Chapter 21

7 1 0
                                        

Tulala parin ako hanggang ngayon. Hindi maubusan ng tanong ang isip ko. Kapag tinangka kong kalimutan ang isa may isa na namang susulpot at mas kumplikado pa kaysa sa nauna.

Nandito ako ngayon sa Labyrinth. Pilit kinakalimutan ang mga nangyari kanina. Pero imbes na makalimutan ay mas naaalala ko ang mga ito.

Naaalala ko kung paano magiba ang kulay ng kanyang mga mata. Naaalala ko kung paano lumabas ang pakpak sa likod niya. Naaalala ko pa kung paano ang galit ay rumehistro sa kanyang mga mata. Naaalala ko kung paanong sa isang idlap lang nag bago siya.

Naaalala ko kung paano siya sumigaw sa sakit. Naaalala ko kung paano mapunit ang balat niya sa likod dahil sa paglabas ng pakpak. Naaalala ko lahat-lahat.

Ikinuwento ni Vam sa akin ang mga nangyari noong nakidnap ako, hindi niya rin daw akalain na magiging ganoon si Racle. Tanging si Doc, Altera, at Gavin lang ang nakakaalam sa kung ano talaga si Racle.

"Vaughn" narinig kong may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at naabutang papalapit sa akin si Doc.

"Po?"

"Hindi mo man lang ba pupuntahan si Racle? Gising na siya." Sabi niya at umupo sa damuhan katabi ko.

"Doc, bakit naging ganoon si Racle?" tanong ko

"Siya nalang ang tanungin mo, puntahan mo na siya, kanina ka pa niya hinahanap."

Siguro nga yun lang ang tanging paraan para malaman ko kung anong nangyayari. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagsimulang maglakad nang magsalita si Doc.

"Magtiwala ka sa kanya Vaughn"

Tumakbo ako patungo sa kwarto ni Racle. Tumigil ako sa harap ng pinto niya at kumatok. Dati hindi naman ako kumakatok pero ramdam kong nagbago na ang lahat ngayon.

"Pasok." Rinig kong sabi ng nasa loob, alam kong siya yun.

Binuksan ko ang pinto at naabutan ko si Racle na nagbabasa ng libro na paborito niya. Ibinaba niya ang libro niya at tumingin sa akin.

"Babe"

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya at tumitig sa mga mata niya.

"I need an explaination." I said while looking at her intently

Racle's POV

I sighed. Siguradong nabigla siya sa mga nakita niya kanina.

Umayos ako ng upo kaso biglang nahulog yung unan sa likod ko pero nasalo naman yun ni Vaughn at inilagay ulit ito sa likod ko. Napangiti ako. Akala ko tuluyan na siyang nagbago sa akin.

Tumikhim ako bago nagumpisang magkwento.

"Hindi ako dito sa Pilipinas ipinanganak. I was born in Russia. My family is one of the wealthiest in the country.My father owns a Publishing Company. We have lots of branches all over the world at dahil dun, marami rin siyang kakumpitensya, isa na dun si A"

"I was 11 years old back then. We were happily eating breakfast when someone unrespectful barge into our house. Kinidnap nila ako, si mom at dad. Yung kuya ko ay nasa ibang bansa kaya kaming tatlo lang ni mom at dad ang naiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay."

"Dinala nila kami sa isang lumang silid. Sa isang silid na mahihirapan kang huminga dahil masyadong maalikabok. Tinanggal ang pagkakaposas namin at pinaupo sa isang sulok. Noong una ay hindi ko alam kung ano talaga ang gusto nila. Hindi naman kami nagmukhang kinidnap dahil pinapakain naman kami ng maayos at binibihisan."

"Pero akala ko lang pala yun. Pagkatapos ng isang linggo nagsimula na silang pahirapan kami. Araw-araw binubugbog nila si dad at tinatanong kung nasaan ang Winged Labrinth. It is a treasure that my great grandmother inherited to my great, great, great granmother. Ibinigay ito ng great granmother ko kay dad para maibigay niya kay mom sa araw ng kasal nila."

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon