
Tatlong taon din akong namuhay sa gilid ng daan. Naghihingi ng pera. Nakikipagbug-bugan dahil lang sa pagkain.
Then isang araw may nakakita sa kin na mag-asawa. Nanghihingi ako sa kanila noon ng pagkain at pera kasi ninakaw ang pinag-ipunan ko noon ng mas nakakatanda sa kin na mga pulubi din.
Tinanong nila ako kung ano ang pangalan ko, kung saan na ang mga magulang ko, tinanong nila ako ng kung ano ano pero wala akong maisagot.
Kinupkop nila ako at inalagaan dahil sa hindi rin sila magkaanak. Wala namang problema sa kanila sadyang hindi lang talaga sila binibiyayaan.
Minahal nila ako at itinuring na parang tunay na anak. Pero maaga silang nawala sa akin. Hindi pa kami nag-iisang taon na magkasama pero iniwan din nila ako.
Nasa plaza kami noon. Masayang nagpipicnic. Sumakay kami ng rides pagkatapos naming kumain. First time ko ring maranasan na sumakay ng Ferris Wheel noon kaya napaka memorable ng moment na iyon.
Akala ko tuloy-tuloy na yung saya pero hindi pa rin pala. Gabi noon, nagmamasid kami sa kalangitan dahil may fireworks display daw. Nagpaalam sa amin ni papa si mama para mag cr. Nagsimula nalang at natapos ang fireworks pero hindi pa rin nagpapakita si mama.
Dinala ako ni papa sa isang stall ng mga pagkain at pinaupo sa isang table, sabi niya susunduin niya raw si mama kaya um-oo nalang ako. Mag fi-fifteen minutes na pero wala pa rin sila, bumalik yung takot sa akin noong iwan ako ng totoo kong mama kaya pumunta ako sa cr ng mga babae.
Nakita ko si papa sa labas kaya napanatag yung loob ko, akmang yayakapin ko na sana si papa nang may lalaking humila sa kanya papunta sa cr ng mga babae.
Naiwang bukas ng kung sinong humila kay papa ang pinto ng cr kaya naman kitang kita ko ang pag ikot ng ulo niya at nasa likod na ito nakaharap.
Hindi ako makapagsalita dahil sa mga nakita ko. Dilat na dilat lang yung mga mata ni papa habang huminto na siya sa paghinga. Hindi pa nakuntento ang mga salbaheng lalaki at tinadtad pa nila ng bala si papa.
Nakatago lang ako sa pintuan kaya hindi nila ako nakikita. Bumaling ako sa isa pang lalaki na ngayon ay may hawak na babae sa mga bisig niya.
Si mama....
Nakita ko kung paano gawan ng pilas ang mga braso at legs niya ng kutsilyong gamit ng lalaki. Humahalakhak pa ito at parang ine-enjoy pa na pahirapan ang isang walang buhay na tao na karga niya.
Napakabrutal niya. Naglakad ako paalis pero hindi nakalampas sa pandinig ko ang dahilan kung bakit nila sila pinatay.
"Ayan! Wala nang mga pakialamero! Ano na? Iiiwan nalang ba natin dito?"
Pumatay sila dahil pinakialaman lang sila nila mama at papa. Anong klaseng tao sila? Mga walang puso!
Pagkatapos ng gabing iyon ay bumalik ulit ako sa pamumulubi pero hindi na ako nagpadala sa mga nambu-bully sa akin.
Nilalabanan ko na sila, hindi ko alam kung saan ako natutong lumaban pero nagpasalamat ako dahil natuto ako, apat na taon akong naghirap at nagtiis.
At sa pangalawang pagkakataon may nakakita sa akin.
Si Doc....
Thirteen years old na ako nang makita ako ni Doc. Dinala niya ako sa garisson at dito na kami namuhay. Ako ang huling student ni Doc pero ang tawag sa akin ay X11.
Ang sabi nila 11 nalang daw kasi ang kulang na numero para makumpleto sila kaya naman pumayag nalang ako.
Tatlong taon akong namalagi kay Doc at araw araw akong bumibisita kay Doc kaya laking gulat ko na lamang ng may makita akong files na kakabit noon ay ang mga taong pumatay kila mama at papa. Tinanong ko si Doc kung sino ang mga iyon, ang sabi niya wala lang daw.
Pero nakita ko siya na kausap si A kaya nagduda ako. At dahil sa kagaguhan ko, napunta sa akin ang Void Genome
I don't know if it is just a coincidence o pinagtagpo talaga ang mga landas namin ni Doc para patigilin si A.