Chapter 5

10 2 0
                                    

Lumabas akong tumatakbo at namumula ang buong mukha. Bwisit! Napaka naman talaga ni Leib

Papasok na sana ako ng van ngunit hindi ko mabuksan. Kinapa ko ang bulsa ko at kinuha yung hairpin doon. Ginamitan ko ng lock picking skills ang pinto at bumukas naman. Mabuti nalang at ordinaryong van lang ang dinala ni Doc. Dahil narin siguro sa pagmamadali, dahil kung yung van na inimbento niya ang dinala baka hindi siguro ako makakapasok.

Pagkapasok ko sa loob ay kinalma ko ang sarili ko ngunit tumatambol parin ang puso ko dahil sa kahihiyang ginawa ko kanina.

"Kailangan na ata nating umalis" sabi ko sa kanya

Tumango siya "Kasi nasasaktan ka na."

"Tumigil ka nga ano ba!?" Malakas na sigaw ko na nakakuha ng atensiyon ng mga kasamahan namin pati na sina Aeshma at Vaughn.

Bigla nalang humalakhak ang lahat ng mga kasamahan namin pati nga si Doc na hindi mahilig tumawa nakitawa narin. Alam kasi nilang lahat na gusto ko si Vaughn.

Siya na lang ata ang hindi pa nakakaalam tungkol sa nararamdaman ko at gusto kong panatilihin iyon. Wala ring naglakas loob na sabihin sa kanya dahil siguradong hindi na sila masisikatan ng araw pag ginawa nila yun.

Napatawa narin ng malakas si Leib. Paano ba naman. Nasa kalagitnaan ng pakikipaghalikan sila Vaughn at Aeshma tas bigla akong sumigaw ng "Tumigil ka nga ano ba!?"

Wala akong nagawa kundi magpaalam sa kanila na humahagikhik parin at pumuntang mag-isa dito sa van.

Shet! Nakakahiya.

Lumipas ang sampung segundo ay namataan ko na silang lumalabas sa apartment ni Aeshma. Nang papalapit na sila sa van ay bigla silang tumahimik.

Pumasok na sila sa van at wala ni isang nagsasalita. Nagulat nalang ako nang biglang pumalakpak si Mac ng tatlong beses at narinig ko silang kumanta.

~Kailan, kailan mo ba mapapansin ang aking lihim

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin

Kailan, kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin~

Alam ko na kung bakit tahimik sila. Pinagplanuhan nila ito at alam ko sa sarili kong sucessful ang plano nila. Namula ulit na parang kamatis ang mukha ko at sinimulan ulit nilang tuksuhin ako gamit ang kantang yun.

Sabay sabay silang pumalakpak at kumanta ulit

~Kailan (kailan), kailan mo ba mapapansin ang aking lihim

Kahit ano'ng aking gawin, 'di mo pinapansin

Kailan (kailan), kailan hahaplusin ang pusong bitin na bitin

Kahit ano'ng gawing lambing, 'di mo pa rin pansin~

"Tama na yan, tignan niyo si Racle, parang cherry na sa Plant vs. Zombies, sasabog na sa sobrang pula." Altera at nagtawanan ulit sila.

"Tama na yan, may pag-uusapan pa tayo pagkarating natin doon Racle, kasama kayong lahat" Ani Doc na nagpatahimik sa aming lahat.

Wala kaming kibuan sa byahe nang tumunog yung cellphone ko.

Vaughn calling.,...

Sinagot ko ang tawag sa pang-apat na ring.

"O?"

"Babe! Please babe ikaw nalang ang humingi ng paumanhin kay Doc para sa akin. Ang sama kasi ng tingin niya sa akin kanina. Para niya akong kakainin ng buhay. Okay? Salamat babe! Bye! Magde-date pa kami ng girlfriend ko, promise babawi ako sa'yo"

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon