Chapter 20

4 1 0
                                        

Vaughn's POV

May narinig akong putukan na nangyayari sa paligid ko, gusto ko sanang malaman kung sino yun pero hini akomakagalaw sa kinauupuan ko.

Gusto ko sanang mag wield ng void at ang void na yun ay nanggagaling sa mga kumidnap sa akin pero hindi ko kaya.

Mayroong something sa kinauupuan ko ngayon kung bakit hindi ako makawield ng void. Pinakinggan ko ang mga pag uusap nila.

"Sayang miss, maganda ka pa naman" narinig ko yung pagkasalampak ng lalaki dahil sa ginawa ng kung sino. Miss? Ibig sabihin babae.

"Maganda ka, mukha kang anghel" sabi niya at nakarinig ako ng pagkasa ng baril.

"Don't judge the book by its cover nga diba?" Pamilyar ang boses. Racle?

"Demonyo rin ako lalo na kapag...." hindi ko na narinig ang iba pa niyang sasabihin nang makarinig ako ng pagputok ng baril. Shit! Okay lang kaya siya?

Dahil sa kaba kong naramdaman hindi ko na napigilang magsalita. "Babe?"

Naramdaman ko nalang na may nagtanggal ng blindfold ko.

"Hi." Sabi ni Racle habang nakangiti. Hindi ko naman napigilan ang sarili kong yakapin siya salamat naman at okay lang siya.

Nakita kong bumuka yung bibig niya at parang may sasabihin nang makarinig kami ng malakas na putukan sa labas.

Dali-daling tinanggal ni Racle ang pagkakaposas sa akin, sinira niya ang upuan na inuupuan ko kanina. Nagulat ako nung bigla niya akong yakapin ulit dahilan para mapaupo ako sa sahig.

Gumanti ako ng yakap, akala ko wala lang yung ngunit naramdaman ko nalang na nababasa na ang kamay kong nakahawak sa likod niya.

Tinignan ko kung ano yun at nagulat ako nang makita kong nagkabutas ang bulletproof suit na suot ni Racle. At nababasa ng dugo niya ang kamay ko.

Napatingin ako sa sinong may gawa noon at nakita ko ang isang lalaki na nakahawak sa isang gun. It's no just a gun. It is a laser gun for goodness sake.

Ngayon ko lang napagtanto, hindi niya ako niyakap dahil nag-aalala siya sa akin o ano, niyakap niya ako para saluhin ang bala na dapat sa akin napunta. Nasaktan na naman siya ng dahil sa akin.

First time kong makakita ng ganoon kaya alam kong hindi basta-basta iyon.

"Death will be the life" narinig kong sabing lalaki

Tumayo ako. Sino siya para saktan ang best friend ko? Kukunin ko na sana ang void ni Racle pero pinaupo niya ako at niyakap ulit.

"Stay" she said.

Nagulat ako nang bigla siyang kumapit ng mahigpit sa balikat ko, napapikit siya at napasigaw.

Nagulat ako nang pagdilat niya ay nagiba ang kulay ng mga mata niya. The same color with the ones I saw when we are walking in the roadside.

Halos hindi na ako maniwala sa mga nakikita ko nang masilayan ko kung paanong may lumabas na pakpak galing sa likod ni Racle.

Wings? Really? I'm not hallucinating right now, right?

Tumayo siya para harapin yung mgatauhan ni A pero hindi parin ako gumagalaw kung nasaan ako. Paano siya naging ganyan?

Nakita kong napapalibutan na kami ng mga tauhan ni A, nagulat ako nung bigla siyang lumipad papunta sa kanila at umikot siya upang tamaan ng pakpak niya ang katawan ng mga ito at kitang-kita ko kung paano humiwalay sa upper body ang lower body nila. Nagmukha tuloy silang manananggal.

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon