Chapter 14

5 1 0
                                    

Humarap ako kay Vaughn at at tumango.

He positioned his right hand on to my chest. His right hand became metal, there's a blinding light na lumabas sa dibdib ko at dahil don nagkaroon ng liwanag na kumalat sa buong building. Pati ang mga papunta sa amin na tauhan ni A ay tumigil dahil sa masakit sa mata ang liwanag.

Slowly, he entered his hand on to my chest at naramdaman kong mayroon siyang kinalabit doon na kung saan naramdaman ko ang sobrang sakit.

Unti-unti niyang nilabas ang kamay niya, biglang may lumabas na silver metal ribbon sa dibdib ko na pumalibot sa kanang kamay niya. Itinaas niya ang kanyang kamay at bumuo ito ng mahabang espada na nagliliwanag.

Ang liwanag na mula sa espada ay pumalibot sa kanya at tanging silhouette niya nalang ang makikita mo.

Ang liwanag na mula sa espada ay pumalibot sa kanya at tanging silhouette niya nalang ang makikita mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagpakawala ng isang malakas na tunog pagka abot nito sa kalangitan. Ang mga ulap ay umitim at tinabunan nito ang buwan kay walang liwanag.

Bigla nalang kaming sinugod ng mga tauhan ni A. Pinaulanan nila kami ng bala pero nagliwanang ang Winged Labyrinth na hawak ni Vaughn at ang liwanag na ito ay pumalibot sa amin at nagsilbing proteksiyon para hindi kami matamaan ng bala.

Ang liwanang na nanggaling sa Winged Labyrinth ang nagsisilbing liwanag sa paligid dahil nga sa natatakpan ng maiitim na ulap ang buwan at hindi ito nakapagbibigay ng liwanag.

The light resembles a foam. Kapag tatamaan ito ng bala ay babalik ito ng kusa kung saan o kung sino ang nagpaputok o may ari ng bala na iyon.

They are wearing bulletproof vests pero may sariling utak ata ang mga bala kaya tinatamaan nila ang parte ng katawan ng kalaban na walang proteksiyon. Napaatras ako.

Nagulat ako sa mga nangyayari pero mas nagulat ako kung paanong nakakatayo pa ako ngayon na dapat ay naglupasay na ako sa sahig dahil nanghihina na ako.

Nakita kong mayroong mga Endlaves na papunta sa amin. Kagaya rin ito sa mga Endlave na nakalaban namin noon sa dome na mayroong bazooka sa kamay at steering wheel sa mga paa pero mas malaki ang mga ito.

"Vaughn!" sigaw ko.

Nagulat ako dahil nakakatayo, nakakaatras at ngayon naman ay nakakapagsalita parin ako kahit na wala sa akin ang Winged Labyrinth. Paano?

Akala ko ay mahihirapan si Vaughn sa pagpapatumba sa mga Endlaves pero mali ako. Just one slash of the sword then he's done.

Galit nga siguro si Vaughn ngayon. Sabi kasi ni Doc kung sino ang nagmamay-ari ng void ay nakasalalay dito kung gaano kalakas ang Void.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pero kapag si Vaughn ang humawak, kahit gaano pa kahina ang Void basta't malakas si Vaughn, dumadaloy ang kalakasan ni Vaughn sa Void na hawak niya kaya nagiging malakas narin ang mga atake niya.

Hindi inalala ni Vaughn ang mga tauhan ni A na pinapuputukan siya dahil sa liwanang na naka cover sa amin. Ang tanging kinakalaban niya nalang ay ang mga Endlaves na inaatake siya.

Mayroon tatlong Endlave na sabay sabay pumunta sa kamya ngunit hindi man lang umatras si Vaughn at iginaya ang espada para maputol ang katawan ng mga Endlaves.

Pitong beses pang ganoon ang scenario ni Vaughn. Hindi siya umaalis sa pwesto niya at isang waksi lang ng espada ay putol na ang mga katawan ng kalaban niya Endlaves.

Nagsimula akong manghina. Dapat ay kanina pa ako nanghihina pero bakit ngayon lang? Hindi naman sa gusto kong manghina pero yun talaga ang nakasanayan ko.

Unti unti akong umupo sa sahig at hinayaan si Vaughn makipag laban. Ipinagdarasal ko lang na hindi siya masaktan.

Tumingin ako sa sementong sahig na kinauupuan ko. Nagsimula nang bumaha ng dugo. Napatingin ako sa paligid. Hindi ko napansin na napakaraming bangkay ng tao na ang nakaratay.

Ang ibang bangkay na nabasag ang ulo o kaya naman ay humiwalay na ang kanilang upper body sa pang ibabang katawan nila dahil sa nakapatong sa kanilang Endlaves.

Halos lahat ng biktima ay hindi nakapikit ang mata kaya napangiwi ako. Gusto kong tawagin si Vaughn na itigil na ito ngunit hindi na ako makapagsalita.

Patuloy parin si Vaughn sa kaniyang pakikipaglaban. Lumalabo na ang paningin ko.

"Racle?" Narinig kong tawag sa pangalan ko

Pinilit kong lumingon sa pinanggalingan noon at natuwa ako dahil nakumpirma kong si Leib nga ito.

Ngumiti ako sa kanya ngunit sa iba siya nakatingin. Kay Vaughn....

"Le-Leib" nanghihinang sambit ko. Napatingin si Leib sa akin at pumasok sa liwanag na bumabalot sa akin upang hindi ako matamaan ng bala

"Anong nangyayari sa kanya?" tiim bagang niyang tanong na ang tinutuoy ay kung ano ang nangyayari kay Vaughn.

Inakbayan niya ako pagkatapos ay isinandal ang ulo ko sa leeg niya. Parehas kami ngayong nakamasid kay Vaughn at hinihintay kung ano na ang gagawin niya.

"Tatawagan ko sila Doc. Kailangang malaman nila kung anong pinanggagawa ni Vaughn" sabi ni Leib habang nagtitipa sa cellphone niya.

"Hello Doc..pumunta kayo dito sa building kung saan nagstay si Racle noong kinidnap siya. Something's wrong" pagkatapos makipag-usap ni Leib kay Doc ay ako naman ang binalingan niya ng tingin.

"You okay?" Tumango ako

"Kukuha ako ng tubig. Dyan ka lang ha?" gusto ko sana siyang pigilan pero nauuhaw din ako kaya pinabayaan ko nalang siya.

Suot ni Leib ang Bulletproof suit na ininvent ni Doc kaya walang problema kahit matamaan man siya ng bala.

May nakita akong anim na Endlaves na papasugod kay Vaughn at hindi niya ito nakikita dahil abala siya sa iba. Nag-alala ako sa kanya, gusto ko sanang sigawan siya ngunit hindi ko kaya.

Nang humarap siya at balak sana ng isang Endlave na suntukin siya ngunit naharang niya ang Winged Labyrinth.

Bigla akong nakaramdam ng matinding sakit sa dibdib ko. Napahiga ako at pinikit ang mga mata ko. Pero bago yun may marinig akong boses na tinatawag ang pangalan ko.

"Racle!!"

Leib......

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon