Chapter 9

7 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa isang hospital bed, nakaupo ako habang si Vaughn naman ay nakaunan sa hita ko. Ang bigat ng ulo, dapat nga magaan eh, puro kasi hangin.

"Ano bang nangyari sa'yo, bakit ka nakidnap" tanong niya habang nilalaro yung dulo ng ribbon ng robe.

Napabuntong-hininga ako at napilitang ikwento sa kanya ang nangyari. Kanina pa kasi ako kinukulit nito.

"Hindi ko alam kung bakit nagalit ka sa akin noon nung iniwan mo ako sa shooting range kaya pinilit kong isipin kung ano ang dahilan. Nagpaiwan si Leib dahil gusto niya akong tanungin kung may problema ba tayo pero hindi naintindihan ang mga sinasabi niya dahil nahihilo ako. Nakita ko nalang siya na sumasabay sa paglalakad mo. Siguro papunta na kayo noon sa conference room"

"Bakit hindi ka humingi ng tulong" nakakunot noo niya tanong

"I tried" sabi ko "Pero hindi ko na maramdaman ang mga paa ko. Tapos nagulat nalang ako nung may mga kamay na pumulupot sa akin at sa ulo ko kasama ang panyo na inilagay sa ilong at baba ko. Alam ko kung anong ,mayroon sa panyong yun kaya hindi ko ito sininghot at pinigilan ko ang paghinga ko. Pero dahil nga sa nahihilo ako bigla akong nawalan ng pwersa at natumba, nasalo naman ako nung kidnapper, akala siguro nila nakatulog na ako dahil dun sa chemical na mayroon ang panyo, kaya binuhat nila ako at dinala sa isang van. Hindi ko alam kung paano sila nakapasok sa garrison at nakalabas ng walang kahirap-hirap pero alam kong hindi sila basta-bastang mga sindikato."

"Yea tama ka. Hindi sila mga tauhan ng mga basta bastang sindikato lamang. Isipin mo nga paano sila nakapasok? May invisible barrier kaya imposible yun. Paano kayo nakalabas? Yan yung isa sa mga tanong na hindi ko masagot. Pero isa lang ang sigurado ako, si A ang may pakana ng pangingidnap sa'yo. Nagpadala siya ng sulat basahin mo." Mayroon siyang kinuhang isang maliit na papel sa bulsa niya na naglalaman ng sulat.

Can't you move a little bit faster?

They'll pull the trigger

I'd love to end this life of hers

And put an end to this curse

Move a little bit faster dear,

Your angel is here

-A

Bigla akong namutla sa nabasa ko. Paano niya nalaman?

"Hey, babe? Are you alright? Ba't namumutla ka." Tanong niya habang sinusuri ang mukha ko.

"Okay lang naman yung pakiramdam ko, medyo nanghihina lang." pagsisinungaling ko. Ayos na naman yung pakiramdam ko kaso wala lang akong mahanap na salita kaya dinahilan ko nalang na nanghihina ako.

"Uhmm..." Nag-aalangan akong sabihin sa kanya. "Nung araw na kinidnap ako, hindi ako nakatulog kaya medyo minulat ko ang mga mata ko para makita yung mga dinadaanan namin. Nadaanan namin yung isang cafe..." Nakagat ko yung labi ko dahil hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin yun sa kanya. Napayuko na din ako dahil sa mga sinasabi ko.

"Bakit? Ano yun?" bumangon na siya sa pagkakahiga sa hita ko.

"Nakita ko kasi si Aeshma na may ---may kausap na l-lalaki, p-parang date, ganun." Hindi na ako makapagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya, idagdag mo pa na nakayuko ako dahil sa sinabi ko.

"What?" agaran niyang sigaw sa akin. Napatingin ako sa kanya at kita kong naiinis siya.

"Are you serious? Hindi niya magagawa sa akin yun." Pahabol niya.

"Siguro nga mali lang ako. Dahil ata sa pagkahilo ay iba iba na yung iniisip at nakikita ko." Palusot ko sa kanya pero sigurado akong si Aeshma ang nakita ko. Hindi lang ako makalingon dahil sa inaakala nilang tulog ako kaya dapat ipagpatuloy ko ang pagpapanggap.

Cryptic OracleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon